Chapter 15- Angel Miracle

8.3K 95 0
                                    

Lolo Fred brought me into a room that appeared to have been untouched for quite some time. It was evident that this room belonged to someone younger, as the bed was adorned with a collection of stuffed toys, and the walls were painted in a vibrant shade of pink.

Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kuwarto, and I exclaimed when I saw a painting of a young girl. Kahawig na kahawig siya ng magkakapatid at magkamukhang-magkamukha sila ni Royse ng mga mata.

She has a bright smile on her face.

Dahan-dahan akong lumapit sa painting at sa mga picture ledge na nasa ibaba nito kung saan naka-display ang mga pictures na ngayon ko lang nakita.

They were younger in the pictures. Kasama pa nila ang mga magulang nila at baby pa ang batang babae. I instinctively held onto the drawer to seek support as my chest tightened with the thousand thoughts and possibilities that crossed my mind.

"W-who's she, lolo Fred?" Naglakas loob akong itanong.

Kinuha ni lolo Fred ang frame na buo pa silang pamilya.

"She's Miracle, our Miracle," kita ko ang lungkot sa mga mata ni lolo Fred.

"Miracle po?" Humarap siya sa akin.

"Maupo tayo, hija," tumango ako at inalalayan siyang makaupo kahit na maging ako rin ay nanghihina.

"Angel Miracle, my youngest apo. Ang pinaka-bata sa magkakapatid," nahigit ko ang paghinga ko.

Mayroon pa silang bunsong kapatid maliban sa kambal?

W-where is she?

I force my mind to think positively, but my heart is opposing it.

"At pinaka-maagang kinuha ng langit." Pawang huminto ang paghinga ko.

Nanlalamig ang mga kamay na muli akong napatingin sa painting.

Walang mga article na nakapag-sabi na may bunso pa silang kapatid.

No one knows her aside from their family.

Bakit siya maagang nawala? Paano? Kailan pa?

"A-ano po ang nangyari, lolo?" Hindi ko napigilan ang mapa-piyok.

Pawang may pumipiga sa puso ko. Kung gayon higit pa pala ang sakit na baon nila maliban pa sa pagkamatay ng mga magulang nila, lalo na si Royse.

"Our baby was named Miracle because she's a literal Miracle. Nasa gitna noon ng problema ang kumpanya at ang pagsasama nina Ana at Pablo," hinawakan ni lolo Fred ang frame.

She's also a Miracle child?

Natatandaan ko ang naging reaksyon ni Royse noong sinabi ko na isa rin akong miracle child. Ibig sabihin magkapareho pala kami ng bunso nila.

"When we found out that Ana was pregnant, binago ni Miracle ang lahat. Unti-unting naging maayos at mas malago ang kumpanya. Higit sa lahat, naging maayos ang pagsasama ng mag-asawa. They learn to forgive and understand each other deeper, mas pinatatag sila ng pagbubuntis ni Ana. At noong isilang siya, napuno lalo ng buhay at kulay ang pagsasamahan namin. Higit pa nilang magkakapatid," malungkot siyang napangiti.

"Pero nagbago ang lahat simula nang maaksidente at mawala ang mga magulang nila. Maagang naulila ang mga apo ko, labis silang nasaktan sa nangyari. Lubos silang naapektuhan, maging ako naulila sa mga anak. Sa kabila ng lahat, pinili nilang magpatuloy, lalo na ni Royse. Kailanman ay hindi ko siya nakitang pinanghinaan ng loob. Sa edad na labing walo ay tumayo siyang ama at ina para sa mga kapatid niya. Naging maayos naman ang nangyari sa mga unang taon, pero muli kaming sinubok nang malaman namin na may iniindang sakit si Miracle. At her young age she suffered lupus, napaka-rare dahil sobrang bata pa niya,"

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now