5

189 7 2
                                    

Luna's PoV

"Kie," tawag ko sa pangalan nito kaya tumigil ito sa paglalakad at walang emosyon akong hinarap.

"Pwede bang umuwi ka mamaya ng mas maaga? I want to celebrate your birthday together." Pakiusap ko.

"Marami akong pasyenteng inaasikaso, baka mag overtime ako mamaya." Sagot nito at deretsong lumabas ng bahay.

Gusto ko pa sana syang pigilan pero mabilis na itong nakasakay ng kotse nya.

Nakaramdam ako ng tila isang karayom na tumusok sa puso ko dahil sa nangyari. He used to be like this ever since we were married, bakit pa ba ako nasasaktan? 'di ba dapat masanay na ako?

Mariin na lamang akong napalunok dahil bumalik nanaman sa isipan ko ang nakita ko ilang araw na ang nakalilipas.

I can still remember his genuine smile while he's hugging Charlene, his true love. How i wish na sana balang araw ako din ang maging rason ng mga ngiti nya.

"Manang," tawag ko kay manang linda kaya kaagad naman itong lumapit sa akin.

"Ano 'yun hija?" Usisa nito.

"Aalis po ako. Bibili po ako ng cake para sa asawa ko." Sambit ko at tumango-tango naman ang matanda.

Kaagad naman akong nag ayos para pumunta ng bakeshop at bilhan si Kie ng cake kahit na alam kong walang kasiguraduhang uuwi sya mamaya.

I am already expecting him to celebrate his birthday with Charlene. Pero wala namang masama kung mag babakasali akong uuwi sya mamaya hindi ba?

Kaagad akong nag drive papunta sa bakeshop ni Hyacinth, isa sa mga kaibigan ni Ate Izuna.

Hindi naman ganuon kalayo ang shop nito kaya kaagad ko itong narating. Lumabas kaagad ako ng kotse at naglakad papasok.

Eksaktong pagpasok ko ay may nakasalubong ako kaya kaagad akong natigilan.

"D-dad," halos pabulong kong sambit habang pinagmamasdan syang maglakad kasama ang bebae nyang si Patricia na may hawak na Cake habang karga-karga naman ni Daddy ang isang batang babae.

Nakita ko kung paano umiwas ng tingin si Daddy at parang hangin lang ako nitong nilagpasan.

Ilang segundo akong nanigas sa kintatayuan ko hanggang sa nagkaruon ako ng lakas para lingunin sila.

Kumuyom ang kamo ko sa inis. Magkahalong galit at selos ang nararamdaman ko lalo na ng makita ang saya sa mukha nya habang kasama ang babae nya at ang batang hindi naman nya ka-ano-ano.

"Luna?" Bigla akong natauhan ng marinig ang boses ni Hyacinth.

"A-ah, hi...." Awkward kong bati at kumunot naman ang nuo nito.

"Ano'ng sadya mo? Ba't ka napunta dito sa shop ko?" Nakapamewang nitong tanong at napakamot naman ako sa batok.

"Bibili sana ako ng Cake," sagot ko.

"Really? Bakit birthday mo?" Tanong nito ulit.

"Birthday ni Kie," sagot ko.

"Gusto mong ipagbake kita?" Suhestyon nito.

"Wag na. Kung ano yung available ngayon, 'yun nalang ang bibilhin ko." Sagot ko at kaagad naman ako nitong dinala sa naka helerang mga cake na sya daw mismo ang nag bake.

"Just choose," sambit nito.

Kaagad kong nakita ang Chocolate cake na paburito namin ni Kie kaya kaagad ko itong tinuro.

"Ito nalang siguro." Sabi ko kaya kaagad naman nya itong pinakuha at tinanong din nya ako kung ano daw ang gusto kong ilagay na design.

"Happy Birthday Honey. 'yun na lang siguro." Sabi ko kaya natawa ito.

"It's so plain naman. Ayaw mong lagyan ng sweet quotation? Just like, 'ikaw ang kulangot na hinding-hindi ko bibilogin.' hehehe just kidding ^^" sabi nito at pilit nalang akong natawa sa ka-cornihan nito.

