8

224 7 0
                                    

Luna's PoV

It  was already 8pm when i decided to go at that restaurant. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil miss na miss kona ang asawa ko.

Tatlong linggo na kasi itong hindi umuuwi at hindi manlang nito sinasagot ang tawag ko.

Then, I saw him through the glass wall. Nakatayo ito sa isang gilid at tila may hinihintay.

Panay tingin din ito sa relo nya at may ilang ulit din itong tinatawagan sa cellphone nya.

Nagtaka ako kung sino 'yun pero hindi nagtagal ay pumasok din ito sa isang pinto kaya hindi kona sya nakita.

Ako naman ay nagpasya na lamang na mag drive pauwi dahil okay na sa akin na makita sya.

At least, alam kong maayos ang lagay nya.

Habang nag d-drive ay hindi ko inaasahan na makita ang kotse ng kapatid ko na nakapark sa harap ng isang mamahaling restaurant.

Naisipan kong ipark din ang kotse ko at kumain sa mismong restaurant dahil nakakaramdam narin naman ako ng gutom.

Hindi pa ako nakakapasok ng restaurant ng matanaw ko si Ate Izuna na tila umiiyak.

Namilog ang mga mata ko sa gulat kaya dali-dali akong pumasok at hindi pinansin ang receptionist na sumalubong sa akin.

"Ate Izuna——" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng mapansin ko ang presensya ng kung sino.

Naka-upo ito sa harapan ng Ate ko ngunit bigla din itong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng restaurant.

"A-ate.... What happened? Bakit andito si dad?" Usisa ko habang umiiyak parin ito.

Naninibago ako sa nakikita ko ngayon sa kapatid ko.

I never seen her crying before. Kahit nung mga araw na durog na durog kami dahil sa ginawa ni Daddy, hindi ko ito nakitang umiyak o nalungkot manlang. Marahil baka sa pagbubuntis nya kaya sya sensitibo.

But what happened? Bakit sya ngayon umiiyak?

"Tell me, what happened?" Nag-aaalala kong tanong at umupo sa tabi nya.

"Ate, please... Tell me, ano'ng ginawa nya sa'yo? May sinabi ba sya? Hey..." Hinawakan kopa ang kamay nito hanggang sa naglakas loob na rin itong tumingin sa akin.

"I-i hate him..." Tanging sambit nito habang humahagulgol.

Binalot ako ng pag-aalala lalo na ng mapansin ang umbok sa tyan nya. Mag lilimang bwan na ito kaya kita na ang umbok. naisipan kong tawagan ang asawa nya dahil baka mapano sila ng bata kakaiyak nya.

"I'll call your husband." Sabi ko at kinuha ang cellphone nito at dinial ang cellphone number ni Lucius.

'Calling Lucius Panget, mukhang mongoloid~'

Napailing nalang ako sa nickname ng asawa nito.

{Where the f*ck are you woman!} Halos mabingi ako sa sigaw ng lalaki sa kabilang linya.

Halatang galit na galit ito kaya nakaramdam ako ng nerbyos.

"A-ahm... Hello? Si Luna 'to. K-kasi si ate... Pwede mo ba syang puntahan ngayo——" hindi na nito pinatapos ang sasabihin ko.

{Message me the address.} Wika nito bago pinatay ang tawag.

Kaagad ko namang tinext sa kanya ang pangalan ng restaurant habang nagtataka kung ano'ng meron sa kanila at bakit hindi manlang alam ni Lucius kung nasaan ang asawa nya.

"What happened?" Usisa ko ulit sa kapatid kong namumunas na ngayon ng mukha nya.

"Ba't mo tinatawag ang gungong na 'yun?!" Inis na tanong nito sa akin.

Shattered Where stories live. Discover now