Chapter 38- Gift

9K 97 2
                                    

Kauuwi lang namin matapos naming magsimba kanina. Naghahanda na sila ate Digna sa garden para sa Noche Buena mamaya. Tapos na rin kaming magluto at mag-iihaw na lang ng mga barbeque.

Nagtulong sina mang Edgar at kuya Victor, family driver namin sa pagbubuhat ng mahabang lamesa para mapaglagyan ng mga pagkain.

Cosette and London have prepared games that we can play while waiting for Christmas Eve.

"Nahawa ka na sa katakawan ni Orion, palagi kasi kayong magkasama simula nang magbakasyon sila. Ang dami mong biniling pichi-pichi pero mauubos mo na." Napatingin ako sa kinakain kong pichi-pichi dahil sa sinabi ni Cassian.

Hindi ko namalayan na mauubos ko na nga pala iyon, pero pakiramdam ko gutom na gutom pa rin ako.

Hay, baby. Pinapataba mo naman niyan agad si mommy.

"Hindi ba puwedeng gutom lang? Hindi pa kaya tayo nagdidinner." Palusot ko na lang.

"Oo nga, kuya Cassian. Ang sarap kayang kumain. Palibhasa ang daming bawal sayo." Orion hides to lolo's back nang mag-amba si Cassian na pipitikin siya sa noo.

Nakaupo kami sa mat habang pinagmamasdan ang mabituwing kalangitan. Puno ng Christmas lights ang mga halaman na nilagyan talaga namin para ngayong gabi at malakas ang simoy ng hangin kaya sobrang gaan sa pakiramdam. This is the first time that I'll be spending Christmas with Royse's family, at sobrang saya ko.

"Kayo talaga, hindi na kayo nahiya sa mga magulang ng ate Samara niyo." Saway ni lolo.

Narito rin kasi sila mom and dad.

"Pagpasensyahan niyo na po si kuya Cassian, tita, tito. Sadyang ganyan lang po talaga siya." Tuluyan nang napatayo si Orion nang kinuha ni Cassian ang unan sa tabi niya at ibato sa kaniya.

Nagkatinginan kami nila mom at napatawa.

"Nakakatuwa nga ang mga apo niyo, lolo Fred. I'm sure my daughter is enjoying their company so much." Napanguso ako sa sinabi ni dad.

Yes, I've been enjoying their company, but most of the time I'm becoming easily irritated. Mabilis din naman na nawawala pero madalas talaga paiba-iba ako ng emosyon.

I had a checkup with my OB-gyne, and she said it was all normal. Part of my pregnancy involves having a mood swing.

I was with Laura.

Sinabi ko sa kaniya ang pagbubuntis ko dahil kailangan ko ng makakasama at makakatulong kung paano ko masasabi kay Royse ang tungkol sa baby namin.

She helped me to do it tonight. Gusto nga niyang masaksihan pero hindi siya makakapunta dahil gusto ni Gustav na sama-sama silang magcelebrate. Ilang taon din kasi silang hindi nakapagcelebrate ng Christmas ng sama-sama. I'm praying that Laura and tito settle the misunderstanding between them.

I'm very thankful to have her by my side. Kanina pa nga siya nagte-text at mas masaya pa yata siya ng sabihin ko sa kaniya na buntis ako. Pinag-grocery pa niya ako ng mga fruits and vegetables.

Kamuntikan pa nga kaming mabuking noon.

I'm four weeks pregnant. My baby is healthy and kicking. I actually want to tell it to mom but I decided not to because I really want to surprise them.

Isang linggo simula ng malaman ko na buntis ako, isang linggo na rin akong nagsisinungaling kay Royse na may period ako. Ang sabi kasi ng doctor puwede naman mag-make love pero gentle lang, which is very contrary to the way Royse makes love to me.

Sa palagay ko nga ay nagtataka na siya dahil kadalasan kasi ay tatlong araw lang inaabot ang period ko. I'm running out of excuses, and besides, I've already decided to tell him tonight, so earlier I mentioned that my period is over and promised that we would make love tonight.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now