Chapter 36- Forgiveness

8.5K 89 1
                                    

"L-leave." Nanghihina pa niyang sabi. 

Natahimik ang buong kuwarto.

"Cassian," pinigilan ako ni Royse. Gusto rin sanang magsalita nila lolo Fred pero pinigilan din sila ni Royse.

"Do you really want me to leave?" Nag-iwas ito ng tingin.

"I-I don't want to repeat myself." Nakita ko ang pagdantay ng sakit sa mga mata ni Royse.

"Stay here, wife." Tumingin siya sa akin bago lisanin ang kuwarto. 

Gusto ko siyang sundan pero sinunod ko ang sinabi niya dahil gusto ko rin na makausap si Cassian. Sumunod naman sa kaniya si Tadeo.

"Cassian apo, huwag mo namang ipagtabuyan ang kuya Royse mo. Alalang-alala siya sayo at hindi umalis sa tabi mo," pumikit si Cassian. 

Jesian checked his vitals.

"A-ayoko munang makipagtalo, lolo," halata sa boses niya na nahihirapan pa siya.

Nilingon kami ni Jesian at inilingan para iparating na huwag muna naming pag-usapan ang nangyari sa pagitan nila ni Royse.

"I hate you, kuya Cassian. You made us so worried." Lumapit si Cosette habang umiiyak. Hinalikan siya ni Cassian sa noo.

"I'm sorry, baby. Don't cry it's just a simple wound," tama nga ang sinabi ni Yanna kanina tungkol sa magiging reaksyon nito paggising niya.

"Kung simpleng sugat lang iyan hindi ka na dapat inoperahan, kuya Cassian," lumapit din siya sa kama kaya umatras ako ng kaunti para bigyan sila ng space.

"Pero nagpapasalamat kami dahil naging ligtas ka. You did it." Inalo siya ni Cassian gamit ang kaliwang braso niya. 

Ang kanan niyang balikat ang na-operahan kaya hindi pa niya iyon kayang maigalaw.

"Dahil pinag-alala mo kami kailangan mong magpagaling agad para ibili kami ng ice cream, kuya Cassian." Pinunasan ni Orion ang mga luha niya. 

Napasulyap sa akin si Cassian at napatawa.

"I promised." Ginulo niya ang buhok nito.

Hinalikan din ni Cassian sa noo si London at humalik naman sa pisngi niya si lolo. He also thanked Aldriel for coming.

We told him what happened after the accident. Nabanggit ni Tadeo na kailangan din ng salaysay niya.

Habang pinagmamasdan ko siya ay nakikita ko na parang may nag-iba sa kaniya. Mas magaan siyang kausap compared to the last time. Nagagawa na rin niyang magbiro at sakyan ang kalokohan ng kambal.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na pag-uusap ay sinabi ni Jesian na kailangan ng magpahinga ni Cassian. Pasado alas tres na rin.

Nagpasya si lolo Fred na umuwi muna at isinama na niya ang kambal. Nagpaiwan naman sina London at Yanna. Sa kuwarto na lang daw sila ni Jesian matutulog dito sa ospital tutal ay babantayan naman ni Jesian si Cassian. Sumabay na rin si Aldriel sa kanila palabas para makauwi.

Nagpaiwan naman ako dahil may gusto akong sabihin kay Cassian. Gusto ko siyang makausap tungkol kay Royse noong nakaraan pa.

"You can go home, nandito naman na si Jesian," he told me habang tinutulungan ko si Jesian na ayusin ang kama niya.

"Papaalisin mo rin ako tulad ni Royse?" I asked him calmly but directly. 

Halata na medyo nagulat siya sa tanong ko.

"Samara," huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"Cassian, Royse is so worried about you. Kung galit ka pa rin sa kanya, huwag mo naman sana siyang ipagtabuyan kasi nag-aalala siya sa kalagayan mo. He was anxious and scared when we learned about your accident. While you were in the operating room, he stood by the door the entire time, unable to bear the thought of anything happening to you," tiningnan ko siya sa mga mata.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now