Chapter 7- Heal

7.6K 86 2
                                    

"I finished my work yesterday. I'm going to start the design today," I told Royse while we are eating breakfast.

"Here?" tumango ako.

"I called dad since wala na naman akong gagawin sa company. Mas komportable akong mag-design kapag nasa bahay lang. Baka sa garden ako pumuwesto mamaya," may maliit na garden kasi sa harapan ng bahay.

"You don't have to rush the design, you can do it at your most convenient time," tiningnan ko siya.

"I have the most convenient time today." I get two pieces of sliced avocado ang put those on his plate. Nilagyan ko na rin si ate Digna.

"I'll try to go home early later." Ngumiti ako at tumango.

Naghahanda na si Royse sa pag-alis when I saw our honeymoon photos on the side. Bigla kong naalala na hindi ko pa nga pala iyon naipapakita sa kaniya.

"Dumating na pala ang mga honeymoon photos natin," kinuha ko ang mga iyon at excited na ipinakita sa kaniya.

He walked toward me and looked at the frames.

"Duke never fails. You're so beautiful." He said while staring at the pictures.

Pinamulahan ako.

"T-thank you. It's his passion after all. We should thank him." Nalaman ko na hindi na rin niya kami siningil ng talent fee.

"We will. Where do you want to display these?" Kinuha niya ang album at tiningnan din ang mga pictures doon.

"Plano ko sana sa tabi ng wedding picture natin at sa kuwarto. Will it be fine to you?" Nilingon niya ako.

"I know my wife knows better when it comes to the house, archi." Napatitig ako sa kaniya. Inabot pa ng ilang segundo bago ma-absorb ng isip ko ang sinabi niya.

Napangisi siya.

"Ikaw talaga." Pabiro ko siyang hinampas sa balikat.

Nagpaalam siya matapos matingnan ang mga pictures.

Bago ko inumpisahan ang design ko ay pinagtulungan muna namin ni ate Digna na isabit ang mga frames sa wall.

We hang the underwater shot beside our wedding frame and the two others in our room. Hindi naman kami nahirapan.

"Puwede po ba kitang panoorin pagkatapos ko ng mga gawaing bahay, senyorita?" Tanong ni ate Digna pagkatapos namin at dalhin ko ang mga gamit ko sa garden.

"Oo naman, ate Digna. Walang problema." She giggled happily.

She's five years older than me, I told her to just call me by my name pero ayaw niya dahil asawa na raw ako ng boss niya at siguradong pagagalitan siya ng mayordoma kapag ginawa niya iyon.

I started the design for the commercial building while ate Digna continued her work.

Nasa sketching ako nang biglang dumating si Jesian. Tumigil ako sandali para papasukin siya.

"Jesian," yumakap siya sa akin at humalik sa pisngi ko.

Napalabas din si ate Digna at masayang sinalubong si Jesian.

"Ate Samara," humiwalay siya at hinalikan ako sa pisngi tsaka yumakap kay ate Digna.

"Napadaan ka? Royse left earlier," nagtataka kong tanong. Itinaas niya ang hawak na paper bag.

"Dinaan ko lang ang vitamins ni kuya. Mauubos na iyon two days from now," kumunot ang noo ko at kinuha ang paper bag nang ibigay niya sa akin.

"Vitamins for what?" Nagtataka kong tanong.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now