24

287 10 1
                                    

Izuna's PoV

"Manang, iiwan ko muna si Ivory ha." Paalam ko sa katulong namin.

"Segi po ma'am." Sagot naman nito at kaagad kong nilapitan ang anak kong kasalukuyang kumakain ng miryenda.

"Aalis muna ang mama anak ha." Sabi ko at tumango-tango naman ito kaya kaagad ko itong hinalikan sa nuo.

Naglakad na ako palabas ng bahay at kaagad na nagbantay ng taxi.

I'm just thankful dahil kahit papaano may kalayaan na akong umalis at lumabas. Dati kasi kailangan pa kaming sundan ng mga tauhan ni Lucius. Iniisip ko nalang nuon na over protective lang ang asawa ko kahit na wala naman talaga itong dapat na ipag-alala.

Ilang sandali pa ay nakasakay na ako ng taxi kaya kaagad kong tinungo ang park kung saan kami unang nagkita nung Ezekiel.

I still remember that time nung muntik nang masagasaan ang anak ko. I'm still hoping na makita ko sya ulit dun mamaya.

"Andito na po tayo ma'am." Sambit ng driver kaya kaagad na akong nag bayad at bumaba.

Kaagad akong nagpalinga-linga at nag babakasakaling makita ko ang lalaki pero mukhang sobrang labo yatang makita ko ito.

Napabuntong hininga na lang ako at naisipang umupo sa isang bangko na gawa sa kahoy.

I know it. That guy knows me at maaaring matulungan nya akong bumalik ang mga ala-ala ko.

Tumayo ako at nag lakad-lakad at wala na akong iniisip kundi yung Ezekiel at kung saan ko pwede itong makita. Hanggang sa hindi ko namalayan na may naapakan akong kung ano dahilan para matisod ako at madapa.

Naramdaman ko nalang ang pagsakit ng kamay ko na tila nahampas ko ito sa kung ano'ng matigas na bagay kaya kitang-kita ko ang pagdugo nito ngayon.

"Miss? Are you okay?" I heard a voice and i saw a girl approaching to me. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito lalo na nang makita ang umaagos na dugo sa kamay ko.

"Oh my god! It's bleeding too much." Wika nito at tinulungan akong tumayo.

"Come!" Taranta nitong sambit at hinila ako papunta sa kung saan.

Hindi narin ko nakapalag pa dahil kinakabahan narin ako lalo't malaki ang sugat sa kamay ko at mukhang kailangan tahiin.

Habang pinagmamasdan ang babaeng humihila sa akin ay napagtanto ko na kilala ko pala ito.

"Hinata Sawamura, right?" Tanong ko kaya natigilan ito at napatingin sa akin.

"Yes. Pero mamaya kana mag salita. Kailangan munang magamot 'yang sugat mo." Sagot nito at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Bigla akong nabuhayan ng loob ng mapagtanto na sya nga ang babaeng nakita kong kasama nung Ezekiel nuon sa mall at sya din yung babaeng anak nung ka-business partner ni Lucius.

Ilang sandali pa ay tumigil kami sa harap ng isang clinic.

"C'mon, pasok ka." Sabi nito at pumasok nanga kami.

"Sir," tawag ni Hinata sa atensyon ng lalaking kasalukuyang nakatalikod at tila may binabasa.

Kaagad din naman itong humarap at sa hindi inaasahan nagtagpo kaagad ang aming mga mata.

I was surprised seeing Ezekiel. Tila nakaramdam ako ng labis na saya ng makita sya at parang bigla nalang nawala ang sakit sa dumudugo kong kamay habang pinagmamasdan ang mga mata nyang gulat na nakatitig sa akin.

"Sir, her hand is badly injured." Natauhan ito ng magsalita si Hinata kaya dumako ang tingin nya sa dumudugo kong kamay.

Mas mabilis pa sa alaskwarto nito akong nilapitan at inakay paupo sa isang tabi.

"Hina, kunin mo ang mga gamit ko." Utos nito kay Hinata na kaagad naman nitong sinunod.

"Ano'ng nangyari?" Usisa nito.

"A-ah, wala natisod lang ako kanina tapos natumba." I awkwardly answered.

Ilang sandali pa ay dumating na si Hinata dala-dala ang pinakuha sa kanya ni Ezekiel kaya nag-umpisa na itong linisin ang sugat ko.

"Sir, ako napo ang mag lilinis ng sug——" he suddenly cut her off.

"Hina, please leave us for a while." Seryosong sambit nito at nakita ko ang labis na pagtataka sa mukha nito matapos 'yong sabihin ni Ezekiel pero kaagad din naman itong umalis.

Marahang nililinis ng lalaki ang sugat ko at akmang magsasalita na ako ng makita ko ang pagtulo ng iilang butil ng luha galing sa mga mata nya.

Nakayuko sya ngunit kitang-kita na umiiyak talaga ito.

Nagtaka naman ako dahil sa pag-iyak nito kaya hindi ko napigilang mag tanong.

"A-are you okay? Why are you crying?" Usisa ko pero hindi ito sumagot, sa halip ay umiyak lang ito ng umiyak habang patuloy na nililinis ang sugat ko.

"sir? Why are you crying?" Napakurap-kurap pa ako dahil hindi ko labis ma intindihan kung bakit ito umiiyak.

Pagkatapos nitong linisin ang sugat ko ay tumayo ito at saka pinunasan ang mukha.

May kinuha din ito, mukhang gamit pang tahi ng sugat kaya bigla akong kinabahan.

"Pwede ba na wag mo nalang tahiin?" Sabi ko at awkward na ngumiti.

Suddenly he grabbed my hand and put it on his cheeks.

Pumikit ito at tila ba pinapakiramdaman ang init ng palad ko.

Kumunot ang nuo ko dahil na w-weirdohan na talaga ako sa lalaking 'to. Bigla tuloy akong napaisip kung tama ba ang disisyon kong makipagkita sa kanya at maka-usap ito.

Nag-umpisa na itong tahiin ang sugat ko at napakagat labi nalang ako sa tuwing nararamdaman ang hapdi. Pero hindi nagtagal ay natapos din ito.

Tumayo ako at kaagad na nag salita.

"Thank you." Sabi ko at tumayo rin ito at saka tumalikod.

"You're Ezekiel, right? I want to ask you something." Sabi ko kaya lumingon ito sa akin at bakas ang labis na pangungulila sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"You don't need to aske me. Sasabihin ko rin naman ang lahat-lahat." Sagot nito kaya nagulat ako.

"K-kung ganun madami kang alam tungkol sa'kin?" I asked that made him smiled bitterly.

He faced me and his bitter smile suddenly turned into a sweet smile that made my heart flutter.

"Of course. You're my wife after all." He stated that made me drop my jaw.

#Hatake_simp

A/N: maraming salamat sa mga patuloy na naghihintay ng UD ko ಥ‿ಥ my midterm is approaching kaya nag r-review ang inyong lingkod at wala nang oras mag sulat (。•́︿•̀。) but still trying my best to update kahit na pagod at lutang (っ˘̩╭╮˘̩)っ

Shattered Where stories live. Discover now