17

573 22 3
                                    

Izuna's PoV

"Honey? Bakit ang dami naman yatang nakasunod na body guards sa amin? Bibili lang naman kami ni ivory ng groceries eh." Reklamo ko at narinig ko namang bumuntong hininga ang asawa ko sa kabilang linya.

{Safety first, honey.} Tanging sagot nito at napailing naman ako.

"Grabe ka naman. Wala naman sigurong sasaksak sa amin dito." Sabi ko.

{We already talked about this, right?} Tumahimik nalang ako at sumimangot dahil wala na din naman akong magagawa.

"Okay fine. Segi babye na." Sabi ko at pinatay ang tawag.

Tsk, kahit kailan napaka OA talaga ng lalaking 'yun. Bibili lang naman kami ng groceries ng anak nya eh nagpadala pa talaga ng tatlong body guards akala mo kung sino kaming artista na dudumugin ng tao.

Bago kami pumasok ay nilingon ko muna ang tatlong kalalakihan na naka black suit.

"Ah eh... Pwede ba na dito nalang kayo? Kaming dalawa nalang ni Ivory ang papasok." Sabi ko pero umiling-iling ang mga ito.

"Pasensya na po ma'am. Mahigpit pong ibinilin sa amin ni Sir Vergara na samahan po kayo kahit saan kayo pumunta." Sagot nung isa kaya wala akong nagawa kundi hayaan na lamang silang bumuntot sa amin ng anak ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang kahigpit si Lucius sa amin. Simula nung pumunta kami dito sa pinas parang naging over protective na sya sa amin ng anak nya. Nagsisimula na tuloy akong magtaka kung bakit.

"Mommy, that!" Napatingin ako kay Ivory ng may itinuro ito kaya kaagad ko naman itong dinampot.

"Do you want this?" I asked her and she just nodded as a response.

Inilagay ko naman 'yun sa cart at itinulak gamit ang isa kong kamay habang ang isa naman ay nakahawak kay Ivory.

Nagpatuloy kami sa pamimili habang nakasunod lang ang tatlong body guards sa likod namin.

Napapansin ko din na pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob kaya nagmadali na ako.

Kasi naman eh! Bakit kailangan pa naming magsama ng tatlong body guards! Gusto ko lang namang mag grocery ng tahimik -_-

Pagkatapos kong ilagay ang lahat ng gusto kong bilhin ay dumeretso kaagad ako ng counter at nag bayad.

Hinayaan ko yung mga body guards ang bumitbit ng mga binili ko at kinarga ko naman si Ivory.

"Where do you want to go baby?" Tanong ko sa anak ko habang palabas kami ng store.

Sa hindi inaasahan may narinig akong boses sa likuran ko.

"Luna?"

Hindi ako lumingon dahil hindi naman ako ang tinatawag.

"Hey!" Sigaw pa nito pero deretso lang kaming lumabas at nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko.

Kunot nuo akong lumingon habang nakatitig sa isang babae na may karga-karga ding bata na halos kaedad lang ni Ivory.

"Luna! Ikaw nga!" Masayang sambit nito at tumaas lang ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi.

Sino'ng Luna?

"I'm sorry miss. Nagkakamali ka yata. I'm not Luna." Sabi ko at pilit na ngumiti. Namilog naman ang mga mata nito sa sinabi ko.

"What? But—" hindi na natapos ang sinasabi nito ng biglang humarang sa pagitan namin ang isa sa mga body guards.

"Kailangan na po nating umalis, ma'am." Sabi nito.

Nginitian ko lang ang babae bago nagpasyang umalis.

Hindi ko lang 'yun inintindi dahil sadyang napagkamalan lang ako nitong kakilala nya.

Shattered Where stories live. Discover now