Chapter 6- Worried

8.1K 95 0
                                    

"Pasensya ka na hija kung hihiramin ko si Royse. Alam mo naman na medyo may katandaan na ang lolo," mabilis ko na inilingan si lolo Fred.

"Ayos lang po, lolo. You have nothing to worry, site inspection pa lang naman po ang gagawin namin ni engineer," ngayong araw kasi ang dating ng delegate from Thailand at ngayong araw din kami gagawa ng site inspection ni engineer Vio sa pagtatayuan ng commercial building kaya hindi makakasama si Royse sa amin.

"You can just report everything to us, to Royse kung ano ang mapag-uusapan niyo ni engineer. Malaki ang tiwala ko sayo apo, kaya nga ikaw ang kinuha ko. Abay lalayo pa ba ako? Gusto ko nga na sa iyo na ipahawak ang buong construction, kaya lang ay baka ako ang masermonan ni Royse kapag pinahirapan kita ng ganoon haha!" Pinamulahan ako sa tinuran ni lolo Fred. Nakita ko rin ang pagngiti ni ate Digna.

Sinabay ni lolo Fred si ate Digna, ang makakasama namin sa bahay ni Royse. Anak siya ng mayordoma nila.

She's the one Royse was talking to the other day.

Nakapag-luto na ako ng breakfast kaya pinasabay na namin silang kumain. Kakatapos lang namin at umakyat lang sandali si Royse para kuhanin ang mga gamit niya.

"Thank you for the trust, lolo Fred."

Napalingon kami nang marinig namin ang mga yapak ni Royse na pababa ng hagdanan habang sinusuot ang patek philippe wrist watch niya.

He's wearing jeans and a white polo shirt.

Simple Royse.

Handsome Royse.

Napalunok ako nang makababa siya ng hagdanan at magtama ang mga mata namin. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya at bigla akong pinamulahan nang maalala ko ang ginawa niya kahapon.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Napaka-guwapo talaga ng apo ko oh! Manang-mana sa lolo!" Tumawa si lolo Fred.

Naglakad si Royse palapit sa amin.

"Ipapahatid na kita sa driver," umiling ako.

"Hindi na, medyo pamilyar naman ako sa location," kotse niya ang gagamitin ko dahil mamaya pa mahahatid ang kotse ko dito sa bahay.

"Are you sure?" Tumango ako.

"I am." I assured him.

"Just be careful on the way." Pinasadahan ko ng plantsa ang parte ng manggas niya na bahagyang nalukot gamit ang kamay ko.

He looked down at me as I did that.

"I will. Mag-iingat din kayo ni lolo Fred."

Hinatid ko sila palabas. The driver opens the door for lolo. Ang van nila ang gagamitin since sa Batangas sila pupunta at hihiramin ko ang kotse ni Royse.

"Call me when you need anything," huminto siya sandali at hinarap ako.

"I'll do that, so just focus on your agenda with lolo Fred," he looks into my eyes and I can't sense what he's thinking.

"Medyo mabato sa site dahil kakatambak lang noong nakaraang linggo, mag-iingat ka," my heart skipped.

"Opo, mag-iingat ako. Sige na nag-aantay na si lolo Fred, baka mahuli pa kayo." Tiningnan ko si lolo Fred na kanina pa ngiting-ngiti habang pinapanood kami ni Royse.

"I'll call you when I have free time, but don't hesitate to call me when you need anything." Ulit pa niya.

I took a funny sighed.

Tumaas ang kilay niya

He came near me and kissed me, on the cheek.

Napahawak ako sa pisngi ko nang tuluyan siyang sumakay ng van. I waved and waited for the van to finally leave before going back into the house.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon