35

178 6 0
                                    

Luna's PoV

Sakit, lungkot at pagsisisi ang nangingibabaw sa akin ngayon habang pinagmamasdan syang walang malay at may benda ang ulo.

He's in coma for almost four days. Ni walang senyales na magigising sya.

I couldn't help but to blame myself. Masyado ba akong naging makasarili kaya 'to nangyari?

Kumawala nanaman ang butil ng luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha.

Binabalot ako ng pangamba at pagsisisi ngayon. I don't know what to do. Tanging pag-iyak na lamang ang nagagawa ko.

Wala ako sa sariling lumabas ng kwarto ni Ezekiel. Ni hindi ko narinig na may tumatawag pala sa pangalan ko.

Napasinghap nalang ako ng may biglang humablot sa braso ko.

"Luna," i literally dropped my jaw when i saw who's the girl in front of me.

Wala itong pinagbago. Ganuon parin ang mukha nito nung huli ko syang makita.

Parang sinakal ang puso ko ng bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Kung paano nila ako dinurog ni Ezekiel.

Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito at tipid naman itong ngumiti.

"Ch-charlene..." Halos pabulong kong sambit.

Habang pinagmamasdan sya ay hindi ko mapigilang magtaka kung ano ang ginagawa nya dito.

'andito ba sya para bisitahin si Ezekiel?'

'ano'ng meron sa kanilang dalawa?'

'sila parin ba?'

Sa sobrang dami ng mga katanungon sa isipan ko ay hindi kona napigilan pang ibuka ang bibig ko.

"What are you doing here?" Usisa ko at saka napalunok sa kung ano'ng isasagot nito.

"Binisita ko ang asawa ko. Na aksidente kasi ito." Malungkot nitong tugon na ikinamilog ng mga mata ko.

'asawa?'

'si Ezekiel ba ang asawa na sinasabi nya?'

Mas lalo pang bumulis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko.

"A-asawa? May asawa kana? Sino?" Sunod-sunod kong tanong kaya bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"Ahm... Oo, dalawang taon na akong kasal kay Ismael. I guess hindi mo sya kilala. Pero kung gusto mo pwede kitang ipakilala sa kanya ngayon. Andun lang ang kwarto nya." Turo nya sa isang kwarto malapit sa kwarto ni Ezekiel.

Parang nabunotan ako ng tinik ng marinig na hindi si Ezekiel ang tinutukoy nyang asawa.

Sandali akong natahimik at napayuko.

"Luna..." Tawag nito sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya.

Umiwas ito ng tingin at saka bumuntong hininga. Bakas ang kaba sa mukha nito.

"I-i just want to say sorry." Sambit nito at saka tumingin sa mga mata ko.

Guilt is visible in her eyes.

"Pasensya kana sa nga nagawa ko nuon. Kung inagaw ko sa'yo si Ezekiel. I am so sorry for ruining our friendship. Patawarin mo ko kung sinira ko ang buhay mo." She said while crying.

"It was also my fault... I am so sorry." Saad pa nito at saka ako niyakap.

"K-kung kaya ko lang ibalik ang oras. Kung kaya ko lang Luna..." Bakas ang labis na lungkot sa boses nito.

Shattered Where stories live. Discover now