Chapter 31- Plan

8.6K 86 1
                                    

Christmas is near, as well as Royse's birthday. Pupunta ako sa mansiyon mamaya dahil may meeting kami nina Cosette at London para magplano sa darating na birthday ni Royse.

The past few weeks have been over the moon. My relationship with Royse completely changed.

We sometimes argue, but we don't let a single night pass that we're not becoming okay. Kapag siya ang nagkamali, hihingi agad siya ng tawad, at ganoon din naman ako. Kaya lang minsan kapag naiinis talaga ako sa kaniya kahit na ako ang may kasalanan siya pa rin ang humihingi ng sorry haha.

He doesn't really want me to get angry, iyon ang napansin ko sa kaniya.

Marami rin akong mga bagong bagay na natutuklasan sa kaniya at mga personality na nitong nakaraan ko lang nakita. Alam ko na ganoon din siya sa akin kaya masaya ako na nagkakasundo kami. May pagkakataon din kasi na pinagtatalunan namin ang perspective namin tungkol sa isang bagay pero nagagawa namin na maintindihan ang isa't isa.

Advantage na siguro na mas matanda siya sa akin ng tatlong taon dahil kapag nagiging immatured ako ay nagagamit niya ang maturity niya.

Naging sobrang maalaga rin niya at unti-unti ay nagkaroon kami ng mas open na communication.

Every time after work, we tell each other what happened. It becomes natural for him to open up to me about his life and his feelings.

I mostly start the conversation, but I know he's been trying to be more open.

I've never seen him become impatient withth me. He's very gentle in every aspect of our relationship. He makes sure that I always feel comfortable and that he treats me the way I should be treated.

I can tell that Royse is the perfect husband for me, not because I'm his wife, but because I can see it through him.

Pagdating sa usapan ng pagiging solid at permanente, matatag ang pagkakahawak ni Royse roon.

Narinig ko na tumunog ang cellphone niya kaya napatigil ako sa pagsusuklay. Nasa gilid ko lang iyon kaya nakita ko ang mga heart at kiss emojis mula sa text.

His wallpaper is his stolen shot of me.

My wife instinct told me to read it kaya kinuha ko iyon at binasa kahit alam kong tumatawid na naman ako sa privacy niya. The text is from an unknown number.

Hindi naman siya nagagalit actually kapag pinapakialaman ko ang cellphone at mga gamit niya, feeling ko pa nga natutuwa siya dahil nagiging curious daw ako at nagseselos.

Minsan na kasi akong nagselos noong nagpunta kami sa boutique ni Yanna dahil may isang model na pilit na nagpapansin sa kaniya kahit alam na nito na asawa ako ni Royse. Ang loko tuwang-tuwa.

He teased me all day.

Pare-pareho lang ang password niya. Ang araw ng kasal namin kaya mabilis kong nabuksan ang cellphone niya.

This is me, Tadeo. Nagpalit ako ng number, ang daming nagtetext na hindi ko naman kilala. Ang hirap talagang maging pogi. Save mo nalang number ko, Montgomery. Love love 😘😘😘❤️❤️❤️

Hindi ko napigilang mapatawa sa text ni Tadeo na muntikan ko na namang pagselosan. Sakto naman na lumabas si Royse sa banyo habang nagpupunas ng basa niyang buhok kaya nahuli niya ako.

The smell of his body wash filled our room. Topless siya kaya kitang-kita ko ang toned niyang mga abs.

Kumunot ang noo niya nang mapatingin sa akin at sa cellphone niya na hawak ko.

"Someone called?" Tanong niya ng makalapit sa akin.

Umiling ako at ipinakita ko ang message ni Tadeo.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now