7

205 11 1
                                    

Luna's PoV

"Here, i prepared your food." Sabi ko at inilapag ang niluto kong omelette.

Umupo naman ang asawa ko at nag umpisang mag sandok ng pagkain.

"Medyo naparami yata ang niluto mo," malamig nitong sambit at natawa lamang ako.

"Oo nga eh," awkward kong sagot dahil sa totoo lang hindi ko napansin na napadami ang niluto kong mga pagkain. Marahil nadala lang ako dahil minsan nalang kung umuwi si Kie.

Halos apat na bwan na matapos ang nangyari kung saan halos walang tulog ako kakaiyak sa takot na baka tuluyan nanga akong iwan ng asawa ko.

I was so hurt and afraid at that time. Pakiramdam ko tuluyan na akong mababaliw dahil sa pangyayaring 'yun.

At kahit na sabihin ko pa na tanggap kona ang katotohanan na hindi nya talaga ako kayang mahalin, Siguro normal lang ang umiyak dahil nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita si Kie na kasama si Charlene sa pinatayo nilang Restaurant.

Kie resigned para lang sa restaurant nila ni Charlene. Nakakatawang isipin na ipinagpalit nya ang malaking ospital para lang sa mumurahing restaurant.

But then i realized something. Nasasakal si Kie sa ginagawa ko, nasasaktan sya dahil sa akin. And i can see it through his eyes.

Napagtanto ko din na napakamakasarili kong tao. Inuuna ko ang sarili ko kahit na merong mga taong nasasaktan  dahil sa'kin.

That's why i promised to myself, five months from now papakawalan kona sya. Hindi kona ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko ang katotohanan na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

'Just give me five months, mahal ko. Limang bwan lang at tuluyan konang ibibigay ang kalayaan mo.'

Napakurap-kurap ako ng mapagtanto na kanina pa pala ako tulala. Ibinalik ko ang tingin ko kay Kie at nakita ko na nagtataka din itong nakatingin sa sakin.

"You must eat." Tipid nitong sambit at tumango-tango lamang bilang sagot at saka nag umpisa na ding kumain.

Naunang natapos si Kie sa pagkain kaya tumayo na ito.

"I need to go." Paalam nito kaya tumayo rin ako.

"A-ahm... Uuwi kaba mamaya?" Tanong ko at hindi manlang ito lumingon sa akin. Nakita ko lang na bumuntong hininga ito.

"I don't know." Tipid nitong sagot bago tuluyang umalis.

Again he left me alone, not knowing kung kailan sya uuwi.

Mariin na lamanga akong napalunok at nagpatuloy sa pagkain.

"Hija, siguro ka ba na maayos lang sa'yo na uuwi ako ng probinsya?" Biglang tanong ni Manang Linda.

"Yes po manang. Alam ko naman kasi na mahalaga ang pupuntahan mo sa probinsya." Sagot ko.

"Hindi ka ba kukuha ng papalit muna sa akin para may kasama ka dito sa bahay?" Tanong nito ulit at bakas ang pag-aalala sa boses ng matanda.

"Hindi na po manang. Okay lang po ako. At isa pa, babalik naman po kayo hindi ba?" Sagot ko.

"Oo hija. Pero baka matagalan ako sa pagbalik dito." Sambit nito.

"Okay lang po. Ikamusta nalang po ninyo ako kay Mang Isko." Sabi ko at saka niligpit ang pinagkainan namin ni Kie.

Uuwi kasi ito ng probinsya dahil pinapatawag ito ng anak na kakauwi lang galing abroad. Ayoko man na mapalayo kay Manang na tumayong ina namin ni Izuna matapos mamatay si Mommy pero hindi ko naman pwedeng pigilan ito dahil alam kong namimis narin nito ang anak.

Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ay kaagad akong nagpaalam kay Manang.

Sumakay ako ng kotse ko at dumeretso ng flower shop para bilhin ang paburitong bulaklak ni Mommy.

Pagkatapos ay tinungo ko ang semeteryo kung saan sya nakaburol.

I guess it's time for me to see her grave. Pilit na lamang akong ngumiti at kaagad na narating ang sementeryo.

Nanginginig man ang mga tuhod ay marahan kong tinungo ang puntod ng yumaong kong ina.

"H-hey mom," dalawang salita palang ang lumabas sa bibig ko pero kaagad ng tumulo ang mga luha ko.

"S-sorry. Sorry dahil ngayon lang ako bumisita. Wala kasi akong lakas ng loob na makita ang puntod mo kaya hindi ko nagawang pumunta dito." Sabi ko habang umiiyak.

Inilapag ko ang dala kong rosas at saka umupo.

"It's been so long mom. Hindi kona ma-alala kung kailan pa 'yung huling beses na nayakap kita." I smiled bitterly.

"And i really-really missed it." I added.

"Sobrang dami ko ding gustong i-kwento sa'yo... Katulad nalang na nabuntis si Ate at kung paano ako nag mahal." Mapakla akong tumawa.

"I also want to tell you how hurt i am. Sobrang sakit ma..." Tinuro ko pa ang dibdib ko habang patuloy sa pagbuhos ang aking mga luha.

"Bakit kasi hindi nya ako magawang mahalin? At bakit sa dinami-dami ng taong pwedeng mahalin, bakit sya pa?" Sambit ko at humagulgol.

"B-but.... I already promised to myself na papakawalan kona sya. Limang bwan nalang magiging malaya na sya." Sabi ko pa.

"Nakakatawa lang isipin na kailangan pa nyang maghintay ng Limang bwan. Pero sadyang hindi kopa kaya ngayon eh. Hindi ko pa sya kayang bitiwan sa ngayon."

Habang sinasabi ko ang mga salitang 'yun, alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako. Pero wala akong magagawa, kailangan kong tanggapin na tama si Ate Izuna.

'Kie is not for me...'

Nanatili ako sa sementeryo at parang baliw na umiiyak at nagk-kwento sa pat*y. Matapos ang ilang minuto nagpasya na akong umalis at tumungo sa lugar kung saan maslalo ko lang sasaktan ang sarili ko.

AS my car stopped Infront of their restaurant, i also felt an intense pain inside of me watching both of them smiling at each other.

Kitang-kita ko sa mga mata ng asawa ko ang tunay na saya na ni minsan hindi ko nakita nung ako ang kasama nya.

Ramdam na ramdan ko ang paghigpit ng dibdib ko na tila ba sinasakal ito.

"Dapat kanang masanay, Luna. Dahil balang araw mas malala pa ang pwede mong masaksihan." Sabi ko sa sarili ko habang iniisip ang araw kung saan makikita ko silang masaya at may buong pamilya.

As my tears escaped from my eyes, i promised to myself that I'll accept everything even it'll hurts me so much.

Mahal kita Kie, kaya dapat lang na ibigay ko sa'yo ang kasiyahan mo kahit na ang kapalit ay ang tuluyang pagkadurog ng puso ko.

#Hatake_simp

Shattered Where stories live. Discover now