Pagkatapos nitong ihanda ang cake ay kaagad naman akong nagbayad at nagpaalam.

Umuwi narin ako at tinapos ang paghahanda para sa birthday ng asawa ko.

I feel excited and worried at the same time. Nag-aalala ako na baka hindi talaga sya dumating mamaya.

Umiling-iling ako at pilit na pinapaniwala ang sarili na uuwi sya at mag c-celebrate kasama ko.

After an hour, natapos na kami ni manang linda sa pag d-desenyo ng bahay at pagluluto.

Pina-ref ko muna ang mga niluto ko dahil maaga pa naman at baka mamayang gabi pa uuwi si Kie.

Nagpaalam naman si Manang Linda para umuwi kaya ako nalang mag-isa ang naiwan.

Naisipan ko nalang na humilata buong maghapon sa kwarto ko dahil wala naman akong gagawin.

Habang nakahiga, hindi ko napigilang isipin ang mga bagay na mas lalong ikalungkot ng damdamin ko.

I want the old Kie to come back. Gusto kong maramdaman ang alaga nya katulad nuong magkaibigan pa kami.

Mariin akong napapikit ng ma-alala kung paano ako naging saksi sa pagmamahalan nilang dalawa ni Charlene.

Sa sobrang pag-iisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

KAAGAD akong napabangon ng makitang madilim na sa labas.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto namin at dumeretso ng sala sa pag-aakalang umuwi na ang asawa ko pero wala akong nadatnan. Tanging si manang linda lang na iniinit ang mga niluto namin kanina.

"Mabuti't gising kana hija. Ininit kona itong mga niluto natin dahil baka biglang umuwi ang asawa mo." Wika nito at tumingin naman ako sa wall clock.

It's already 8pm. Mukhang napasarap yata ang tulog ko.

Tinulungan ko si manang sa pag-aayos ng mesa at pag-init ng nga pagkain hanggang sa tuluyan na nga kaming natapos pero wala parin ang asawa ko.

"Manang, mauna na po kayong kumain." Sabi ko sa matanda.

"Kumain na ako kanina, hija. Siguro magpapahinga na muna ako sa bahay. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka ha." Paalam nito at tumango-tango naman ako bilang sagot.

Umupo ako sa sofa at naghintay ulit ng ilang minuto hanggang sa naisipan kong i-text nalang si Kie.

'To Kie'

'Mahal, nasaan kana?' sent ✓

Ilang minuto ulit akong nag hintay pero wala akong natanggap na reply kaya tinawagan kona lamang ang numero nito.

I am expecting him to answer my call pero pinatay nito ang tawag ko.

Bumuntong hininga na lamang ako at naisipan na puntahan nalang sya sa ospital dahil baka nga nag overtime ito.

Hindi pa ako nakakasakay ng kotse ko ng makatanggap ako ng text message galing kay Ate Izuna.

'From Izuna'

'Tres Restaurant. I want you to go at that restaurant, now.'

Kumunot ang nuo ko sa sobrang pagtataka dahil sa sinabi ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung ano'ng meron pero kaagad kong sinunod ang sinabi nya.

Nag drive ako papunta sa mismong restaurant at nang tuluyan na akong makarating, hindi ko nagawang lumabas ng kotse ko dahil mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang asawa kong masayang kumakain kasama si Charlene.

Pakiramdam ko dinurog nanaman ng pinong-pino ang puso ko dahil sa nakikita.

Hindi ko napigilan ang mga luhang kusa na lamang tumulo sa mga mata ko habang pinagmamasan si Kie kasama ang babae nya.

Kaya pala. Kaya pala hindi nya sinasagot ang tawag ko o nireplyan manlang ang text ko kasi nag c-celebrate pala sya ngayon ng kaarawan nya kasama si Charlene.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manebela habang ramdam na ramdam ko ang kakaibang sakit na halos literal na ikawasak ng puso ko.

Kasabay ng pagtulo ng basang likido sa mga mata ko ay ang pag tanggap ko sa katotohanan na kahit kailan hindi ko mapapalitan si Charlene sa puso nya.

#Hatake_simp

Shattered Where stories live. Discover now