Chapter 12- Date

6.8K 83 0
                                    

I was surprised when I saw Royse walking down the stairs in his sleepwear rather than his business attire.

When I ask him if he's not going to the estate he simply answers after kissing my forehead and greeting me good morning.

"Reward day."

Hindi ko akalain na maaalala at tutuparin niya ang reward ko noong nakaraan para sa pag-assist ko kina Orion at Cosette.

Ako nga ay muntik na iyong makalimutan.

Hiniling ko kay Royse na magpunta kami ng Star City. Naalala ko kasi ang sinabi ni Cosette na adventurous dati si Royse, I want him to enjoy kahit isang araw lang.

I want him to feel the thrill again.

"Wahh! Sama ako, kuya Royse!" Yumakap si Cosette sa balikat ni Royse. Nagpunta kasi sila ni Orion para makikain ng umagahan. Medyo marami ang naluto namin ni ate Digna pero nagpaluto pa ako sa kaniya pandagdag dahil alam ko kung gaano kaganang kumain ang kambal.

"I'll bring you some other day, baby. This day is intended for the reward of your ate Samara," napalingon siya sa akin.

"What reward, kuya Royse?" Curious na tanong ni Cosette.

"For helping us the other week because of your hardheadedness, Cosette," Si Orion ang sumagot na nasa lamesa na at nanginginain ng ham.

"Ang laki-laki mo na para ka pang bata kung umasta. Ngayon na nga lang nagkatime sina kuya Royse at ate Samara na makapag-date tapos sasama ka pa?" Napanguso si Cosette at nakita ko ang gumuhit na lungkot sa mga mata niya.

"Tayo na lang ang mag-date bukas." Dagdag ni Orion na mukhang hindi rin naman matiis ang kakambal.

"Promise?" Sumigla ang itsura nito.

"Promise." Nagtatalon si Cosette sa tuwa at tumakbo para yumakap kay Orion.

That's how he treats Cosette. Papagalitan pero hindi rin naman matitiis.

"Why star city, ate Samara?" Cosette asked when we started eating.

"Para naman magka-adventure si Royse. Baka sakaling bumalik ang emosyon niya." Biro ko na nagpatawa sa kanila.

Nagagawa ko nang makapagbiro ng ganito kay Royse kahit papaano. Mukha naman kasi na naiintindihan na niya ang mga biro na sinasabi ko. Wala naman siyang sinasabi at minsan ay natatawa na lang din.

I notice that he can easily adapt a person's personality, especially when he's paying attention and really wants to read that person.

Hiling ko lang na huwag niya akong gantihan.

"Support ka namin diyan, ate Samara!" Orion cheered.

"Ay naalala ko, did you know that someone offered twelve million to buy your gown, ate Samara?" Nasamid ako sa tanong ni Cosette.

Royse give me water na agad kong ininom.

"Really?! I didn't know." As far as I know, the gown's total cost is three million.

Who would offer such a big?

"Maraming tumatawag kay ate Yanna para mag-offer at bilhin ang gown mo, lalo na ang mga nasa elite social class na nakita ito noong maging cover kayo ni kuya Royse sa ilang magazines. I think they want it to be a collection or even use it. Bukod kasi sa kilala si ate Yanna bilang designer, napaka-ganda mo talaga noong sinuot mo iyon, ate Samara. Hindi ba kuya Royse?" Nabaling ang tingin naming lahat kay Royse.

Bakit naman kailangan pang tanungin ni Cosette si Royse?

"Very," Royse glance at me that caused my heart to skip.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now