Chapter 24- Promise

7.6K 94 3
                                    

Buong almusal kaming tahimik. Sobrang bigat ng pakiramdam ko kaninang umaga paggising ko. Alam ko na may gustong sabihin si Royse pero nananatili siyang tahimik at pasimple lang akong pinapakiramdaman.

Maging si ate Digna na kanina ay sinusubukan na pagaanin ang sitwasyon ay naging tahimik na rin.

Naguguluhan at nahihiya ako sa inasal ko kagabi. Wala namang kasalanan si Royse pero sa kaniya ako nakapag-outburst ng mga nararamdaman ko.

I was completely caught off guard and emotionally wounded by Camilla's words yesterday.

Alam ko na naging pabigla-bigla ako sa kinilos ko, kaya hanggang sa makapasok kami sa kompanya ay hindi ko nagawang makausap si Royse. Bukod sa hindi ko alam kung paano uumpisahan, hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Good morning, Royse!" Camilla greeted cheerfully.

"Good morning, Samara." She gave me a small smile before looking at Royse again.

"Mabuti at nandito ka na, may mga gusto kasi akong itanong. Naguguluhan kasi ako sa ilang documents." Nauna na akong magpunta sa table. Wala pa si Atticus, usually ay nauuna rin siya sa amin.

I took out my laptop and the drafts I had worked on yesterday. It's better if I focus on my work for now so that I can at least distract my mind. Maybe I'll come up with a plan or something to say in order to talk to Royse.

Patapos na akong ayusin ang mga gamit ko nang bigla kong maalala na hindi ko nakita si Royse na uminom ng vitamins niya kanina. Nahilot ko ang sintido ko dahil ilang araw ko na rin pala siyang hindi nasasabihan at hindi ko alam kung naiinom niya iyon dahil hindi ko nakikita.

I looked at him and almost fell off my chair when I saw him looking at me. I quickly composed myself and cleared my throat as he stood up and walked towards me.

He left Camilla, even though she was still talking to him.

"About last night-" wala sa sarili akong napatayo nang makalapit siya at buksan ang topic.

"K-kukuha lang ako ng tubig." Hindi ko siya inantay na makasagot at mabilis na naglakad palabas ng opisina. Hindi pa ako handang kausapin siya at ayokong marinig ni Camilla na nag-away kami kagabi. Kung away man iyong maituturing dahil baka kuhanin niya iyong oportunidad.

Napatayo si Vicky nang makita ang paglabas ko.

"May kailangan po kayo, Mrs. Salguero?" Tanong niya.

Napailing ako.

"Kukuha lang ako ng tubig." Itinuro ko ang mini kitchen.

"Gusto niyo po ikuha ko na kayo?" Nagulat ako sa tanong niya. Napansin ko na nag-iba ang treatment niya sa akin.

She's more polite and welcoming.

"Hindi na, kaya ko na. Thank you, Vicky." Ngumiti siya at tumango kaya nagpatuloy na ako para kumuha ng tubig.

I took lukewarm water and noticed the almonds on the shelves. I grabbed some and put them in a small bowl. I noticed that Royse often snacks on almonds at home when he's working.

Patapos na ako ng tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko muna kung sino ang nag-text, at hindi ko napigilang mapangiti ng mabasa ko iyon.

You can always talk to me. We're now friends after all.

-Cassian

Pabalik na ako ng opisina nang makasalubong ko si Atticus.

"Morning! Hindi ka nag-breakfast?" Tanong niya ng makita ang dala ko.

"Good morning. Para kay Royse." I avoided his gaze when I saw his teasing stares.

"Iba talaga kapag umiibig." Inilingan ko lang siya at nauna ng maglakad. Kung inaayos niya kasi ang sa kanila ni Laura, naku boto pa man din ako sa kaniya.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now