Chapter 25- Wound

9.2K 104 14
                                    

After naming magsimba ay bumalik kami ng mansiyon dahil naghanda sila Cosette para mag-picnic kami sa garden.

Sunday ngayon at kumpleto ang pamilya. Naging busy din kaming lahat ngayong linggo at napansin iyon nila Cosette kaya nag-aya sila na mag-picnic kami para makapag-bonding.

The twin's really sweet.

I was happy helping ate Digna and the other maids set up the picnic when suddenly Camilla arrived, the person I was hoping not to see today.

Halatang nagulat din sina lolo Fred, but they still welcome her. May dala siyang tatlong box ng pizza na mabilis kinuha nina Cosette at Orion.

"I'm sorry po kung hindi ako nagpasabi. Okay lang po ba na makisali ako?" She gave lolo Fred a warm smile. Tumaas ang kilay ko. Nawala bigla ang saya at excitement na nararamdaman ko kanina.

"Oo naman, hija. Walang problema." Alinlangang sagot ni lolo Fred at napasulyap sa akin. Ngumiti na lang ako para sabihin na ayos lang.

I understand that their family has developed a close relationship with Camilla, which makes it hard for Lolo Fred to reject her. The deep bond they share and the memories they have built together create a sense of emotional attachment with their family, especially with Royse's siblings.

Ang sa akin lang, she's my husband's ex-girlfriend. Hindi naman tama na basta-basta na lang siyang sumusulpot at sumasali sa bonding ng pamilya. Kahit na naiintindihan ko, hindi ko pa rin mapigilan na hindi maging komportable.

Lumapit siya sa amin at nakiupo sa mat.

"Favorite niyo pa rin pala ang pizza, kambal." She said while smiling.

Hindi ko alam na mahilig ang kambal sa pizza.

"Baka hindi na kayo makakain niyan ha." Saway naman ni Yanna dahil halos maubos na nila ang isang box.

"Ipinagpaalam ka ba ni kuya Royse kina tito at tita, ate Samara? Palagi ka na lang naming inaagaw tuwing Sunday," napahawak si Jesian sa ulo niya.

"We went there the other day and spent the whole afternoon with them. Nagpaalam naman si Royse," sinabi pala nila Cosette ang tungkol sa picnic namin ngayon kaya nagpaalam siya.

"Thank you for sacrificing your time with them for us." Nginitian ko si Jesian at ginulo ang buhok niya na siya niyang ikinanguso.

Sigurado naman ako na naiintindihan iyon nila mom and dad.

"Syempre naman, pamilya na tayo." Mom also advises me to increase the amount of quality time I spend with them in order to foster a stronger connection and develop a deeper understanding with them.

I saw Camilla looking around. I immediately knew who she was looking for. Royse went to our room because he received an important call.

He was looking at some documents.

"Si Royse pala?" Tanong niya kay Cosette.

Sinabi ko na nga ba.

"Nasa loob, ate Camilla. May tiningnan lang."

It's not that I don't want her to be here. Hindi lang talaga magandang tingnan.

At oo na. Nagseselos at nasasaktan ako kapag nakikita ko na magkalapit sila ni Royse. Lalo na dahil gumagawa siya ng paraan para mapalapit sa asawa ko.

"You can ask her to leave if you don't want her to be here. You have all the right," napalingon ako kay Cassian. Nakatingin siya sa hawak kong plato. Hindi ko namalayan na ang higpit na pala ng pagkakahawak ko.

Inilapag ko ito sa mat.

"I don't want to be rude. Isa pa naging close rin naman siya sa inyo." Tumaas ang kilay niya.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now