Chapter 29- Confession

9.7K 98 5
                                    

Nanlalabo na ang mga mata ko pero malinaw kong nakikita ang emosyon sa mga mata niya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay niya.

"You misunderstood everything, wife. Please listen to me. Don't do this," his voice is begging.

"I-I'll admit that I rejected lolo's offer several times. Yes, Cosette talked to me but I married you because I wanted to," tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata.

"Tulad mo, pinakasalan kita ng bukal sa kalooban ko. I only made the deal with lolo because of you, naisip ko na baka hindi ka maging masaya sa pagsasama natin. Ayokong itali ka sa akin kung alam ko na hindi ka magiging masaya," hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.

H-he made the deal for me?

"Not until I get to know you and we live on the same roof. You give my life another chance. You fill it with color and hope. You accepted me despite my coldness. Hindi mo pinakinggan ang mga di magandang balita tungkol sa pagkatao ko. Nakalimutan ko na ang deal namin ni lolo, kinalimutan ko na dahil wala akong balak na gawin iyon. Pero tangina, sa dami-rami ng pagkakataon doon pa niya babanggitin at maririnig mo pa," unti-unting tumigil ang paghikbi ko.

I can clearly see his frustration in his eyes.

"Y-you won't annul me?" Nagawa kong itanong sa kabila ng pagkabigla ko.

"Damn no! Hinding-hindi. Sinabi ko sa sarili ko na hindi kita kailanman hihiwalayan hanggat hindi mo ito hinihingi o kahit hingin mo pa, ipaglalaban kita. I'm begging you wife. Please take back what you said," nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Royse," sinubukan ko siyang itayo pero hindi ko nagawa kaya't lumuhod na lang din ako sa harapan niya.

"I-I knew you were familiar- your smell, your voice, your embrace. Then when you hugged me that day with your embrace, I remembered it all. In the hospital, you're the exact girl who embraced me during my loss," and my heart broke when I saw him crying.

My Royse is crying for the third time in front of me.

Lalong tumulo ang mga luha ko.

"I knew at that very moment that it's heaven's will. It's His will to reunite us," I wipe his tears using my fingers.

"You remember it? Why didn't you tell me?" Naalala niya.

Naaalala rin niya.

"I'm wasted, wife. Gusto ko munang buuin ang sarili ko at hilumin ang sakit ng nakaraan ko. Ayokong magpapasok muli ng panibagong tao sa puso ko dahil natatakot ako na baka hindi ko na naman siya mapanatili. I'm afraid to lose someone I love again, takot na ako," lalong tumulo ang mga luha niya.

Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita ko siya na inilalabas ang kahinaan at takot na akala ko ay tuluyan ng nawala sa kanya.

Royse has always been filled with fear and weakness. Hindi lang niya hinahayaan na makita namin ang mga iyon.

"Pero binago mo lahat ng iyon. When you come into my life, all I want is for you to stay with me. I want you to fill my empty heart. Tinulungan mo ako na mas maging malakas at palayain ang mga emosyon na matagal ko ng kinalimutan. You always make me happy. Patuloy ka na gumagawa ng paraan para tulungan ako. Thank you for helping me find myself and reminding me that I'm just a human. Thank you for healing my heart," hinawakan ko ang mga pisngi niya at itinaas ang ulo niya para magtama ang mga mata namin.

"Sa tuwing kunot ang kilay mo, malalim ang iniisip o malungkot, gusto kong pasayahin ka. Natatakot ako sa tuwing hindi mo sinasagot ang mga tawag ko dahil baka kung ano na ang nangyari, I'm so damn scared when you get hurt. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kitang umiiyak. And it's driving me crazy when you're mad at me," I don't know what to do or say. All I know is that during these moments, the wounds and pain in my heart are slowly fading away because of what he's saying.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon