Chapter 20- She's Back

7.5K 75 2
                                    

I leaned back in my chair. I'm here in the garden, working on a design, but I find myself getting distracted repeatedly.

I feel uneasy and down.

Pagkatapos magpakita ni Camilla kagabi sa birthday ni lolo Fred pagkalipas ng maraming taon ay mabilis na hinawakan ni Royse ang kamay ko at nagpaalam na uuwi na kami. Sinubukan siyang pigilan ni Camilla pero tuloy-tuloy siya.

Simula noong makauwi kami kagabi hanggang kanina pag-alis niya ay hindi ako nagtanong ng kahit ano. Wala rin naman siyang ibang sinabi. He acts and treats me the same way, but I can sense that his thoughts are in a state of disarray and confusion.

Masakit para sa akin na makita siyang ganito, because I know, Camilla still has an effect on him.

Natatakot ako na magtanong. Natatakot ako na gumawa ng hakbang para makausap siya tungkol kay Camilla.

Alam ko na naging malaking parte ito ng buhay niya. Kahit maging sa mga kapatid niya. Nakita ko kung paano sila nagulat sa biglaang pagdating nito.

I want to ask Royse a lot of questions, but I don't have the courage yet to ask him. Humahanap rin ako ng tamang tiyempo dahil hindi ganoon kadali na i-open ang topic.

When he asked me about Gustav, I was able to answer him because I have already moved on and the wounds in my heart have already healed. Kaya lang sa sitwasyon niya kay Camilla, hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang naka move on.

Umalis ito ng walang paalam. Hindi ko alam kung nagkaroon pa ba sila ng contact ni Royse matapos niyang umalis. Kung ako maraming tanong tungkol sa kaniya, paano pa si Royse?

Alam ko na maraming bagay ang gumugulo sa isip niya ngayon na nakita niya ulit si Camilla, mga bagay na tanging ito lang ang makakasagot.

Masakit para sa akin na makita na mayroon pa rin itong epekto sa kaniya. When I realized that I had fallen in love with Royse, I knew in my heart that I wanted to build a family with him. I want to be with him until we grow old, but how can I do that now when I'm seeing him like this?

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Matamlay ko iyong sinagot ng hindi tinitingan kung sino ang tumatawag.

"Samara! Oh my god! That's Camilla?!" Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone ko sa biglaang pagsigaw ni Laura.

"Y-yes. She's back," gusto kong isipin na wala siya kagabi. Na hindi ko siya nakita at hindi ko nakita sa mga mata ni Royse ang pangungulila, pero alam ko na sarili ko lang ang lolokohin ko kapag nagkunwari ako.

"Eh kaya naman pala in love na in love si Royse dati!" Kumunot ang noo ko at naramdaman ang pagtaas ng inis dahil sa sinabi niya.

"Kung tumawag ka para sabihin na kaya siya nagustuhan ni Royse dahil sa pagkamaamo niya, ibababa ko na, Laura. Sa kanya mo na lang iyan sabihin," nag-amba akong ibababa ang tawag ng pigilan niya ako.

Narinig ko ang pagtawa niya.

"Chill ka lang haha! Ang sarap mo talagang inisin, Sol! Sayang wala ako riyan siguradong namumula na ang mga pisngi mo. Oo nga at maamo ang mukha niya, pero aba siyempre mas maganda ka sa kaniya. Walang tatapat sa taglay mong ganda. Consistent prom queen kaya ang best friend ko noong high school," pagmamalaki niya kaya napanguso ako.

"Seryoso na, Laura. Ano pala ang nangyari pag-alis namin ni Royse kagabi?" Sandali siyang natahimik.

"Actually, nagulat ako nang malaman ko na umalis na kayo ni Royse. Magtatampo na nga dapat ako dahil hindi ka man lang nagpaalam. Then I saw Camilla, nalaman ko lang na siya iyon dahil sinabi ni attorney. Alam ko naman na tatanungin mo ako kaya nagsumikap na akong mag-stay para sayo. Kinamusta niya ang mga kapatid ni Royse, nagulat din sila sa pagdating niya pero ramdam ko ang tension sa pagitan nila. Hindi ko lang alam ang mga napag-usapan nila dahil medyo malayo sila, but I can see that she's close to them," ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon