Chapter 37- Pregnant

9.5K 84 0
                                    

"Don't force yourself. Lalo ka lang hindi gagaling niyan," napabuntong hininga si Cassian at sinunod ang sinabi ni Royse. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at hinayaan si Cosette na subuan siya.

One week after his operation, Cassian insisted on going home, even though his doctor advised him to stay at the hospital for a couple of weeks more. Nagpumilit si Cassian kaya walang nagawa ang doctor niya. The doctor considered Jesian's presence sa pagpayag nito na madischarge si Cassian.

Marami rin itong ipinagbawal na mga activities muna, including surfing. Baka abutin ng isa hanggang tatlong buwan bago siya makabalik sa pagsu-surf, as he needs to undergo physical therapy dahil sa mga natamong injuries.

"Kaya ko naman kasi kahit papaano. Hindi naman ako lumpo," I saw Cassian pout before eating the food Cosette was giving him.

"Wala naman nagsasabi na lumpo ka. Nag-aalala lang kami na baka mapuwersa ang balikat mo. Ayaw mo namang mag-stay sa ospital." Paliwanag ni Royse at inabot sa kaniya ang binalatan nitong saging.

Their relationship completely changed. Unlike before, where they barely acknowledged each other's presence and Cassian treated Royse as if he were invisible, ngayon ay mas maingay pa sila sa kambal. Paano'y ang daming reklamo ni Cassian. Hindi talaga siya sanay na naka-depende sa ibang tao kaya kung kaya niyang gawin ang isang bagay gusto niya na siya na ang gumagawa kahit pa napupuwersa ang balikat niya. Mabuti na lang at narito si Jesian para paliwanagan siya at si Royse para pigilan siya.

During times when Royse tries to stop him from doing things he wants to do, he willingly follows him without irritation. Napakalaki talaga ng ipinagbago niya.

Nakita ko rin na sa kabila ng mga nangyari hindi sila nagkaroon ng pagka-ilang sa isa't isa. They seem natural at sobra talaga ang closeness. Mukhang ganito sila noon.

"Even the food. Ang daming bawal." Hindi ko na lang napigilang mapailing ng kuhanin nito kay Royse ang saging at magreklamo.

"Aba'y apo, kung gusto mong gumaling agad kailangan mong sundin ang lahat ng bilin ng doctor." Hindi na napigilan ni lolo na magkomento.

"Baka naman sa gamot magreklamo ka rin, kuya Cassian?" Napalingon kami kay Jesian na kapapasok lang ng kusina dala ang mga gamot ni Cassian.

"Wala naman akong choice. Tss." Pagsuko niya na tuluyan ng nagpatawa sa amin. Para siyang isang bata na napagkaisahan.

"Oh siya, maiba ako. Dito ka lang ba sa mansiyon ngayong araw, Samara apo?" I swallow the food I'm eating before answering lolo Fred's question.

Naiilang ako sa kamay ni Royse na nasa hita ko. Tapos na kasi siyang kumain at walang ginawa kung hindi panoorin ako.

"Opo, lolo. Tutulong muna po akong mag-decorate dito bago kami mag-decorate sa bahay. Para na rin po matingnan-tingnan ko si Cassian," naramdaman ko ang lalong pag-akyat ng mga kamay ni Royse kaya mabilis ko iyong pinigilan at nilingon siya.

He's frowning.

"Nariyan naman sila nanay Ofelia para tingnan si Cassian, wife. Ako na lang ang bantayan mo," napatawa sila.

"Ano ka baby?" Tumaas ang kilay niya.

"Am I not your baby?" I was taken aback.

I tried to speak, but I closed my mouth when I couldn't find the right word.

Lalo silang napatawa.

"Nagseselos na ako, Samara." I saw how Cassian rolled his eyes dahil sa inaasal ni Royse ngayon.

"Now I know why the two of you are destined." Napapailing siya.

Napakamot na ako sa noo ko dahil hindi ko talaga lubos akalain na may ganitong side si Royse.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now