36

218 4 0
                                    

Luna's PoV

Kaagad akong lumabas ng convenience store pagkatapos kong bilhin ang mga kailangan ko.

Hindi pa ako nakakalapit sa kotse ko ng may nakasalubong ako kaya natigilan ako sa paglalakad.

"Luna, ija."

"Nay,"

Kaagad ko itong niyakap at bakas ang saya sa mukha nito.

"Saan po kayo galing?" Usisa ko habang nakatingin sa paper bag na bit-bit nya.

"Bumili ako ng mga gamot ni Kie, at dumaan nalang ako dito dahil nagpapabili si Clarabelle at Caleb ng ingredients sa gusto nilang lutuin." Sagot ng matanda kaya kaagad na pumasok sa isipan ko si Ezekiel.

Halos apat na linggo narin kasi akong hindi bumibisita sa kanya. Simula nung magising sya, mas pinili kona lamang na wag pumunta duon. It's for our own good anyways. Baka maslalo lang itong umasa kapag palagi nya akong nakikita sa tabi nya.

"How is he, nay?" Tanong ko kay nanay.

"Nakalabas na sya kahapon, ija." Sagot naman ng matanda kaya tipid akong napangiti.

"Mabuti naman po kung ganun."

"Bakit hindi ka nga pala nakabisita sa kanya, ija? Araw-araw ka nyang hinahanap." Tanong nito kaya kaagad akong umiwas ng tingin.

"Abala po kasi ako." Tipid kong sagot. At napatingin ako sa kamay ko ng bigla itong hawakan ni nanay.

"Luna, ija. Mahal mo parin ba si Kie?" Namilog ang mga mata ko sa tanong nito.

"N-nay..." Parang nalunok ko ang dila ko at hindi makapagsalita.

I couldn't find the exact words to answer her question.

"Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo kamahal ang anak ko, ija. Pero bakit? Ano'ng pumipigil sa'yong ipakita sa kanya ang tunay mong nararamdaman?" She said and i can literally feel the pain inside of me.

"I-i'm afraid nay... I am so afraid to love that a$$hole again." Nanginginig ang mga labi ko at ramdam ko narin ang nagbabadya kong mga luha.

"Naiintindihan ko, anak. Pero sana dumating ang panahon na makalimotan mo ang takot na 'yan at mangibabaw ang pagmamahal mo kay Kie. Luna, mahal na mahal ka ng anak ko. Saksi kami sa pagdurusa ni Kie nung mga panahong nawala ka." She stated and i just bit my lower lip to stop my tears.

"I am sorry, nay. But i already made my decision. Sa tingin ko mas makabubuting tuluyan nangang maghiwalay ang landas namin. I already accepted the fact that we are not really meant for each other." Sabi ko na ikinalungkot ng mukha ni nanay.

Bumuntong hininga ito at saka ako niyakap.

"Naiintindihan ko, ija. Susuportahan kita sa magiging desisyon mo. Pero alam ko na kahit lumayo kapa, kung kayo talaga ng taong minamahal mo, ipagtatagpo kayo ulit ng tadhana." She said and i just hugged her back.

"Thank you nay." Tanging sagot ko at saka pinunasan ang basa kong mukha.

Nagpaalam narin ako at saka umuwi ng bahay.

Shattered Where stories live. Discover now