19

313 13 11
                                    

Izuna's PoV

"Let's go?" Kaagad kong hinawakan ang kamay ng anak ko palabas ng bahay.

"Are you excited to go at the park?" Tanong ko dito at tumango-tango naman ito bilang sagot.

Dumeretso kami sa harap ng kotse habang may nakatayong dalawang body guards.

"Don't tell me sasama din kayo? -_-" tanong ko at napaiwas ng tingin ang mga ito.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil ilang beses ko nang kinumbinsi si Lucius na hindi namin kailan ni Ivory ng magbabantay sa amin pero sadyang matigas talaga ang ulo ng asawa ko.

"Fine. Pero isa lang ang sasama sa amin." Sabi ko at akmang magrereklamo silang dalawa ng magsalita ako ulit.

"Don't worry. I already talked to your boss. Pumayag ito na isa lang ang bodyguard na sasama sa amin ni Ivory." Sambit ko at saka pumasok na kami ng anak ko sa loob ng kotse.

Kaagad naman kami nitong pinag drive paputang park.

Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang anak ko na halatang ini-enjoy ang pag s-stay namin dito sa pilipinas.

Kahit ako ay enjoy na enjoy din dito at sa totoo lang parang gusto kona ngang manatili dito eh.

I don't know why but i feel comfortable in this place.

"Ice cream!" Napatingin ako kay Ivory ng bigla itong mag salita habang nakatingin sa labas.

"I want ice cream!" Ika nito at tinuturo ang mamang nag titinda ng surbetes.

"Itigil mo muna ang kotse manong." Utos ko sa nag d-drive ng kotse namin na kaagad naman nyang sinunud.

Lumabas kami ng anak ko at lumapit sa nag titinda ng surbetes.

She tried it once and i think she liked it kaya gusto nitong bumili ulit.

"Do you want this anak?" Tanong ko at tumango-tango naman ito.

"Pabili po dalawa, manong." Sabi ko at Panandalian ko munang binitawan si Ivory para kunin ang wallet ko.

Kumuha ako ng 50 pesos at akmang magbabayad na nang mapansing wala na sa tabi ko ang anak ko.

"Ivory..." Namuo kaagad ang takot sa isipan ko kaya kaagad kong inikot ang paningin ko.

Namilog ang mga mata ko ng makita itong tumatakbo papunta sa lalaking nagtitinda ng balloon.

Ang mas ikinatakot ko ay ang isang kotse na mabilis na umaandar papunta sa gawi ng anak ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko na tila ba hindi ko maigalaw kahit mga dalari ko sa paa.

Tanging takot at pag-aalala ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yun.

Ang buong akala ko ay tuluyan nang mababangga ang anak ko pero may isang lalaking mabilis na kinarga si Ivory papalayo sa kalsada.

Bakas ang pangamba sa mga mata ng lalaki habang karga-karga ang anak kong walang kaalam-alam sa muntik ng mangyari sa kanya.

"I-ivory..." Sambit ko at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko sa aking mga mata.

Humugot ako ng lakas para makalapit sa anak ko at kaagad itong niyakap ng sobrang higpit.

"Don't do that again, please." Sabi ko habang humahagulgul.

I kissed her forehead and hugged her again.

After a minute. Tumayo ako at pinunasan ang mukha ko at kinarga ang anak ko.

Nakalimutan ko na nasa harapan ko pala ang taong nagligtas kay Ivory.

"Thank you! Thank you so much for saving her." Wika ko at natigilan ako ng makita ang reaksyon ng lalaki.

Shattered Where stories live. Discover now