10

280 11 2
                                    

Luna's PoV

"Bye mom." Sambit ko sa puntod ng ina ko bago tuluyang umalis.

Napatingin ako sa oras at nakitang hapon na pala. It's already 5pm kaya nagmadali akong sumakay ng kotse ko at nag drive dahil dumidilim na rin.

Habang nag d-drive ay naisipan kong puntahan si Ate Izuna sa bahay nila. Gusto ko syang kamustahin dahil ilang linggo na din kaming hindi nagkikita.

Malaki ang ipinagbago ng kapatid ko dahil sa kanyang pagbubuntis. She became so childish and moody that even her husband complains about it.

Natatawa nalang ako sa tuwing naririnig ko silang nag babangayan, but for me it's so sweet. Kahit na nakikita kong naiinis si Lucius kay Ate, alam kong ina-alagaan parin nya ito.

Izuna is so Lucky to have that guy.

Matapos ang ilang minutong pag d-drive ay narating ko ang lugar kung saan nakatira si Ate Izuna kasama ang asawa nyang si Lucius.

Kaagad kong pinark ang kotse ko sa labas at nag doorbell.

Hindi naman nag tagal ay pinagbuksan ako ng isang katulong.

"Ma'am Izuna?!" Halata ang gulat sa mga mata nito ng makita ako.

"No. I'm Luna, her sister." I awkwardly answered.

Napakurap-kurap naman ito at napangiti.

"S-sorry po. Akala ko po kasi si Ma'am Izuna hehehe." Wika nito at saka ako pinapasok.

Well, hindi ko sya masisisi kung sa unang tingin mapagkakamalan nya akong si Ate Izuna.

Everyone says that we're like twins. Magkamukha kami at ang tanging ipinagkaiba lang namin ay ang height at style ng buhok.

She's taller than me and has a long hair, habang ako naman ay hanggang balikat lang ang haba ng buhok at medyo kinulang sa height.

"Magandang gabi po ma'am." Bati sa akin ng isang katulong na nakasalubong ko bago ako pinagbuksan ng pinto.

Kaagad namang bumungad sa akin ang ma-aliwalas na loob ng bahay ng kapatid ko.

"Luna!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Yuno at Hyacinth na naka-upo sa mahabang sofa habang nasa kabila naman ang kapatid ko na himas-himas ang tyan.

"It's good to see you, Luna!" Bati ni Yuno at ngumiti lamang ako bilang sagot.

Hindi ko alam pero may napansin ako kay Hyacinth na kasalukuyang nakayuko at tila pasan-pasan ang mundo.

"Why are you here?" Nakataas kilay na tanong sa akin ng kapatid ko.

"I'm here to visit you." Sagot ko at saka umupo sa tabi nya.

"Kamust——" Hindi na natapos ang sasabihin ko ng may narinig akong umiiyak.

"H-hindi dapat 'yun nangyari eh." Kumunot ang nuo ko habang nakatitig kay Hyacinth na nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

"It was a mistake!" Ika pa nito kaya mas lalo pa akong nagtaka kung bakit ito umiiyak.

"Hyacinth, wala kanang magagawa r'yan. Nangyari na eh." Sambit naman ng kapatid ko.

"I'm sorry." Halata ang lungkot sa boses ni Yuno ng sabihin nya ang mga salitang 'yun.

Nagtataka ko lamang silang tinitigan.

Nag away ba sila?

"Just accept it, Hyacinth." Izuna said and i was surprised when Hyacinth suddenly punched the table.

"Paano ko tatanggapin na wala na ang v*rginity ko!? And worst, si Yuno pa ang nakakuha?! Bakit isang baklang ulikba pa?!" She shouted in front of us that made my eyes widen.

Shattered Where stories live. Discover now