Chapter 35- Leave

8.1K 68 0
                                    

Mabilis kaming dinala ng nurse sa operating room kung nasaan si Cassian pagpasok namin ng ospital.
 
Naabutan namin sa labas si Jesian na nakayuko habang nanginginig ang mga kamay. Nakasuot pa siya ng surgical gown at puno ng dugo.
 
Mabilis na lumapit si Royse sa kaniya at lumuhod sa harapan niya. 
 
Pinaupo naman muna ni Orion sina Cosette at London na kanina pa umiiyak.
 
Tulala si Yanna nang maupo sa tabi ni Jesian. Tumabi rin ako kay Jesian at hinagod ang likod niya.
 
May doctor naman na umalalay kay lolo Fred dahil medyo tumaas ang dugo niya dahil sa pag-aalala at pagka-bigla dahil sa nabalitaan namin.
 
"W-what happened, Jesian?" Royse's voice is shaking.
 
Nag-angat ng tingin si Jesian. 
 
He's crying.
 
"Kuya Royse," yumakap siya kay Royse. 
 
"Wala akong nagawa, I'm sorry. I-I can't bear to see kuya Cassian in that state," mukhang sinubukan niyang tumulong sa surgery.
 
"It's alright, Jesian. Tell me what happened, h-how's he?" Humarap si Jesian sa kaniya. 
 
Nakita ko ang Pagdating ng dalawang police officers.
 
"He suffered from a bone displacement in the shoulder, requiring surgery to realign the fractured bone, and a tear in his liver that also required surgical repair." Napalunok ako. 
 
Maging si Royse natahimik. Nakita ko si lolo Fred at Orion na tahimik na nagdarasal. 
 
Ano ba ang nangyari, Cassian?
 
"M-magiging maayos lang si kuya Cassian. Alam kong matatag siya. Baka nga pagkatapos ng surgery sabihin pa niya na s-simpleng sugat lang ang natamo niya." Pilit pinapalakas ni Yanna ang loob niya kahit nanginginig ang mga kamay niya.
 
"Mawalang galang na po, Mr. Salguero. Maaari po ba kayong makausap?" Pilit na inayos ni Royse ang sarili at tumayo nang lumapit ang dalawang officers.
 
I also stand up to follow them because I know Royse needs support.
 
We found out that Cassian was involved in a car accident. He was drunk while driving and encountered another vehicle at an intersection. 
 
In an attempt to avoid the collision, his car struck a street light.
 
Wala namang nangyari sa mga sakay ng kotseng nakasalubong niya, they're safe. The other driver is also drunk. Maging ang mga kasamahan nito.
 
Royse needs to go to the station para maayos ang nangyari at makipag-usap sa driver ng kotse kung ano ang magiging legal action sa nangyari.
 
"Can we just send our lawyer for now? Cassian is still in the operating room, he needs us. We will go there when the surgery ends," hinawakan ko sa braso si Royse. Alam ko na hindi niya kayang iwanan ngayon si Cassian.
 
"Puwede naman po, Mrs. Salguero. Sana po ay maging ligtas ang operasyon ni professor Cassian." Ngumiti ako at nagpasalamat bago sila umalis.
 
Hinarap ko si Royse at hinawakan ang pisngi niya. He looks anxious.
 
"Ako na ang tatawag sa lawyer. Maupo ka muna," he looked at me.
 
"Magiging maayos din ang lahat, Royse. Tulad ng sinabi ni Yanna, matatag si Cassian." Nagtitiwala ako sa kaniya.
 
"Thank you, wife. I don't know what to do if you're not here." Ngitinian ko siya at hinalikan. 
 
"Pamilya tayo, Royse." 
 
Imbis na maupo ay tumayo siya sa harap ng operating room at tumitig sa pinto nito. Napabuntong hininga ako bago kuhanin ang cellphone ko at tawagan si Tadeo. 
 
He's the one I know we need right now.
 
"Hello, Tadeo," bati ko ng sagutin niya ang tawag.
 
"Samara? Napatawag ka?" Nagtataka at mahihimigan kaagad ang pag-aalala sa boses niya.
 
Ngayon lang kasi ako tumawag sa kaniya.
 
Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari kay Cassian habang pasukyap-sulyap kila Royse.
 
"Kamusta na si Cassian? Si Royse?" Narinig ko ang pagbukas ng kotse niya senyales na paalis na siya ng bahay.
 
"Under operation pa si Cassian. Ayos naman si Royse, pero alam ko na sobra siyang nag-aalala." Pasado alas siyete na.
 
"Ako na ang bahala sa station. Huwag kayong mag-alala. Pupunta ako riyan kapag natapos ko ang pag-aasikaso rito," nakita ko na tumayo si Orion at umalis. 
 
"Salamat, Tadeo. Ikaw na ang tinawagan ko para hindi na masiyadong mag-alala pa si Royse. Pasensya ka na sa abala," 
 
"Wala ito, Samara. Mabuti nga at ako ang tinawagan mo. Salamat sa tiwala. Ikaw na ang bahala kay Royse, hindi niya lang ipinapahalata pero palagi siyang nag-aalala kay Cassian. Alam mo naman na sa kanilang magkakapatid, si Cassian ang pinakamatigas ang ulo." Nahahalata ko nga iyon. 
 
Ang mga simpleng pagnanakaw niya ng sulyap kay Cassian tuwing magkakasama kami at ang mga pasimpleng pagtatanong niya kung kumain na o kung may lakad ba ito.
 
"Ako na ang bahala, Tadeo." Nagpasalamat ulit ako bago ibaba ang tawag. 
 
Lumapit ako kay Royse at marahang hinimas ang likod niya. 
 
Natauhan siya sa malalim na pag-iisip at lumingon sa akin.
 
"How's it?" Tanong agad niya.
 
"Si Tadeo ang tinawagan ko. Huwag ka ng mag-alala." Inaya ko siya na maupo muna dahil kanina pa siya nakatayo pero ayaw talaga niya. 
 
Nakisuyo ako kila ate Digna para bumili ng kape dahil hindi pa kami kumakain. Alam kong hindi magagalaw ang pagkain kapag iyon ang pinabili ko kaya kape na lang muna.
 
Dalangin ko na maging ligtas at successful ang surgery.
 
Mahigit isang oras na kaming nakatayo ni Royse. Pinapaupo niya ako pero ayaw ko siyang iwan at bitawan ang kamay niya. 
 
Mukhang hindi niya namalayan ang paglipas ng oras kaya nang mapatingin sa relo niya ay napabuntong hininga siya at marahan akong hinila para makaupo.
 
I'm silently praying when ate Digna and the others came back. I thanked them when they gave us the coffee. Sinubukan kong kausapin si lolo Fred na umidlip muna dahil lumalalim na ang gabi pero maghihintay daw siya hanggang sa matapos ang surgery.
 
Tinanong ko kay ate Digna kung nakita niya kung saan pumunta si Orion at sinabi niya na nakita niya ito sa chapel ng hospital kanina at binigyan din ng kape.
 
Hours passed, and we remained silent. Cosette fell asleep due to crying.
 
Mabuti na lang at napilit ni Jesian si lolo Fred na magpahinga sa kuwarto niya rito sa hospital kasama si Cosette dahil ayaw talaga nitong umuwi. He carried her while ate Digna assisted lolo Fred to go to Jesian's room.
 
Nang makabalik si Jesian ay may kasama na siyang isang lalaki. 
 
"Royse," napalingon sila rito. 
 
I think they know him.
 
"Adriel," tinapik niya si Royse sa balikat.
 
"Nabalitaan ko ang nangyari. Ang tigas talaga ng ulo, hindi man lang ako inaya para may kasama siya," halata sa boses nito ang pag-aalala.
 
Napalingon siya sa akin. Ang lamig tumingin ng mga mata niya. 
 
"You may be Samara, I'm Adriel. Cassian's buddy." Tinanggap ko ang kamay niya ng ilahad niya iyon. Napansin ko ang tattoo niya sa may inner forearm na rose. May nakasulat sa tangkay ng rose na hindi ko masiyadong nabasa kung ano.
 
"It's nice to meet you, Adriel." Nakita mo, may kaibigan naman pala siya pero kung umasta palaging mainit ang ulo na akala mo ay walang nakakaintindi sa kaniya. 
 
Isa pa siya na rin ang nagsabi na magkaibigan na rin kami. Dapat hindi niya sinasarili ang mga bagay. Parehong-pareho talaga sila ni Royse. Lagot talaga siya sa akin pagnaka-recover siya.
 
Sabay-sabay kaming napatayo ng makita namin ang paglabas ng doctor sa operating room.
 
Mabilis namin siyang nilapitan para malaman ang resulta ng operasyon.
 
"Doc, kamusta po si kuya Cassian?" Si Jesian ang naunang nagtanong. Tiningnan kami ng doctor bago ngumiti.
 
"Ligtas na siya. Sa ngayon kailangan nating imonitor ang lagay niya. Dadalhin siya sa recovery room. Maghintay na lang tayo ng ilang oras bago siya magising." Yanna almost fell. Mabuti na lang at nasalo siya kaagad ni Adriel.
 
My chest slowly lightens. Nakita ko rin ang pagpikit ni Royse at pagtingala dahil sa narinig. 
 
Maging si London napaiyak sa mabuting balita.
 
"Thank you so much, doc! Thank you!" Yumakap si Jesian sa doctor. Napatawa ito at tinapik sa likod si Jesian.
 
Nagpasalamat din kami ng ilang ulit bago ito magpaalam.
 
Yumakap sa akin si Royse. I hug him as tightly as I can. Alam ko na lumuwag ang pakiramdam niya ngayong nalaman na nasa maayos na kalagayan na si Cassian.
 
"I told you. He can do it." He buries his head in my neck.
 
"He did it. He did it, wife." 
 
Tumakbo si Yanna sa stretcher ng ilabas si Cassian para dalhin sa recovery room. Puno siya ng galos at sugat. Wala pa rin siyang malay.
 
"Kuya Cassian, thank you. Thank you for being strong." Gusto sanang yumakap ni Yanna pero pinigilan siya ng nurse dahil bagong opera pa lang si Cassian.
 
Lumapit din si Royse at napangiti ako ng halikan niya ito sa noo.
 
"Great fight." 
 
Nang madala si Cassian sa recovery room ay dumating sila nanay Ofelia na may dalang pagkain at mga bihisan.
 
Tinulungan ko silang mag-ayos para makakain na kami. Si Royse hindi umaalis sa tabi ni Cassian. Nakaupo lang siya sa silya na nasa tabi ng kama nito.
 
May dalawang sofa at isang table set dito sa kuwarto dahil presidential room ang kinuha ni Royse. Para na itong bahay kaya kumpleto ang mga gamit.
 
Bumalik na rin sina Orion, Cosette, at lolo Fred dahil nabalitaan nila na tapos na ang surgery. The twins are crying and holding Cassian's hands.
 
"Kumain na muna tayo," inaya ko sila ng matapos namin ang paghahanda ng dinner. It's almost ten.
 
Ayaw pa na pumayag si Royse dahil babantayan niya raw si Cassian kahit dito naman din kami kakain sa kuwarto. Nag-volunteer lang sina Adriel at nanay Ofelia na sila muna ang titingin kay Cassian dahil nakakain naman na raw sila bago umalis.
 
Orion led the prayer before we ate. We will stay here all tonight. Sinubukan silang kausapin ni Royse na umuwi muna pero hihintayin daw nila na magising muna si Cassian.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora