27

262 14 6
                                    

Izuna's PoV

"Hindi mo sinabi sa'kin na malayo pala." Reklamo ko ng tumigil kami sa harap ng isang malaking bahay.

Natawa naman ito kaya napatitig ako sa kanya.

I don't know why but i found it so cute when i saw him smiled.

Napailing-iling ako at kaagad na inayos ang sarili.

"Let's get inside. Let's surprise manang Linda." Sabi nito at naunang lumabas ng kotse.

Kaagad din naman akong sumunod at pinagmasdan ang malaking bahay. Tiningnan ko ito ng maiigi at nagbakasakaling may ma-alala ako pero nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni Ezekiel ang kamay ko.

Naglakad kami papasok habang hawak-hawak nya lang ang kamay ko at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hinahayaan ko lang sya sa ginagawa nya.

'Izuna, you're a married woman. At hindi magugustuhan ni Lucius ang ginagawa mo.' Paalala ko sa sarili ko at hinila ang kamay ko kaya nabitawan ito ni Ezekiel.

"Kaya kong maglakad kahit hindi mo hinahawakan ang kamay ko." I said and rolled my eyes but he just gave me a gentle smile.

Nag doorbell ito at hindi naman nag tagal ay bumukas ang gate at bumungad sa amin ang isang matandang babae.

"Ezekiel, Hijo!" Sambit nito at gulat na napatitig kay Ezekiel pero maslalo itong nagulat ng mapadako ang tingin sa akin.

"L-luna! Hija!" I was surprised when she suddenly hugged me.

"Ah-eh hehehe." Tanging nasabi ko at napakamot sa batok.

"Sobrang tagal mong nawala. Saan kaba nagpupuntang bata ka?" Tanong nito habang mangiyak-ngiyak na nakatitig sa akin.

"K-kase...." Napaisip ako sa isasasagot ko pero kaagad nang nagsalita si Ezekiel.

"Pumasok na muna tayo." Wika nito na kaagad naman naming sinunod.

"Manang. Pwede mo ba kaming ipagluto? I'm sure Luna is already hungry." Sabi ni Ezekiel.

"Segi, hijo." Dali-dali namang naglakad patungong kusina ang matanda habang kaming dalawa ni Ezekiel ay naiwan sa sala.

Inilibot ko ang paningin ko at masasabi kong maganda ang pagkakadesenyo ng bahay. It suits my taste.

"Welcome home, wife." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Please, tigilan mona ang pag tawag sa akin na asawa mo. Isang malaking kasinungalingan ang sinasabi mong 'yan." I stated that made him chuckled.

"Fine. Ayaw mong maniwala? Sumama ka sa'kin." He said and started to walk.

Umakyat ito sa hagdan at sumunod lang ako sa likuran nya.

I am so confused at this moment. Alam kong subrang lapit ko na sa point na babalik na ang memories ko.

Natigilan ako ng pumasok ito sa isang kwarto. Hindi ko alam kung susunod din ba ako pero nakita ko nalang ang sarili kong nakapasok na sa loob.

B*ba ka talaga Izuna! Baka kung ano'ng gawin sa'yo ng lalaking 'to. Sabi ko sa sarili ko at akmang lalabas na nang magsalita si Ezekiel.

"As what you can see. This is our wedding photo." Napalingon ako sa kanya at kaagad na bumungad sa akin ang isang malaking litrato naming dalawa.

Literal na hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang malaking litrato.

I am wearing a wedding dress while he is holding my hand. Ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang magkaiba naming emosyon na kitang-kita sa litrato.

I am smiling widely na para bang ako ang pinakamasayang babae sa buong mundo pero nakasimangot lang si Ezekiel na tila pinagsakluban ng langit at lupa.

Shattered Where stories live. Discover now