21

276 10 1
                                    

Ezekiel's's PoV

"Do i look pretty?" She asked me and i just nodded as a response.

It's her birthday and i was invited to be here, hindi lang ako pero halos lahat ng mga kakilala ng Daddy nya.

"Hinata! You look so beautiful," An old woman approached us.

"Thank you tita." She answered with a smile.

"Oh? Is this your boyfriend?" Nabaling ang tingin ng matanda sa akin kaya nangunot ang nuo ko.

Nakita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Hina matapos iyong marinig.

"No, I'm just her friend madame." I answered and i saw a bit of disappointment in her eyes.

"Oh, i see." Wika nito at nakita kong papalapit sa gawi namin ang Daddy ni Hinata Dala-dala ang tungkod nito kasama ang dalawang body guards.

He's Kousei Sawamura, Hinata's father and a well known business tycoon not just in Japan but world wide. I heard that he and that Lucius a$$hole is business partner kaya hindi imposible na makita ko ang tarantadong 'yun dito mamaya.

I need to ask him something. Kailangan kong malaman kung ano'ng ginawa nya kay Luna. Bakit naging si Izuna ang asawa ko.

Napakuyom ang kamao ko sa galit pero kaagad ko din namang ikinalma ang sarili ko dahil nakita ko ang pagtataka sa mga mata ni Hina ng tingnan ako nito.

Nabaling ang tingin ko sa matandang lumapit sa amin kanina na kasalukuyang kausap na ngayon ng Daddy ni Hinata. Ilang minuto din silang nag-usap hanggang sa dumeretso nanga sa gawi namin ang Daddy ni Hina.

"Hello my dear daughter. You look so pretty with that dress," wika nito at saka hinalikan ang anak sa nuo.

"Thank you Dad!" Sagot nito at saka niyakap ang ama.

Ulila si Hinata sa ina simula pa ng bata pa ito at tanging ang Daddy nya lang ang nag-alaga sa kanya kaya alam kong close talaga silang dalawa.

"Hi Mr. Buenavista. How are you?" Bati ng matanda sa akin.

"I'm doing well, Mr. Sawamura." Sagot ko.

"That's good! I hope my daughter is also doing well in your clinic." Wika nito at bahagya naman akong ngumiti.

"Hina is a good assistant Sir." Sagot ko.

"What if maging doctor ka sa ospital ng kaibigan ko, hijo? I bet you're such a great doctor." Sambit nito.

"Yes, dad. Bakit hindi mo sya i-hire duon sa ospital ng ka-business partner mo? You're also a shareholder of that hospital, right?" Saad naman ni Hina.

"Yes. It would be great if you'll be a doctor in Light Medical Hospital." I was surprised hearing the name of the hospital. It's Luna's hospital na si Lucius na ngayon ang may ari.

"No. I'm contented to have a simple clinic."  sagot ko at bigla namang tinawag ng kung sino ang Daddy ni Hinata.

"Sir, Mr. Vergara and her wife is already here." Wika nito dahilan para balutin ako ng hindi maipaliwanag na emosyon.

I was staring at the huge door and after a seconds, i saw her... I saw my wife smiling with someone.

Pain, that was the first thing i felt seeing her being happy with someone.

How could she be happy, while I'm suffering?

Three years, that was three years of waiting for her to come back. But why? Bumalik nga sya pero pagmamay-ari na ng iba.

And what the f*ck just happened to her? Bakit sya nag bago?

Ano'ng ginawa ng g*gong Lucius na 'yun sa asawa ko?

While looking at them, i can literally feel pain inside. Parang sinasaksak ang dibdib ko. It seems like i just want to cry.

"Hey? Ezekiel? Are you okay?" Napatingin ako kay Hinata ng tapikin ako nito.

Hindi kona nagawang sumagot at kaagad na naglakad palabas.

--

Izuna's PoV

Halos ilang minuto na akong nakaupo dito sa gilid at ramdam kona ang pangangalay habang kanina pa busy ang asawa ko kakausap sa mga kakilala nya kaya feeling ko na a-out of place na ako dahil wala din naman akong makausap.

Tapos nadin akong i-greet at kausapin yung birthday celebrant at laking gulat ko nalang dahil sya din yung nakita ko kahapon sa mall yung kasama nung lalaking nagligtas sa anak ko. But sadly, wala sya dito.

Hindi kona napigilan ang pagkabagot kaya nagpasya na akong tumayo at maglakad palabas.

Naglakad-lakad ako hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar na maraming mga bulaklak. I guess nasa garden ako.

Aalis na sana ako pero hindi ko natiis ang ganda ng nga bulaklak kaya naisipan kong gumala muna at pagmasdan ang mga bulaklak.

"The moon is beautiful, isn't it?" Napasinghap ako sa gulat ng makarinig ako ng isang baritonong boses kaya kaagad akong napalingon.

Napakurap-kurap ako ng mapagtanto kung sino ito.

"H-hey, andito ka pala? He-he-he." Awkward kong sambit at natigilan na lamang ako ng makitang tumutulo na ang mga butil ng luha sa mga mata nya.

"Sir? Are you okay?" Kaagad ko syang nilapitan sa sobrang pag-aalala pero sa hindi ko inaasahan bigla nyang hinila ang braso ko at kaagad akong ikinulong sa mga bisig nya.

Ilang sandali akong natigilan sa ginawa nito. I was surprised from what he did but what surprised me more is my heartbeat..... Nagwawala ang puso ko. Pakiramdam ko sasabog na ito sa sobrang bilis ng tibok sa 'di ko malamang dahilan habang yakap-yakap ako ng misteryosong lalaki.

"P-please... Let go of m——" hindi na natapos ang sasabihin ko ng marinig ang sinabi nya.

"How could you do this to me? I already suffered enough, Luna. Bakit kailangan mong magpanggap na hindi mo ako kilala?" Wika nito habang patuloy na umiiyak at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Sorry.... Sorry for everything i did. Sorry for hurting you so bad." He added and those words hit me so bad that made my tears escaped from my eyes even though i don't know what's the reason.

Bakit ako nasasaktan? Bakit ako umiiyak? What's happening?

Tila panandalian akong nawala sa sarili ko at malakas syang itinulak dahilan para mapakalas sya sa pagkakayakap sa akin.

Mabilis akong tumakbo papalayo habang ramdam ko parin ang malakas na pagtibok ng puso ko at hapdi na tila ba nasasaktan ako sa mga binitawang salita nito.

Napatigil ako sa pagtakbo at mariing napahawak sa nuo ko ng bigla itong kumirot.

"Argh!" Daing ko ng mas lalo pa itong sumakit.

Napasandal ako sa pader at ilang sandali pa ay bigla nalang nanilim ang paningin ko  hanggang sa tuluyan nangang bumigat ang talukap ng mga mata ko.

"Luna!" I heard his voice before i lost consciousness.

#Hatake_simp

Shattered Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz