2

232 8 0
                                    

Luna's PoV

Kaagad kong tinapos ang paghahanda ng mga pagkain sa mesa ng makita si Kie.

"Good morning Kie! You can eat your breakfast now." Sabi at kaagad syang binigyan ng matamis na ngiti.

Umupo naman ito at nag umpisang kumain. Ako naman ay umupo narin at sumabay sa kanya sa pagkain.

"It's your birthday next week. Ano gusto mong regalo?" I tried to build up a conversation.

Hindi ito sumagot at nag patuloy lang sa pagkain. Tipid na lamang akong ngumiti dahil sa kirot na nararamdaman ko.

As usual, parang hangin lang ako.

"Ipagluluto kita mamaya ng lunch. Pupunta nalang ako ng opisina m——." Naputol ang sinasabi ko ng bigla itong tumayo at uminom ng tubig.

"No need, Luna. I can manage myself." Sabi nito at walang paalam na umalis.

Wala akong nagawa kundi pagmasdan na lamang itong lumabas ng bahay.

Napabuntong hininga na lamang ako at pilit na ikinalma ang sarili.

"Hija," napalingon ako kay Manlang Linda na nakikinig pala sa amin kanina.

"Tumawag kanina ang ate Izuna mo. Gusto daw nyang bumisita ka sa kanya ngayon." Sambit ng matanda at tumango-tango lamang ako bilang sagot.

"Manang?" Tawag ko sa atensyon nito.

"Ano 'yun, hija?"

"Pwede nyo po ba akong samahan sa pagkain?" Sabi ko na kaagad namang sinunod ng matanda.

Kumuha ito ng plato at saka tumabi sa akin. Sabay kaming kumain hanggang sa naisipan kong mag tanong sa kanya.

"Sa tingin nyo po? Matutunan pa kaya akong mahalin ng asawa ko?" I asked while smiling bitterly.

"Hija, walang imposible. Alam kong matutunan ka din namang mahalin ni Ezekiel." Hinawakan nito ang kamay ko.

"Pero hija, kapag sobra na ang sakit pwede ka namang bumitaw eh." Saad pa nito.

"No manang. I can't afford to lose him. I love him so much." Sagot ko habang pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Manang gave me a warm hug to ease the pain inside me.

Simula nuong mamatay si Mommy si manang linda na ang nag alaga sa amin ni Izuna. Sya ang tumayong magulang namin at hanggang ngayon sya parin ang nag-aalaga sa akin.

Kaagad naming tinapos ang pagkain at tinulungan syang magligpit ng mga pinagkainan.

Pagkatapos ay kaagad naman akong naligo at nagbihis.

Wala talaga akong planong makipagkita kay Ate Izuna pero alam kong palagi nitong kukulitin si Manang Linda para makipagkita lang ako sa kanya.

Pagkatapos kong mag bihis ay kinuha ko ang cellphone at wallet ko at kaagad na bumaba.

"Manang, alis na po ako." Paalam ko.

"Segi hija. Mag ingat ka." Sagot nito kaya lumabas na ako ng bahay.

Naisipan kong mag commute na lamang dahil wala ako sa mood mag drive kaya naglakad ako palabas ng subdivision.

Hindi naman kalayuan ang exit ng subdivision kaya kaagad akong nakapagpapara ng taxi.

Sinabi ko ang pangalan ng kompanya ni Izuna kaya 'di nag tagal ay dinala ako ng taxi driver duon.

Izuna is the CEO of A.C.E company. It's supposed to be my company but i choose to manage the Light Medical Hospital since duon nag t-trabaho ang asawa ko.

Shattered Where stories live. Discover now