3

191 8 0
                                    

Luna's PoV

Bumuntong hininga ako habang nakadungaw sa pinto. Pinagmasdan kong umalis ang kotse ni Kie habang iniisip ang mga sinabi ng kapatid ko kahapon.

Kung totoo ngang babalik na si Charlene, hindi naman siguro makikipaghiwalay sa akin si Kie. Kahit papaano alam kong may awa din sa akin ang asawa ko. Kahit awa nalang, manatili lang sya sa'kin.

I wiped out my tears and went to my room.  Naisipan kong bumisita sa pamilya ni Kie dahil mag-iisang bwan na din kaming hindi nagkikita.

Kaagad akong nag ayos at nag paalam kay Manang Linda. Pagkatapos ay tinungo ko ang garahe at nag drive patungo sa lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Kie.

Habang nag d-drive ay biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari nuon.

Kie's mother was diagnosed with brain tumor. Wala silang sapat na pera para maoperahan ang nanay nito kaya humingi ito ng tulong sa akin since we were best friends before.

I'm in love with Kie ever since kahit na alam kong iba ang mahal nya at malapit na syang ikasal. But still i grabbed that opportunity to make him mine.

Tinulongan ko syang ipagamot ang Nanay nya, but in one condition. Kinailangan nya akong pakasalan. Yes, inaamin ko na napakadesperada kong babae. Pero ano'ng magagawa ko? Mahal ko eh.

I married my best friend and helped him achieve his goals. Tinulongan ko syang tapusin ang pag-aaral nya ng medisina at tinulungan ko din ang pamilya nya.

Ginawa ko ang lahat-lahat matanggap at matutunan nya lang akong mahalin, but i guess kailangan ko pa yatang dumaan sa butas ng karayom para lang mahalin lang nya ako.

Napangiti na lamang ako ng mapait habang iniisip kung paano ko sinira ang relasyon ni Kie at Charlene. My two precious friends.

We were best friends since college. Naging saksi ako kung paano sila nag mahalang dalawa. At kung isang teleserye ang buhay namin, malamang ako ang kontrabida sa buhay nila.

"I'm sorry Charlene, but i love him so much." Bulong ko sa sarili at bumuntong hininga.

Hindi nag tagal ay narating ko ang lugar kung saan nakatira sila Nanay Rose.

Pagbaba ko ng kotse ay sinalubong kaagad ako nila Caleb at Clarabelle.

"Ate Luna!" Bati ni Caleb.

"Nay! Tay! Si Ate Luna!" Kaagad namang binuksan ni Clara ang gate at binigyan ako ng malapad na ngiti.

"Kamusta Clara?" Bati ko at kaagad naman ako nitong niyakap.

"Okay lang po kami dito Ate." Sagot nito.

"Luna, hija." Dumungaw naman sa pinto si Nanay Rose at Tatay Sandro.

"Kamusta hija? Pasok ka dito." Aya ni Tatay Sandro kaya pumasok naman kami nila Caleb at Clara sa loob ng bahay nila.

"Clarabelle, magtimpla ka muna ng juice para sa ate Luna mo." Utos ni Nanay kay Clara na kaagad namang sinunod ng bata.

"Namiss kapo namin Ate. Bakit ngayon lang po kayo nakadalaw?" Usisa ni Caleb.

"Ah kasi——" hindi na ako pinatapos ni Tatay Sandro dahil sya na ang sumagot sa tanong ni Caleb.

"Naku Caleb, alam mo naman na palaging busy itong ate Luna mo katulad ng kuya mo kaya ngayon lang ito nakadalaw sa atin." Sambit ni Tatay Sandro na tinanguan ko na lamang bilang pag sang-ayon.

"Ah kamusta naman po kayo dito? Binibisita din po ba kayo ni Kie dito?" Tanong ko.

"Maayos naman kami dito hija, bumibista din si Kie dito isang beses sa isang linggo. Masyado daw kasi itong abala sa ospital kaya isang beses na lang sa isang linggo ito kung dumalaw sa amin." Sagot ni Nanay Rose.

"Ate ito na po ang juice nyo." Kaagad namang inilapag ni Clara ang baso sa mini table sa harapan ko.

"Salamat Clara." Sabi ko at binigyan ito ng matamis na ngiti.

"Nay pwede po ba kaming lumabas? Maglalaro lang kami ni Clarabelle kasama ang mga kaibigan namin sa labas." Paalam ni Caleb.

"Segi, pero wag kayong lumayo ha. Mag ingat kayo." Sagot ni Nanay Rose kaya tumakbo kaagad ang dalawa palabas ng bahay.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga batang lumabas ng bahay.

Caleb is a fifteen year old boy while Clarabelle is just 11. Mababait ang mga ito katulad ng kuya nila. Mukhang pinalaki talaga sila ng mga magulang nila ng maayos. Hindi katulad namin ni Ate Izuna.

Mariin akong napalunok matapos bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa halos perpekto naming pamilya nuon.

Because of my father's mistake, everything was changed. I'm just 14 years old at that time, at hindi ko maintindihan nuon kung bakit 'yun nangyari sa pamilya namin.

Alam naming mahal na mahal kami ni Daddy pero ng dahil lang sa pagdating ng babaeng 'yun sa buhay namin, nag bago sya. Mas pinili nya ang babae nya kesa sa amin. And worst, Mommy died because of them.

Dahil sa labis na sakit at pagdurusa tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Mommy at napabayaan na kami ni Ate Izuna at pati narin ang sarili nya.

After a few years Mommy was diagnosed with an illness, hindi nag tagal ay binawian ito ng buhay.

Hindi ko mapagkakaila na sinisisi ko si Daddy ng dahil sa nangyari kay Mommy. Gustong-gusto ko syang makita nuon at sumbatan pero sa 'di malamang dahilan pinigilan ako ni Izuna.

Sinabi sa akin ng kapatid ko na hayaan na lamang sya. Na magparaya nalang daw kami dahil hindi naman daw kami ang pinili at ang mahal ni Daddy.

I couldn't even believe that in just one glimpse everything was shattered.

Napakuyom ang kamao ko at ramdam ko nalang ang namumuong luha sa mga mata ko.

"Luna, Hija? Ayos kalang ba?" Natauhan ako ng hawakan ni Nanay Rose ang balikat ko.

"O-opo," sagot ko at pilit na ngumiti.

"Sigurado ka? Tulala ka kanina." Sambit naman ni Tatay Sandro.

"Opo tay, may bigla lang po akong naisip." Sabi ko at umupo naman si Nanay sa tabi ko.

"Tungkol ba 'yan sa Daddy mo?" Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Nanay Rose.

"Alam kong na-aalala mo nanaman ang pamilya mo, hija. Kitang-kita sa mga mata mo ang labis na kalungkutan." Saad pa ni Nanay.

"Hindi ba't ito na ang tamang oras para bisitahin mo naman ang puntod ng Mommy mo?" Suhestyon naman ni Tatay.

Napalunok ako at naisip na ni minsan hindi ko nagawang bisitahin ang puntod ni Mommy simula nung inilibing sya.

Hindi ko alam kung bakit pero wala akong lakas ng loob para bisitahin sya sa kinalalagyan nya.

Alam ko kasi sa sarili ko na iiyak lang ako ng iiyak habang bumabalik ang ala-ala at sakit ng mga nangyari nuon.

"Yes, tay. Maybe soon." Sabi ko na lamang.

"Nga pala hija. Kamusta kayo ni Ezekiel?" Biglang tanong ni Nanay Rose kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ganuon parin po nay. Wala pong nag bago." I smiled bitterly.

Narinig kong bumuntong hininga si Tatay Sandro.

"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi ka parin matutunang mahalin ng batang 'yun." Sambit ng matanda.

"Pasensya kana, hija." Saad naman ni Nanay Rose kaya pilit akong ngumiti.

"Wag po kayong mag-alala nay, tay. Alam kong balang araw bubuksan din ni Kie ang puso nya sa akin. Alam kong matutunan din nya akong mahalin." Sabi ko at hinawakan ni Nanay Rose ang kamay ko.

"Sana wag kang magsasawang mahalin ang anak namin, Luna." Wika nito.

"Oo naman po. I love him. And i will always Love him."

#Hatake_Simp

Shattered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon