31

207 6 0
                                    

Luna's PoV

Kaagad akong napatingin sa oras pagkatapos kong lumabas ng banyo. I woke up 5 in the morning and immediately took a bath, plano ko kasing mamasyal para kahit papaano makalimotan ko ang problema ko.

"6:34 am." Basa ko sa oras at kaagad na inilapag ang cellphone ko sa kama. Hindi ko pinansin ang halos 20 missed calls galing kay Lucius. I'm planning to change my number anyways.

Kaagad na din akong nagbihis at saka lumabas ng kwarto ko para hanapin si Yuno at Hyacinth para mag paalam.

"Luna?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Hyacinth sa likuran ko.

"Bakit ayos na ayos ka? Saan ka pupunta? Ang aga pa ah." Wika nito at natawa naman ako.

"Ahm, I'm planning to visit someone at gusto ko din gumala." Sagot ko.

"But it's too early. And you haven't eat your breakfast yet." Sambit nito at bakas ang pag-aalala sa mukha nya.

"Nope. Mag s-seven am na. Maaga pa 'yun sa'yo?" Kunot nuong tanong ko kaya sya naman ngayon ang natawa.

"Fine. But you need to eat your breakfast first." She said and immediately grabbed my hand.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama na lamang at tinungo namin ang dinning table kung saan nakaupo ngayon si Yuno at ang isang lalak—— what the hell is he doing here?!

Literal akong natigilan ng mapagtanto na si Ezekiel nga ang nakikita kong nakaupo at akmang kakagat na ng tinapay.

Mabilis naman nitong binitawan ang tinapay at saka tumayo ng makita ako.

"Good morning!" Bati nito at saka hinila ang isang upuan sa tabi nya. And he's expecting me to sit beside him?

Kaagad akong umirap at umupo sa isang upuan na nasa harapan ko.

"Ah-eh hehehe... Kumain na tayo." Awkward na sambit ni Yuno.

"Oo nga. Kumain nalang tayo." Pag sang-ayon naman ni Hyacinth at saka umupo sa tabi ko.

Si Yuno ngayon ang kaharap ko at kaharap naman ngayon ni Ezekiel si Hyacinth.

Kaagad akong kumuha ng pagkain at nag umpisang lumaklak. Hindi ko pinansin ang mapanuring mga mata ni Ezekiel na tila binabantayan ang bawat pag nguya ko ng pagkain.

"Ehem," narinig ko ang pekeng pag-ubo ni Yuno pero nanatiling nakapako ang tingin ko sa hotdog at tinapay na kinakain ko.

"Luna? Diba paborito mo 'tong sinangag? Why don't you try it?" Biglang sambit ni Yuno at tinuro ang sinangag sa harapan ni Ezekiel.

Nahiya naman akong tanggihan kaya ngumiti ako at akmang kukuha na pero inunahan ako ng pabibong si Ezekiel.

Naglakas loob pa itong lagyan ako sa plato ko kaya nangunot ang nuo ko. I was about to complain pero bigla itong nagsalita.

"Paniguradong magugustuhan mo 'to. This is so good." Masaya nitong sambit na kaagad ko naman sinagot.

"Syempre, luto ni Yuno eh." I answered but Hyacinth caught my attention.

"Actually, Ezekiel is the one who cooked all of this." Napakurap-kurap pa ako matapos marinig 'yun mula kay Hyacinth.

"Yup! Gumising sya ng maaga at pumunta dito para ipagluto ka my dear Luna hihihi." Nakangiting asong gatong naman ni Yuno.

Tiningnan ko lang ng masama si Ezekiel dahil alam kong nag papabibo lang naman ang ungas.

Napatingin ako sa mga niluto nito at nakakahiya naman kung mag walk out nalang ako kaya kaagad ko itong kinain.

Kinain ko lang ang lahat ng nasa plato ko ng walang kibo. Ganun din silang tatlo, walang kibo at hinihintay ang magiging reaksyon ko.

"Busog na 'ko. Thanks for the breakfast. I need to go." Paalam ko at kaagad na tumayo at tumalikod.

Derederetso akong lumabas ng bahay nila Hyacinth at hindi ko mapagkakaila na masarap nga ang niluto ng hinayupak.

"Luna!" Natigilan ako at kaagad na nilingon ang tumawag sa pangalan ko.

"What?!" Inis kong bolyaw at kaagad naman itong ngumiti pero umirap lang ako at saka tumalikod.

Akmang magpapara na ako ng taxi pero bigla nyang hinablot ang braso ko at hinila ako paharap sa kanya.

"Anong ginaga—" hindi na ako nito pinatapos.

"Saan ka pupunta?" Usisa nito pero kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"Wala kang pakealam!" Sagot ko at tatalikod na sana pero nag salita ulit ito.

"Don't tell me babalik ka sa Lucius na 'yun." Seryosong sambit nito at naninilim ang mukhang nakatitig sa akin.

Tumaas ang isa kong kilay at saka natawa ng pagak.

"Pakealam mo kung babalik nga ako sa kanya?" Patanong kong sagot kaya sya naman ngayon ang natawa ng pagak.

"Are you insane? Bakit mo babalikan ang lalaking 'yun?!" Bakas ang galit sa boses nito.

"Bakit? bawal? Pwede ba Ezekiel, wag mong pakealaman ang buhay ko! Bakit? Ano ba kita?" I said but he just smirked.

"I'm your husband. Your one and only HUSBAND, Mrs. Buenavista."  Diniinan pa talaga nito ang pagsambit ng 'Husband' kaya natigilan ako.

"And soon to be ex-husband, Mr. Buenavista." Sagot ko na ikinaigting ng panga nya.

Napaiktad ako ng bigla nyang hawakan ang magkabila kong balikat.

"Tell me Luna...." He intensely looked into my eyes that immediately gave me shivers down to my spine.

"Minahal mo ba ang lalaking 'yun?" Bakas ang sakit at lungkot sa mga mata nito.

Napakuyom ang kamao ko dahil habang pinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking 'to, parang sinasakal ang puso ko dahil bumabalik din ang sakit na idinulot nila sa akin ni Charlene.

"Are you seriously asking me that kind of question, Ezekiel?" I smiled at him.

"Yes, i did. Marahil wala nga akong maalala nung mga araw na 'yun pero hindi ibig sabihin na hindi totoo ang mga ipinakita ko kay Lucius." Sagot ko at kitang-kita ko ang naging reaction nito.

"B-but you'll still going to choose me right?" His eyes is begging.

"Tumigil kana Ezekiel! Kung umasta ka parang hindi mo ko dinurog nuon ah. Ang kapal-kapal din ng pagmumukha mo eh no?!" I yelled at him.

Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa sobrang sakit.

"Wala naba kayo ni Charlene? Kaya ako naman ngayon? Ano ba ang tingin mo sa'kin Ezekiel? Rebound?" Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa balikat ko habang sa bumitaw nanga ito.

"No. You're not. Luna, i love you. Ikaw ang mahal k——" hindi kona pinatapos pa ang sasabihin nya dahil bigla kona syang sinampal.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing bumibitaw sya ng mga salita, pakiramdam ko mas lalong lumalalim ang sugat na idinudulot nya sa akin.

"Please stop Ezekiel. Masyado mona akong sinasaktan." I almost whispered and immediately walked away.

Kaagad akong nagpapara ng taxi at saka sumakay. Napahawak nalang ako sa magkabila kong pisngi ng mapagtanto na basa na pala ito dahil sa luha.

I must not cry. Hindi nya deserve ang mga luha ko.

#Hatake_Simp

Shattered Where stories live. Discover now