11

410 19 10
                                    

Luna's PoV

Kaagad kong pinuntahan ang pamangkin ko na karga-karga ng kanyang ama.

Napangiti ako ng makita ang labis na saya sa mukha ni Lucius habang pinagmamasdan ang anak.

It's been a months nung nanganak si Ate Izuna. Katulad ng inaasahan, sobrang cute ng baby nila at kuhang-kuha nito ang mga mata ng kapatid ko at nakuha naman nito ang matangos na ilong at mapupulang labi ni Lucius.

"Hello baby Ivory," bati ko sa bata ng makalapit na ako.

Mahimbing itong natutulog sa kamay ng ama na hindi na matigil kakangiti.

"She's so beautiful." Sabi ko.

"Yes, i know." Pagmamalaki naman ni Lucius habang titig na titig sa anak.

"Where's Izuna?" Usisa ko.

"May inasekaso lang sa kompanya nya. Pero pauwi na 'yun." Sagot naman nito pero biglang tumunog ang cellphone nito.

Marahan naman nyang ipinahawak sa akin ang anak at kaagad na sinagot ang tawag.

Tila may kung ano'ng saya akong naramdaman ng mahawakan ang pamangkin ko.

Inaamin ko sa sarili ko na nagseselos ako kay Izuna. She already have a caring husband and a little angel in her life even though ako naman talaga ang unang ikinasal pero ako pa itong walang anak.

Gustohin ko man pero imposible. Sa nagdaang mga bwan, unti-unti ko nang pinuputol ang kung ano'ng nararamdaman ko kay Kie. Alam kong mahirap pero pinipilit ko.

Unti-unti ko nang tinatanggap na kailan man hindi magiging parte si Kie ng pinapangarap kong masayang pamilya.

"What?!" Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ang sigaw ni Lucius.

"T-tell me... T-that's not true.... Right?" Bakas ang gulat at takot sa boses nito kaya bigla akong nag taka kung ano'ng meron.

Natigilan ako ng paglingon ni Lucius ay kitang-kita ko ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata nya.

"What happened?" Hindi ko napigilang itanong.

Lupaypay na napaupo ito sa sofa at napahilamos sa mukha.

"Si Izuna.... Ang asawa ko..." Halos pabulong nitong sambit kaya nag umpisa na akong kabahan.

"W-why? What happened?" Tanong ko ulit.

"Naaksidente ang kotseng sinasakyan nya...." Nanginginig ang mga daliri nito habang tumutulo ang basang likido mula sa mga mata nya.

Ilang segundo akong natigilan dahil sa narinig.

"T-tell me... Saang ospital sya dinala?" Pinilit kong makapagsalita kahit na may tila bumabarang kung ano sa lalamunan ko.

Sinagot naman ako ni Lucius kaya ibinigay ko muna ang pamangkin ko sa yaya nila at patakbong lumabas.

Napansin ko na sumunod din sa akin si Lucius at nauna pa itong paandarin ang kotse nya at pinaharurot.

Nanginginig naman ang mga daliri ko sa samo't saring emosyong nararamdaman ko.

"This is not true. This might just be a mistake...." Pagpapakalma ko sa sarili ko at pinaandar na din ang kotse ko.

Halos paliparin namin ni Lucius ang kotse namin sa kalsada dahil sa pagmamadaling pumunta sa ospital.

At hindi nga nagtagal ay nakarating kami at halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng makarating kami ng emergency room.

"You're her husband sir?"

Shattered Where stories live. Discover now