Chapter 10- Unexpected Call

6.9K 92 1
                                    

Maagang umalis si Royse dahil sinundo siya ni lolo Fred. Nagkaroon yata ng problema sa inventory.

Dinaanan naman ni Orion si Cosette pero ayaw nitong sumabay sa kaniya kaya nag-volunteer na ako na ihatid siya dahil pupunta naman ako ng company.

"Try to talk Orion, Cosette. He's sorry for what happened." Nakita ko na mukhang hindi nakatulog ng maayos si Orion. Marahil sa pag-iisip sa naging pagtatampo sa kaniya ni Cosette.

"I'll try, ate Samara." She's now busy reading her notes.

Ibinaba ko siya ng university. She gave me a peck before going out.

Hinintay ko muna siyang makapasok bago ako umalis. Sana ay magka-ayos na sila ni Orion. Tulad ng itinuro sa kanila ni Royse, hindi maganda na pinapatagal ang isang away. Gaano man ito kababaw o kalalim.

My secretary told me that dad was expecting me in his office when I arrived. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko sa opisina bago ako magpunta kay dad.

Naabutan ko siya na kausap si mom habang may tinitingnan na mga papers.

"Anak, kamusta ka na?" I kissed their cheek.

"Ayos naman, dad. Kamusta ang trip niyo sa Tagaytay?" I sat down on the sofa in front of them.

"That's why we called you here, anak," kumunot ang noo ko. They handed me the papers they were looking at earlier.

"Do you remember Mr. Caballero?" I saw the name dad mentioned on the paper.

"Opo, naging client natin siya about three months ago," nasa papers ang information ng design ni mom.

"He wants you to make the 3D design of the gallery. Is it okay with you? I know you still have a lot of work," I quickly skimmed through the paper.

"It's okay, mom. Isisingit ko na lang." Pamilyar naman na ako sa design approach niya.

"Thank you, anak. Ipapakuha ko ang ilang documents sa office mo para ako na ang tumapos." Nginitian ko si dad at nagpasalamat.

Bumalik ako sa opisina ko pagkatapos ng sandaling kamustahan kila dad at inumpisahang mag-trabaho.

Kaya lang ay bigla kong naalala na ite-text ko nga pala si Royse para paalalahanan na kumain ng breakfast at uminom ng vitamins niya. Hindi na kasi siya nakapag-breakfast kanina dahil nagmamadali sila ni lolo Fred.

I messaged him before facing the pile of documents on my table.

Kaya lang ay hindi ko pa halos naibababa ang cellphone ko ay bigla na itong tumunog.

I've already eaten breakfast with lolo and drank my vitamin. Don't worry. Thank you for reminding and sending Cosette to the university.

Have a great day, Samara. I'll see you at home.

Dahil sa mensahe niyang iyon, hinarap ko ang trabaho ko nang may ngiti sa mga labi ko.

Pagkatapos ko sa mga documents na nasa table ko ay pinag-aralan ko naman ang papers na ibinigay ni mom. Isa si mom sa mga hinahangaan kong arkitekto, not just because she's my mother, but also because of her talent.

She taught me a lot of techniques in structural designing kaya naintegrate ko ang mga iyon sa designs ko.

Naitayo ang architectural firm namin noong ikasal ang parents ko, dad is an interior designer and my grandparents supported them when they were still with us kaya nagawa namin itong imaintain. Nagkaroon lang talaga ng problem kaya naipakasal ako kay Royse, which I do not consider accidentally nor destiny.

Time can only tell why we meet and if we will last.

It aches.

The thought aches.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon