Chapter 4- Home

8.2K 114 3
                                    

Dumiretso kami ng bahay pagkarating namin galing airport. Ako ang nagbukas ng pintuan habang ibinababa ni Royse ang mga gamit namin.

I was greeted by the stillness of the air as I walked inside. I made my way to the curtains to let the sunlight brighten up the place.

Nakakapanibago pero magaan sa pakiramdam.

Nakasabit ang malaking wedding picture namin sa may gilid ng wall dito sa sala. Mukhang ipinakabit iyon ni lolo Fred.

Kumpleto na ang mga gamit namin, tinulungan ako ni mom na mamili after naming mabisita ito ni Royse noong nakaraan. Groceries na lang ang kulang.

"Diyan na lang, Royse. I'll fix it later." I told him as he walked inside. Sinunod naman niya ako at ibinaba ang mga gamit namin sa sala.

Pareho kaming napatingin sa bukas na pintuan nang marinig namin ang busina sa labas. We saw Cosette and Orion getting out of the car. They're wearing their uniforms.

Their family house is a block away from our house.

"Kuya Royse! I miss you!!" Cosette ran and threw himself into Royse's arms. I saw a glimpse of a smile on Royse's face.

"I miss you more, baby," napakurap ako nang tawagin ni Royse si Cosette na baby. Wala sa itsura niya na tinatawag ng ganoon si Cosette.

He's sweeter than I thought.

"Kuya Royse, hindi na nga ako baby!" Cosette pouted and released his hug from Royse.

"Ate Samara, how's the honeymoon?" Orion hugs me as well. He's holding a paper bag.

"Maayos naman. Kayo? Kamusta?" Nang humiwalay siya ay si Cosette naman ang yumakap.

Orion also hugs Royse. Humalik din siya sa pisngi nito.

"We're okay naman, ate. Dinalhan namin kayo ng breakfast since we know you don't have groceries yet," inabot sa akin ni Orion ang paper bag na naglalaman ng mga pagkain.

"And syempre para sa pasalubong!" Cosette said eagerly. Napangiti ako. Mabuti na lang at nakabili kami ng mga pasalubong bago kami umuwi.

"Mamaya na, Cosette Avery. We're gonna be late. Hindi naman aalis ang mga pasalubong nila kuya at ate." Napatingin si Cosette sa suot na wrist watch.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang oras.

"Oh my God! Oo nga! We have a presentation pa!" Napatawa ako. She's so cute.

"Then you better go ahead. Just come back later." Royse kissed her forehead and walked them to the door.

"Okay! Mamaya na lang kuya! Ate Samara!" They kissed our cheeks.

"I love you both! Sana may pamangkin na ako!" My eyes widened to what she said before getting into the car. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

Si Cosette talaga.

We waited for the car to leave. Pagtingin ko kay Royse ay nakatingin na siya sa akin.

"Bakit?" Naiilang ko na tanong.

"Nothing," he said while shaking his head.

There's his deep stares again.

He held his chin, index finger touching his lips.

"I'm going to the company, lolo Fred is already there." Tiningnan pa niya ako ng ilang segundo bago nauna nang pumasok, pero inantay niya ako at siya ang nagsara ng pintuan.

"Let's eat first, I'm just going to prepare the food." He nodded and excused himself to go upstairs to change.

Napahawak ko sa dibdib ko at parang lumuwag ang paghinga ko.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now