Chapter 13- Protected

6.8K 78 2
                                    

The construction for the commercial building has started.

I have a site visit today with engineer Vio, kasama na rin namin ang iba pang engineers para sa project.

Royse is also here. Dumaan na siya para kamustahin ang construction.

Nagkaroon ng clarification for the design and specification. Nag-discuss na rin kami kay Royse tungkol sa quality control. I know that he's familiar with this since he's the one managing the construction of the estate.

"I'll pick you up later," Yanna will showcase her new designs in a fashion show. Pupunta kami roon para suportahan siya.

"I can go by myself, Royse. Doon na lang tayo magkita," marami siyang naka-line up na mga trabaho ngayon.

Kaya ko naman na mag-drive at ayoko na makadagdag pa sa pagod niya.

"I'll pick you up, wife." He finalized.

Napanguso ako at walang nagawa kung hindi ang tumango.

Kapag tinatawag niya akong wife sa mga ganitong usapan, asahan mo nang hindi ko na siya mapipigilan pa.

"I want to be the one to see you wearing the dress Yanna gave." Nagpadala kasi si Yanna ng damit na isusuot namin ni Royse.

"Fine, but surely ate Digna will see it first." I teased him.

Tumaas ang kilay niya.

"Be the first man then." Napailing tuloy ako.

"You're going back to the company, Royse?" Lumapit sa amin si Vio. Tinanguan siya ni Royse.

"I have a meeting that I still need to attend." Dumako ang tingin sa akin ni Vio.

"You seem happy today," sabi ko at pinanliitan siya ng mga mata.

Don't tell me.

"Halata ba masiyado?" He laughed. Nanlaki ang mga mata ko.

"Tell me that my thoughts are right!" I can't hide my excitement.

"Yes! She said yes!" Napatalon ako sa tuwa at napayakap sa kaniya.

"Congratulations! I'm happy for you!" I know we're not close and we just started working together, but I can feel his kindness. Kaya siguro mabilis na gumaan ang loob ko sa kaniya.

I hope for a happy future for him and his fiancée.

"Congratulations." Nakipag-kamay si Royse sa kaniya.

His face is stern.

Eh?

"Thank you! Pupunta kayo sa kasal namin ah?" Nagkatinginan kami ni Royse.

"Oo naman!" Napatawa siya.

Ewan ko ba pero masaya ako kapag may kakilala ako na ikakasal na.

"Wife," tawag ni Royse.

"Bak-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya at halikan sa labi.

It's just a smack, pero ramdam ko ang pangangamatis ng mga pisngi ko.

Nasa harapan pa namin si engineer Vio!

"Royse!" Natakpan ko ang bibig ko.

I saw how surprised Vio was, just like me.

"Woah!" He even looked amazed.

"That's a punishment for hugging another man in front of me, wife." I look at Royse in disbelief.

Narinig naman namin ang pag-sipol ni engineer.

"Ang possessive naman pala ng senyorito, pero sabagay kung ako baka ganoon din ang gawin ko."

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now