14

561 16 2
                                    

Luna's PoV

"You're such a cute little angel baby Ivory." Nakangiting sambit ko habang karga-karga ang tatlong bwan na anak ni ate Izuna at Lucius.

"Isn't she so cute?" Tanong ko kay Lucius na kasalukuyang nakatayo sa harap namin.

I was waiting for his response but he didn't say a word.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang nuo ko ng makita na tulala itong nakatitig sa akin.

"Lucius?" Tawag ko sa pangalan nito kaya kaagad itong napakurap-kurap at umiwas ng tingin.

"I need to go." Paalam nito at bigla na lamang akong napaatras sa gulat ng lumapit ito para halikan sa nuo ang anak.

Nakita kopa itong pinasadahan ako ng tingin bago tuluyang tumalikod at umalis.

I was wondering why he's acting so strange this passed few weeks.

"Baby Ivory!!" Nagulat ako ng may biglang pumasok ng main door at iniluwa nun si Hyacinth at  Yuno.

Kaagad na lumapit ang dalawa sa gawi namin habang hawak-hawak ni Yuno ang kamay ni Hyacinth na pa-ika-ika ngayong naglalakad dahil sa malaking umbok sa tyan.

"Kamusta, Luna?" Usisa ni Yuno.

"I'm fine. Kayo? Kamusta na kayong dalawa?" Tanong ko pabalik.

"Still alive and kicking mwehehehe." Sagot naman ni Hyacinth.

"Pwedeng pahawak?" Sambit ni Yuno at kaagad ko namang ibinigay si Ivory sa kanya.

"Sana ganito din kaganda ang magiging anak namin." Saad pa ni Yuno habang nakangiti.

"Syempre, magmamana sakin 'yun eh. Kaya malamang maganda at gwapo ang magiging anak ko." Biglang sambit naman ni Hyacinth at inirapan pa si Yuno.

"Oo na! Panalo kana!" Sagot naman nito at inirapan pabalik si Hyacinth.

Natawa nalang ako sa kakulitan ng dalawa. Who would think that they will end up to each other? I mean, bukod sa para silang aso't pusa, everyone knows na bakla itong si Yuno. I am not expecting na magiging lalaki ito ng dahil kay Hyacinth.

"Nga pala, kailan ang kasal nyong dalawa?" Bigla kong tanong kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"We decided na pagkatapos nalang sigurong manganak ni Hyacinth kami mag papakasal." Yuno answered.

Tumango-tango nalang ako bilang pag sang-ayon.

"Sayang ngalang, Izuna is not here.... Gustong-gusto pa naman ng babaeng 'yun na makita kaming ikasal." Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ni Hyacinth.

"Shhh, I'm sure Izuna will going to watch in heaven." Sambit naman ni Yuno at binigyan nya ng matamis na ngiti si Hyacinth.

"Nga pala, akala ko nasa US kayo? Biglaan naman yata ang pagbalik nyo?" Curious kong tanong.

"Because we will going to attend a wedding here kaya kami napauwi." Sagot ni Yuno.

Bigla akong nagtaka kung kaninong kasal kaya hindi ko napigilang magtanong.

"Wedding? Kaninong kasal?" Usisa ko.

"It's Charlene's Wedding." Lumakas ang tibok ng puso ko sa narinig.

Si Charlene? Ikakasal? Pero kanino? Imposible namang ikasal sya kay Kie dahil hindi kopa naibibigay sa kanya ang annulment papers.

"Hindi mo ba alam? Ikakasal na ang kapatid ko kay Drake." At duon na naging klaro sa akin ang lahat.

Kaya pala..... Kaya pala ganun si Kie dahil hiwalay na sila ni Charlene at ang mas malala, ikakasal ito sa best friend nya.

"I was also surprised. Ang akala ko kasi tuluyan na nyang inagaw sa'yo si Ezekiel. Pero pinaikot nya lang pala sa palad nya ang asawa mo." Sambit ni Hyacinth.

Shattered Where stories live. Discover now