Chapter 27- Memory

9K 94 4
                                    

Hindi ako hinayaan ni Royse na pumasok ng company ng tatlong araw kahit na sabihin ko sa kaniya na ayos na naman ang sugat ko. Nilagnat kasi ako the next day.

Tinanggal na kanina ni Jesian ang stitches ko at hindi na rin ako gaanong umiika kaya napilit ko si Royse na magtatrabaho na ako bukas. Sa loob din ng mga araw na iyon, hindi siya umalis sa tabi ko at patuloy akong inalalayan at inalagaan.

Atticus also paid me a visit the other day to check on me. I apologize for causing a delay, but it seemed to work in his favor as he had the opportunity to spend time with Laura. The timing of his visit coincided exactly with Laura, and if I didn't believe in coincidences, I would think they deliberately planned it.

Hindi ko rin nakita si Camilla, hindi rin naman na siya ulit nagpunta rito sa mansion. Hindi ko alam kung nakapag-usap sila dahil ipinadala lang ni Royse ang mga trabaho niya kay Ken at dito ginawa.

He left a couple of days ago, but I think he was only gone for about an hour.

"Do you think Mira is with mom and dad now, kuya?" Napalingon ako kay London.

Nandito kami sa garden. Naka-unan si Royse sa mga binti ko habang nagpipinta si London. Palubog na ang araw kaya masarap ang simoy ng hangin.

Nanatiling nakapikit si Royse. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.

"Let's believe she is," sagot ni Royse.

Ngayon ko lang sila narinig na pinag-uusapan si Miracle. Alam ko na kahit ilang taon na ang lumipas, madalas pa rin na sumasagi sa isipan nila ang mga magulang nila at si Miracle.

"Then I will believe that, because I know and I can feel that they are," napadilat si Royse. Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin.

He sat down and gazed at London's painting, then rested his head on her shoulder. London is painting a garden where two parents were happily playing with a child- a paradise on canvas.

"They're always with us, London. We may not see them, but we can always feel their love." It's so adorable to see how soft Royse is when it comes to his siblings.

Yumakap si London kay Royse nang matapos niya ang painting.

"I missed them so much, but you're right, kuya. I can still feel their love." Tinitigan namin ang buhay na buhay na painting ni London.

"Come here, wife. Ang dami ko namang baby," napangiti kami ni London nang isali ako ni Royse sa yakapan nila.

"Si ate Samara ang tunay mong baby, kuya Royse. Maaring maging baby din ako ng iba, pero si ate habang buhay mo ng baby," napangisi si Royse dahil sa tinuran ni London.

Posible ba na maging habang buhay ako ni Royse?

"Nagagaya ka na kila Cosette sa panunukso sa akin, London." Napanguso ako. Ang hilig nila kaming ilagay sa mga nakakailang na sitwasyon.

"Napapansin ko nga ang madalas nilang panunukso, wife. Pero ayoko silang pigilan dahil nakakatuwa ang pamumula ng mga pisngi mo," nahampas ko si Royse na ikinatawa niya.

Napahawak ako sa mga pisngi ko. Kung gayon nahahalata pala niya?

"Isa ka pa, Royse." Lalo siyang napatawa. I looked at him with warning eyes.

"Pero anong puwede kang maging baby ng iba? May nagugustuhan ka na ba, Louisiana London?" Si London naman ang pinamulahan at nanlaki ang mga mata.

"W-wala, kuya! Sinasabi ko lang naman ang mga possibility." Nagkatinginan kami ni Royse at sabay na napatawa.

Kahit na madalas na seryoso si London, napaka-transparent naman niya pagdating sa mga emosyon niya.

"Mawalang galang na po, senyorito Royse. Maistorbo ko po kayo. Ipinapatawag po kayo ng senyor sa opisina niya." Nakangiti ang kasambahay nang tawagin si Royse.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now