Chapter 11- First Love

7.2K 93 0
                                    

I baked a dark chocolate tart and brought it to the mansion. Pinabaunan ko na rin si Royse para imeryenda niya mamaya.

"Sobrang sarap, ate Samara! Baka maubos ko ito!" Sabi ni Orion habang puno pa ang bibig ng pagkain.

"Mabuti naman at nagustuhan mo, Orion. Mayroon pa naman sa bahay, ipapadala ko mamaya." Dalawang araw na simula nang mabugbog siya. Medyo naghilom na ang mga sugat niya kahit papaano.

Jesian gave him three days of leave from his classes pero papasok na raw siya bukas dahil kaya naman na raw niya.

Those students who did this to him and tried to harass Cosette have been given expulsion. Lolo Fred intended to file a case against them, especially Yanna, but the parents of those students pleaded for leniency, that's why lolo decided to give them a warning instead.

"Sana makapag-asawa rin si kuya Cassian at kuya Jesian ng isang katulad mo, ate Samara. Para palagi akong busog," napatawa kami.

"Aba'y ang ibig mo bang sabihin hindi kami masarap magluto, senyorito?" Pagbibiro ni nanay Ofelia, ang nanay ni ate Digna at mayordoma ng mansion.

"Wala po akong sinabi, nanay Ofelia. Kung hindi po masarap ang mga luto niyo, baka po hindi ako ganito kalusog." Inilihis pa ni Orion ang damit niya.

Just like Royse, he has six packs. Hindi pa lang iyon masiyadong tone dahil medyo bata pa siya.

"Kaya nga ba ikaw ang paborito kong ipinagluluto. Napaka-gana mo kasing kumain senyorito." Nakita namin ang pagpasok ni Cassian ng kusina sa gitna ng kuwentuhan namin. Nakabihis na siya at mukhang papasok na ng university.

"Good morning, kuya Cassian!" Tumayo si Orion at yumakap kay Cassian.

"Tikman mo itong dala ni ate Samara na chocolate tart, sobrang sarap!" Sumandok ng isang kutsara ng tart si Orion sa kinakain niya at isinubo iyon kay Cassian.

Sandaling napatitig si Cassian sa kutsara bago iyon isubo. Medyo kinabahan ako dahil hindi ko alam ang taste niya pagdating sa pagkain.

"Masarap hindi ba?" Cassian chewed the tart meticulously.

"Hmm. Masarap." Sumulyap siya sa akin.

Napangiti ako.

Kahit si Cassian ang may pinaka-malayong loob, natutuwa ako na kahit papaano sinusubukan niyang maging bukas sa akin.

Nakipag-kuwentuhan pa ako sandali kila Orion bago umuwi sa bahay. Sumama na sa akin si ate Digna.

I will finish mom's 3D design, and Laura will visit later.

"Alam niyo, ma'am. Mabuti rin po at nasa Sweden si senyorito Cassian noong nangyari iyon kina senyorito Orion at senyorita Cosette," kumunot ang noo ko at napalingon kay ate Digna.

Naglalakad lang kami pauwi ng bahay. Ang sarap ng simoy ng hangin at hindi pa masiyadong tirik ang araw.

"Bakit naman, ate Digna?" I asked curiously.

"Eh kasi may pagka-basagulero rin po itong si senyorito Cassian noon. Simula nang mawala ang senyor at senyora, madalas na napapaaway si senyorito Cassian. Bago siya grumaduate ilang beses din na napatawag sa prisinto si senyorito Royse at senyor Alfredo," gulat na nabalik ang tingin ko kay ate Digna.

"Seryoso?!" I asked surprisedly.

Cassian is that belligerent? Halata sa itsura niya na may pagka-badboy siya, but I didn't expect that he would fight to the point that Royse and lolo Fred needed to find themselves in the police station!

"Seryoso po! Siguro dahil din sa sakit na naramdaman niya dahil sa pagpanaw ng mga magulang nila kaya naging basagulero ang senyorito. Hindi nga po namin inakala na gugustuhin niyang maging professor eh. Nagulat po talaga kami noong mag-masteral siya." Dumaan sa maraming pagbabago ang magkakapatid, may nakaraan sila na sadyang hindi mo aakalain na parte ng buhay nila.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant