12

361 11 0
                                    

A/N: Yooo guiz! I'm really sorry for my late updates 😢🙏 and please sana wag nyo po akong i-pressure na mag update palagi o damihan ang updates... Nahihirapan din po akong mag sulat lalo na po ngayong palagi akong busy... Gustuhin ko man pong mag Update hindi po nakakayanan ng oras ko dahil pag-uwi ko po galing school pagod napo ako at deretso tulog na po ako kaagad... I'm really sorry guiz. But i promise na tatapusin ko din po itong story nila Luna at Ezekiel 😊 and thank you po sa patuloy na nag s-support kahit sobrang tagal ng UD 😅

Luna's PoV

Mugto ang mga mata kong nilisan ang sementeryo. Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa puntod ng kapatid ko para lang umiyak ng umiyak.

I felt so empty, sobra akong nangungulila ngayon lalo na't nawalan nanaman ako ng isang taong mahal ko.

Pinunasan ko ang basa kong mukha at kaagad na tinungo ang bahay nila ni Lucius para bisitahin ang pamangkin ko.

After a few minutes nakarating nga ako at pagpasok ko palang ng bahay nila ay iyak kaagad ng bata ang narinig ko.

Nakita ko si manang Linda na karga-karga si Ivory at pilit na pinapatahan. Bakas din ang pangamba sa mukha ng matanda kaya kaagad ko silang nilapitan.

"Manang..." Kuha ko sa atensyon nila.

"What happened?" Usisa ko.

"Si Ivory kasi, kanina pa iyak ng iyak." Sagot nito kaya kaagad kong kinuha ang bata.

"Shhh... Tahan na baby Ivory..." Malambing kong sambit habang maingat ko itong kinarga.

Napangiti ako ng bigla itong tumahan ng mahawakan ko.

"Nasaan po ba si Lucius?" Tanong ko at akmang sasagot na si manang ng matigilan ito habang nakatingin sa likuran ko.

Kaagad naman akong lumingon at nakita si Lucius na magulo ang buhok at halatang kakagising lang. Bakas din ang labis na paghihinagpis sa mukha nito.

Nanatiling nakapako ang mga mata nito sa akin kaya nginitian ko ito.

"D-dumaan lang ako para bisitiahin si baby Ivory." Nautal kong sambit.

Hindi ito sumagot. Sa halip ay dumeretso ito sa kusina at kumuha ng tubig.

"Manang.... Hindi ba sya pumasok sa trabaho?" Pabulong kong tanong kay manang.

"Hindi, hija. Simula nang mailibing si Izuna eh palagi nyang nilulunod ang sarili nya sa alak." Sagot naman ng matanda sa akin.

Nakaramdam ako ng awa kay Lucius dahil sa pinagdadaanan nito.

Pinatulog ko muna si Ivory at saka ibinigay kay Manang.

Kaagad ko namang tinungo ang kusina kung nasaan ngayon si Lucius.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng matanaw ko syang naka-upo at tila sobrang lalim ng iniisip.

Just like before, i can see how miserable he is.

"Luciu——" hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang tumayo at akmang aalis na.

"Can we talk?" Natigilan ito at saka ako tinignan.

I was stunned to speak when he stared at me. Bigla akong kinabahan pero kaagad naman akong nag salita.

"P-please take care of your daughter..." Sambit ko at saka napayuko dahil pakiramdam ko hindi ko kayang tumingin ng matagal sa mga mata nito.

I can't explain but his eyes can give me shivers.

"Please... You can't stay like this. Kailangan ka ng anak mo. At isa pa, sa tingin mo magiging masaya si Izuna kapag nanatili kang ganyan?" Napalunok ako at nag lakas loob na tingnan sya sa mga mata.

Parang umurong ang dila ko ng makita ang tila matalim na tingin na ibinabato nya sa akin.

"Tsk, you're just saying that because you don't know how hurt i am." Sambit nito at kaagad na tumalikod para umalis pero nagsalita ulit ako.

"Hindi lang ikaw ang nawalan, Lucius. At mas lalong hindi lang ikaw ang nasasaktan. Stop being so weak and fight that sadness and pain.... Kahit para nalang kay Ivory." Sabi ko at nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito bago tuluyang umalis.

Ako naman ay kaagad na ding nag paalam kay manang Linda para umuwi.

Habang nag mamaneho pauwi ay hindi ko napigilang isipin si Lucius. I feel bad for him, alam kong mahal na mahal nya ang kapatid ko kaya sobra syang nahihirapan ngayon.

I am hoping na sana malabanan nya ang lungkot na unti-unti syang nilulunod.

Hindi nagtagal ay nakarating ako ng bahay kaya kaagad na akong pumasok. Bumuntong hininga ako at dumeretso paakyat ng hagdan pero natigilan ako ng makasalubong ko si Kie.

Natigilan din ito at deretsong nakatitig sa akin. Tumaas ang isa kong kilay dahil tila may gusto itong sabihin.

"What?" Usisa ko.

"Kaarawan ni nanay bukas." Sambit nito at tumango-tango lamang ako bilang sagot bago sya nilagpasan.

"Saan ka nang galing?" Usisa nito ulit kaya natigilan ako sa paglalakad.

"Binisita ko lang ang pamangkin ko." Sagot ko at hindi manlang sya nilingon.

Ewan ko pero naiinis akong makita sya o kahit maramdaman manlang ang presensya nya.

Isa na rin siguro sa mga rason kung bakit hindi ako lumalagi dito sa bahay eh dahil palagi syang nandito. Napansin kong hindi na ito umaalis ng bahay.

I don't know what happened, but i just noticed na bigla itong nagbago simula nung bumalik sya matapos ang bakasyon nila ni Charlene.

Tss, did they broke up?

Well, I don't care at all.

Napailing nalang ako at kaagad na pumasok ng kwarto ko at saka naligo.

I also decided na mag-iba ng kwarto since parang hindi na ako komportable na kasama sya sa iisang kama.

Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit ako ganito. Pero isa lang ang alam ko..... Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa sakit na idinudulot nya sa akin.

At sigurado na din ako sa desisyon ko na  tapusin na ang lahat sa amin. Gusto ko nang makahinga.

Napatingin ako sa salamin at saka mapait na ngumiti.

"You can have your freedom, Luna. Sa wakas makakalaya kana." Sabi ko sa sarili ko.

Sinuot ko ang pantulog kong damit at akmang hihiga na ng makarinig ako ng katok.

Kumunot ang nuo ko sa pagtataka pero kaagad din naman akong lumapit sa pinto at saka ito binuksan.

Isang malamig na tingin ang sinalubong ko kay Kie habang nakayuko ito at may hawak na paper bag.

"Bakit?" Tanong ko kaya nagkalakas loob din itong titigan ako.

Hindi ko lubos maisip kung ano'ng nangyayari sa lalaking 'to dahil ibang-iba na kahit ang emosyong nakikita ko ngayon sa mga mata nya.

"Please wear this tomorrow." Sabi nito at inabot sa akin ang paper bag.

"Madami akong damit. Hindi ko kailangan ng——" he cut me off.

"Yes i know. But, i think this suits you well." Sambit nito at binigyan pa ako ng ngiti.

Tsk, plastic.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin na lamang at saka isinara ang pinto.

Naiinis kong tiningnan ang paperbag at tinapon sa kama dahilan para lumabas ang kulay blue na damit.

Kumunot ang nuo ko dahil medyo familiar ito kaya kaagad ko itong dinampot at tiningnan ng maigi.

Literal na nahulog ang panga ko ng mapagtanto na ito yung damit na hiningi ko sa kanya na bilhin nya para sa akin nuon pero hindi manlang nya ako pinansin.

It's a blue back lace dress.

Natawa ako ng pagak at ibinalik sa paper bag ang damit.

Kung iniisip nya na susuotin ko 'yun bukas, nagkakamali sya. Hindi ako uto-uto.

#Hatake_simp

Shattered Where stories live. Discover now