Special Chapter

8.5K 89 11
                                    

"Hubby, I can still pee on my own!" Hindi ko na napigilan pa na mapatawa kay Royse nang magtangka siya na samahan ako sa banyo para umihi.

Nakita ko ang parents ko at sila lolo Fred na natatawa na lang din kay Royse.

Napakamot siya ng ulo at binitawan ako.

"Fine, just please be careful." Hinawakan ko ang pisngi niya at tumango bago ipagpatuloy ang pagpasok sa banyo ng hospital room ko.

Kabuwanan ko na ngayon at halos kaunting araw na lang ang hinihintay namin para makapiling ang anak namin.

I've been having continuous contractions the past few days that's why Royse decided for us to wait for my delivery here at the hospital so that my doctor can monitor my condition.

Every time it is going to happen, Royse is always beside me to hold my hand and give me strength. Sobra ang sakit ng huling contraction ko at akala ko talaga ay manganganak na ako.

During those times, all I can see in Royse's eyes are fear and worries. Palagi siyang humihingi ng sorry sa tuwing nasasaktan ako at nahihirapan kahit na wala naman siyang kasalanan.

He feels guilty daw because I'm the only one bearing all the pain, so I keep telling him that it is part of my motherhood. Isa pa hindi naman siya nagkukulang sa responsibilities niya, sobra pa nga yata.

Simula kasi noong magkaroon ako ng contraction ay hindi na talaga siya umalis sa tabi ko. Iniwan muna niya ang trabaho sa estate kay Cassian para mabantayan kami at maalagaan.

Napaka-suwerte ko nga kung tutuusin dahil nagkaroon ako ng responsible husband na katulad niya. He always makes me feel comfortable, even during times when I can't control my mood swings and get annoyed with him.

Never have I felt the weight of carrying Daven alone because he bears the load with us. He's consistently present, ensuring we have everything we need. He makes my pregnancy feel lighter.

Mas naging close rin sila ni dad dahil palagi siyang humihingi ng advice sa kaniya at nagtatanong ng mga bagay na hindi niya alam. He's been learning how to become a father.

Dad once told me that I found a great man, and I know I really did.

Hindi ko pa halos nararating ang toilet bowl nang maramdaman ko na naman ang muling pagsakit ng tiyan ko. Napahawak ako sa sink para kumuha ng suporta.

I was about to take a long deep breath to control the pain when my eyes dilated as I saw water running down my legs.

My water broke!

Lalo akong nakaramdam ng kakaibang sakit kaya lalo akong napakapit sa sink.

"Royse!" I called out when the pain was slowly enveloping my whole body.

Walang minuto ang lumipas ng marinig ko ang kalabog ng pagbukas ng pintuan ng banyo at makita si Royse na pumasok puno ng pag-aalala.

"What happened, wife?!" He started to panic when he ran towards me.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa mga binti ko at mapagtanto na manganganak na ako.

"Royse! It hurts!" Nakasunod sa kaniya ang iba na nagulantang din nang masaksihan kung ano na ang nangyayari.

Mabilis akong binuhat ni Royse para ilabas ng banyo.

"Hold on, wife. Call the doctor!"

Hindi ko na halos makita ang nangyayari sa paligid ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

I feel like the pain is killing me.

"Wife, hold my hand. Nandito lang ako sa tabi niyo! The doctor is here!" Naramdaman ko ang paghiga niya sa akin sa hospital bed.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon