Chapter 16- I'm Sorry

7.9K 104 1
                                    

Kinabukasan ay naging maayos na ang lagay ni Cosette. Medyo nanghihina pa rin siya pero hindi katulad kahapon ay mas bumuti na ang lagay niya ngayon.

"What else do you want?" Tanong ko sa kaniya habang nag-uumagahan kami.

Dito na rin kami natulog ni Royse kagabi para mabantayan namin siya.

"I'm okay with this, ate Samara. Chill ka lang," napatawa siya na sinabayan din nina lolo Fred at Orion kaya napakamot na lang ako sa noo ko.

We're having breakfast together.

Complete.

Me. Royse. Cosette. Cassian.

Tulad ng dati ay hindi nagkikibuan si Royse at Cassian. Mababakas din ang tensiyon sa pagitan nila.

"Pero ang sarap ng chicken curry na niluto mo, ate. Puwede mo ba ulit akong lutuan noon?" Napakurap ako sa request niya. Napatingin din si Cassian kay Cosette na kanina pa malayo ang tingin.

Wala naman siyang ibang sinabi pero lalong lumamig ang mga mata niya.

"O-oo naman," lumawak ang ngiti ni Cosette. Medyo namumula pa rin ang mukha niya.

"W-without p-pumpkin this time." I added. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Without pumpkin of course." Nagkatinginan sila ni Orion at napatawa.

A smile escaped from my lips.

When she woke up yesterday, I cried out to say sorry, but I never heard a single word of blame from her. Just like his siblings, she hugged me and said that it was just an accident. She even said sorry because she's not checking the food knowing she has an allergy. Cosette is very humble.

Alam ko na ginagawa niya ito ngayon para mapagaan ang sitwasyon sa pagitan nina Royse at Cassian.

Inalam ko na rin kung ano pa ang allergy niya at kung may allergy din ang mga kapatid niya. I found out that they don't have any other allergies, but they avoid taking care of pets due to the trauma London and Jesian experienced with dogs and cats when they were young.

Pagkatapos namin na mag-breakfast ay nagpaalam na sina Royse at lolo Fred para magpunta ng company. Due to what happened yesterday, they didn't have the chance to entertain the delegates that they were supposed to tour in the subdivision. Mabuti na lang at pumayag daw ang mga ito na mai-tour ngayong araw kaya uuwi ulit sila ng maaga.

Naging cause of delay pa tuloy ako sa trabaho nila.

Jesian also went to the hospital. Yanna and London left as well, so I decided to stay at the mansion for now to look after and take care of Cosette, as Orion also needs to attend university.

Wala naman akong gagawin at makakapag-hintay naman ang mga trabaho ko.

"Are you comfortable staying here?" Royse asked as we're bidding our goodbyes.

Hindi rin muna kasi umalis si Cassian para pumasok sa university para matingnan si Cosette. Alam ko na nag-aalala siya.

"I am. Don't worry." I assured him.

"Aagahan namin ang uwi." Tiningnan muna niya ako ng ilang sandali bago humalik at tuluyang magpaalam.

Hinintay ko munang makaalis ang kotse nila bago ako muling pumasok sa loob. Nakita ko pa sa garden si Cassian na may ginagawang trabaho sa laptop niya.

Naabutan ko si Cosette na paakyat ng hagdanan kasama si ate Digna kaya mabilis ko siyang inalalayan.

"Kaya ko naman na. Medyo nanghihina pa pero kering-keri," she said, but we didn't let go of her arm.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now