Chapter 39- Gender

9.5K 84 1
                                    

"Don't cry, wife. Cassian will find lychee," pag-aalo sa akin ni Royse. Yumakap ako sa kaniya at napahikbi.

Gusto ko kasing kumain ng lychee at dahil sa paglilihi ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaiyak hanggat hindi ako nakakain noon.

Nag-volunteer si Cassian na siya ang maghahanap dahil ayokong paalisin si Royse sa tabi ko. Kapag kasi humihiwalay siya sa akin lalo akong nagiging emosyonal. Hinahanap-hanap ko ang amoy at yakap niya.

"Damn! I found one!" Narinig namin si Cassian sa kabilang linya. Napasingkot at napataas ang tingin ko kay Royse nang maramdaman ko na nakahinga siya nang maluwag dahil sa narinig.

"I'm sorry, hubby, Cassian. I just can't stop myself from crying," pinunasan ni Royse ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo.

"It's normal, wife. That's part of the pregnancy, you don't have to say sorry." Sinuklay niya ang buhok ko. Nandito pa rin kami sa kama at hindi pa nakakapag-ayos dahil pag-gising na pag-gising ko ay lychee na agad ang hinahanap ng baby namin.

"Ibibili kita ng sampung kilo, Samara." We heard Cassian chuckles. Narinig din namin ang pagtawa ng iba. Naka-group call kasi kami dahil nagpanic si Royse nang makita akong umiiyak paggising niya.

"Oh siya dahil nakakita na si kuya Cassian ibababa ko na. Padating na ang client ko, and my God, kuya Royse. Kumalma ka nga! Akala mo manganganak na si Samara." I can imagine Yanna shrugging her head because of his kuya. Hindi ko na rin napigilan na mapatawa.

"Mabuti at katatapos lang ng operation ko. Ninenerbyos ako sayo, kuya. Akala ko kung ano na ang nangyari kay ate." Maririnig sa kabilang linya ang ingay ng ospital. I pinch Royse's cheek, which makes him pout.

"I'm just worried, okay?"

Nagpaalam na rin si London dahil mag-uumpisa na ang exhibit na pinuntahan niya. Ang kambal naman siguradong nasa klase.

Cassian said he'd be here within five minutes.

Ang laki ng nangyaring pagbabago sa buhay namin simula nang sabihin ko sa kanila na buntis ako. Tuwing gabi bago sila umuwi ng mansiyon ay dadaan sila dito sa bahay para kamustahin kami ng baby namin bitbit ang iba't ibang pasalubong. Tuwing may free time at weekends din ay pupunta sila rito. Maging sila mom and dad halos araw-araw binibisita kami.

Maging si lola Love dinadalhan ako ng mga pagkain.

Isa sa may pinakamalaking ipinagbago ay si Royse. Halos ayaw na niya akong pagalawin dito sa bahay dahil nagiging madalas ang pagka-hilo ko at medyo malala ang morning sickness ko.

My OB told me that it's normal in the first trimester of my pregnancy, pero kailangan ko pa rin daw na mag-ingat at huwag masiyadong papagurin at i-stress ang sarili ko, kaya si Royse hindi ako pinayagan na tumanggap muna ng mga projects. Maging sila dad sinalo na lahat ng trabaho ko sa company kahit sabihin ko na ayos lang ako.

My current pastimes now include reading books, baking, and painting. London gives me a set of paints that I enjoy using. Ang mga bine-bake naman namin ay dinadala namin sa mga orphanage na tinutulungan namin.

During those times when I'm feeling dizzy and having my morning sickness, Royse never leaves my side. He asked Cassian for help with the estate while I'm pregnant so that he could give me a lot of attention. Madalas half-day na lang siya sa trabaho o hindi naman kaya ay dito na lang ginagawa sa bahay ang mga paper works niya.

Kapag naman nahahalata niya na nababagot na talaga ako ay bibigyan niya ako ng magagaan na trabaho tulad ng paggawa ng mga notes sa mga documents na inaayos niya. Pastime din namin ngayon ang paglalakad dito sa subdivision tuwing hapon. Minsan ilalabas niya ako para manood ng cine at magshopping.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora