9

256 11 6
                                    

Luna's PoV

"Luna, hija. Mabuti't nakadalaw ka!" Masayang bati sa akin ni Nanay Rose. Bakas ang saya sa mga mata nito ng makita ako.

Nakita ko naman kaagad ang dalawang bata na tumakbo papunta sa gawi ko.

"Ate Luna!" Sabay na sambit ni Caleb at Clarabelle.

"Good to see you both, Clara, Caleb." Sabi ko at saka sila nginitian.

Kaagad ko naman inabot kay Clara ang paper bag na dala ko.

"Happy Birthday, Clarabelle. Here's your gift." Sabi ko at masaya naman nya itong tinanggap.

"Thank you po Ate!"

"Naku, nag abala kapa, hija. Nga pala, andito na si Ezekiel." Natigilan naman ako sa sinabi ni Tatay Sandro.

Kaagad kong inilibot ang paningin ko at natigilan ng makita si Kie na naka-upo sa isang sofa.

Nasa cellphone nito ang buong atensyon at mukhang hindi manlang ako nito napansin.

"Mabuti nga't dumating kayong mag-asawa sa kaarawan ni Clarabelle. Ang akala kasi namin hindi nanaman makakapunta itong anak namin dahil palaging abala sa trabaho." Mahabang saad ni Nanay Rose.

Bigla akong napaisip kung alam na ng mga magulang nito na nag re-signed na si Kie sa ospital. Wala naman akong planong pangunahan sya kaya tumahimik nalang ako.

"Marami po ba kayong bisita nay?" Tanong ko.

"Kokonti lang, hija. 'yung mga kaibigan lang siguro ni Clarabelle at mga kakilala namin. Pero mamaya pa siguro sila darating." Sagot naman ni Nanay at tumango-tango na lamang ako bilang sagot.

Ilang sandali pa ay naisipan kong lapitan ang asawa ko na hindi makuha-kuha ang tingin sa kanyang cellphone.

"K-kie..." Tawag ko sa pangalan nito kaya nag angat ito ng tingin.

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata nito pero kaagad din naman itong napalitan ng isang malamig na tingin.

"K-kanina kapa?" I tried to build up a conversation.

"Yes," tipid nitong sagot at ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone.

Napayuko na lamang ako pero nahagip ng mga mata ko ang pangalan ni Charlene sa cellphone nya.

I guess, he's chatting with her.

Bumalik sa isipan ko ang nangyari nung isang araw kung saan nakita ko si Charlene at Drake na naghahalikan.

Napakuyom ang kamao ko sa inis. That b*tch is just playing with my husband's feelings. I need to tell him.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang nagsalita.

"Charlene..." Umangat ulit ang tingin nito sa akin ng marinig ang pangalan ng babaeng pinakamamahal nya.

"She's cheating on you." Buong tapang kong sambit at wala manlang itong naging reaksyon.

Ilang segundo lang ako nitong tinitigan bago tuluyang tumuyao.

Alam kong hindi sya naniniwala.

"I saw her with Drake." Saad ko pa pero naglakad ito papalayo sa akin.

Hindi kona napigilan pa ang sarili ko kaya nag salita ako ulit.

"They kissed! Nakita ko silang naghalikan, Kie!" I yelled at him dahilan para mapatingin sa amin si Nanay Rose at Tatay Sandro.

Tumigil lamang sa paglalakad ang asawa at kahit hindi ko makita ang mukha nya alam kong galit na galit na ito.

"K-kie——" naputol ang sasabihin ko sana ng bigla nya akong nilingon at mabilis na nilapitan

Kitang-kita ko ang umaapoy sa galit nyang mga mata at ang buong akala ko sasaktan na nya ako pero sumigaw si Tatay Sandro.

"Wag na wag mong subukang saktan si Luna! Ezekiel!" Umalingawngaw ang boses ni Tatay Sandro at tumigil sa mismong harapan ko si Kie.

Nakapamulsa ito kaya alam kong wala itong planong saktan ako ng pisikal.

"Stop that bullsh*t Luna." Mahinahon pero mariin nitong sambit habang ramdam kona ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Kung sinasabi mo ang mga bagay na 'yan para pag hiwalayin kami ni Charlene, please stop it. Tinitiis kong manatili sa'yo just for your own sake dahil na-aawa ako sa'yo Luna." Sambit nito at alam kong narinig iyon ng dalawang matanda.

I'm just thankful na wala pang mga bisita at nasa labas sila Caleb. Dahil sa totoo lang nakakahiya ang ganitong mga eksena.

"Just be thankful dahil kahit papaano may awa pa akong nararamdaman sa'yo kaya hindi pa ako nag f-file ng annulment." He said as he smiled bitterly.

Isang butil ng luha ang kumuwala sa mata ko na kahit ano'ng pigil ko hindi ko talaga kayang pigilan dahil sa labis na sakit nararamdaman ko.

"Ezekiel! Ano'ng annulment ang pinagsasabi mo?!" Hindi na napigilan ni Tatay Sandro na sumali kaya tiningnan ito ni Kie.

"You heard it clearly, nay, tay. Balang araw makikipaghiwalay ako kay Luna dahil hindi ko naman sya mahal eh." Sagot nito na mas lalong ikinadurog ng puso ko.

"Tumigil ka sa kahibangan mo Ezekiel!" Sigaw ni Nanay Rose.

"Bakit ba hindi nyo manlang ako masuportahan? Alam nyo naman na si Charlene talaga ang mahal ko simula nuon hindi ba?" Sabi pa nito.

"Wag kang umasta na parang baliw r'yan, hijo. Nakalimutan mo na ba kung sino ang tumulong sa atin? Nang dahil kay Luna buhay pa ang Nanay mo ngayon. Nang dahil kay Luna nakapagtapos ka!" Sigaw ni Tatay Sandro sa anak.

"Malaki ang utang na luob natin kay Luna, Anak. Kaya pakiusap, wag mo naman syang saktan ng ganito. Alam mo naman na mahal na mahal ka nya hindi ba?" Pakiusap naman ni Nanay Rose pero natawa lamang ng pagak si Kie.

"Yes, god knows how i am thankful to her. Pero iba ang utang na loob sa tunay na pagmamahal. At kaya kong bayaran ang utang na luob ko, pero hindi ko kayang pilitin ang sarili ko sa taong ni minsan hindi ko minahal." Nanginig ang mga tuhod ko sa narinig mula sa asawa ko habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Ilang sandali pa ay may narinig kaming busina sa labas at kaagad namang tumakbo palabas si Kie na para bang kilala nya kung kanino nang galing ang busina na 'yun.

"Luna, hija." Nilapitan ako ng dalawang matanda at pina-upo sa sofa.

"Pag pasensyahan mona, hija. Wag kang mag-alala, gagawa kami ng paraan para hindi matuloy ang plano ni Ezekiel na makipaghiwalay say——" bago paman matapos ni Tatay Sandro ang sasabihin ay nagsalita na ako.

"W-wag nyo na pong pilitin Tay. N-naiintindihan ko po sya." Pilit akong ngumiti kahit na basa ang mukha ko dahil sa pag-iyak.

"Ito na ba ang bahay nika Nanay at Tatay?" Natigilan kami ng makarnig kami ng pamilyar na boses.

Ganuon na lamang ang gulat namin ng makita sa pinto si Charlene kasama si Ezekiel.

Mariin akong napalunok dahil sa labis na sakit at lungkot na nararamdaman ko ng makita silang magkahawak kamay. Bakas din ang 'di maipaliwanag na saya sa mga mata ng asawa ko.

"H-hindi na po ako mag tatagal Nay, Tay." Tangin nasabi ko sa dalawang matanda bago tumakbo palabas.

Patakbo ko ding tinungo ang kotse ko at sa loob ay iyak ako ng iyak.

Gusto ko man na pigilan ang mga luha ko pero hindi ko kaya. Sobra akong nasasaktan sa mga nangyayari at  pakiramdam ko gusto ko nalang na sumuko.

#Hatake_simp

Shattered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon