6

206 8 3
                                    

Luna's PoV

"Good morning Ma'am Luna!" Bati kaagad sa akin ng sekretarya ni Izuna pagdating ko sa pinto ng opisina ng kapatid ko.

"Good morning. Nandito ba si Izuna?" Tanong ko at tumango-tango naman ang sekretarya nito bilang sagot.

Kaagad akong kumatok at marahang binuksan ang pinto. Akmang papasok na ako ng matigilan dahil may kasama pala si Ate sa loob.

Kaagad naman nila akong napansin kaya wala na akong nagawa kundi pumasok na lamang.

"A-ate," bungad ko at napansin kong kumakain ito ng mangga habang pinagbabalatan sya ng lalaking kaagad kong nakilala.

"Bakit mo ako pinapunta dito ate?" Usisa ko pero nakapako lang ang tingin nito sa lalaking halatang naiinis sa ginagawang pagbabalat ng mangga.

"Pagkatapos mo d'yan, pwede ka nang umuwi." Parang reyna na utos ng kapatid ko isang Lucius Vergara kaya umiigting ang panga nitong inilapag ang mangga na tapos na nyang balatan.

"You seriously called me early in the morning just to buy you this bullsh*t!?" Mukhang hindi na ito nakapagpigil kaya dumagundong ang malalim nitong boses sa buong kwarto.

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni ate na halatang nagpipigil lang din.

"Galit ka? Nag c-crave lang ako ng mangga tas galit ka kaagad? Edi wag mo kong pakasalan!  Kaya ko namang palakihin 'tong batang nasa sinapupunan ko ng wala ka eh!" Nakita ko na namumula na ang mukha ng kapatid ko, halatang galit na rin ito at hindi lamang sumagot ang lalaki sa halip ay padabog na lamang na tumayo si Lucius at namulsa. Nakita ko din na biglang umamo ang mukha nito.

"Just call me if you need something." Sambit nito bago tuluyang umalis.

Napako ang tingin ko kay Ate na kasalukuyang nakangisi.

"See that? Patay na patay sa akin ang isang Lucius Vergara." Pagmamalaki nito.

"I called him early in the morning just to buy me mango. And he even cancelled his board meeting para lang ipagbalat ako ng mangga." Saad pa nito.

At ngumiti lamang ako. My sister is so lucky to have that kind of man.

"Sana ganun din ang asawa mo sa'yo." My smile faded when i heard that.

"Birthday nya kahapon hindi ba?" Tanong nito at tanging tango lamang ang naisagot ko.

"Yuno told me that his sister will going to meet your husband, that's why i told you to go at that restaurant." Saad pa nito pero hindi kona napigilan pa ang mga luha ko.

"Sinasadya mo talagang m-masaktan ako eh no?!" Naiinis kong sambit habang umiiyak sa harapan nya.

"Bakit kailangan mo pang ipakita sa'kin na magkasama sila ni Charlene?" Saad ko pa at natawa ito ng pagak.

"Tama na ang pagbubulag-bulagan Luna!" She yelled at me.

"That Ezekiel doesn't love you! And he will never love you!" Sabi pa nito na mas lalong nagpadurog sa puso ko.

"W-why are you doing this to me? Bakit kailangan mo kong saktan ate? Hindi ba dapat ikaw ang tumutulong sa akin?" Puno ng hinanakit kong sambit.

"I'm helping you Luna. Ikaw 'tong hindi nakikinig." Sagot nito.

"Sa tingin mo hindi ako nalulungkot sa tuwing nakikitang nasasaktan ka? Sa tingin mo nasasayahan akong makitang mugto 'yang mga mata mo kakaiyak ng dahil lang sa lalaking 'yun?!" Tumayo ito at malakas na hinampas ang mesa gamit ang kanyang mga palad.

"Luna! Listen to me! Kailan pa man ikaw na ang hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa! You know that! Kaya kung ako sa'yo pakawalan mona si Ezekiel!" She shouted in front of me.

Shattered Where stories live. Discover now