Chapter 19- In Love

7.6K 84 6
                                    

Today is lolo Fred's 65th birthday. His birthday takes place here in the garden of the subdivision and was attended by relatives, close friends, and business associates.

Nakikita ko na masaya si lolo Fred na narito ang mga taong mahalaga sa buhay niya. Actually, this is a surprise birthday dahil ang alam lang ni lolo ay kakain kami sa labas.

Tinulungan namin sila Yanna na magplano.

Royse is holding my waist as we greet the visitors. Karamihan sa mga bisita ay pamilyar sa akin dahil nakita ko na sila noong umattend sila sa kasal namin ni Royse.

Maya-maya lang din ay dumating na sila mom and dad kasabay si Laura. Yumakap ako sa kanila nang mabati nila si lolo Fred.

Yumakap din si Royse kay mom at nakipag-kamay kay dad. His siblings also greeted my parents and Laura. Minsan lang magkita-kita sila mom at ang mga kapatid ni Royse but I can feel their warm welcome to them.

"My daughter's blooming, huh?" Dad looks at me from head to toe.

I'm wearing a white dress.

"Hiyang na hiyang kay Royse." Dagdag pa ni mom. Pinanlakihan ko sila ng mga mata.

"Mom! Dad!" Saway ko dahil nasa harapan pa namin si Royse at ang mga kapatid niya.

"Naku tita, tito. Sinabi niyo pa." Kantiyaw pa ni Laura na tinawanan nila. Maging si Royse ay nakitawa kaya pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Palagi na lang akong napapagkaisahan.

May tinabihan sila mom na kakilalang investors. Tumabi naman kami ni Laura at Royse sa table ng mga kapatid niya.

Nasa harapan si Lolo Fred dahil siya ang spotlight ngayong gabi. Kanina pa nga siya tawa ng tawa sa mga pinagsasasabi ng host.

"May mga palaro raw mamaya! Sali tayo Orion!" Pag-aaya ni Cosette. Lalo itong nabuhayan.

"Ikaw na lang Cosette. Alam mo naman na hindi ako magaling sa mga ganyan,"

"Sige na, ang mahalaga naman sumali tayo. Para kay lolo!" Pamimilit pa nito.

"Hay naku Cosette, si ate London muna ang ayain mo. Natrauma na ako noong huli tayong sumali sa ganiyan." Napanguso ito sa pagtanggi ng kakambal.

"Parang si Cassian gustong maglaro," pinigilan ko ang pagtawa nang gulat na mapalingon sa akin si Cassian na kanina pa tahimik na kumakain.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Oo nga! Kuya Cassian, maglaro naman tayo. Ikaw na lang ang hindi ko nakikita na naglalaro sa atin. Si kuya Royse sumali na one time," napalingon ako kay Royse.

Naalala ko ang sinalihan namin na laro noong nag-honeymoon kami.

"Wala ako sa mood, Cosette. Si London muna ang ayain mo," napatingin kami sa stage nang sabihin ng host na susunod na ang laro.

Napapakamot tuloy ng noo si London na siyang tinuturo ng mga kapatid.

"Eh pero ikaw ang gusto kong makita na maglaro. Sige na kuya Cassian, please!" Nag-prayer hand pa si Cosette sa harapan ni Cassian kaya palihim akong napatawa, kaya lang ay mukhang nakita niya iyon kaya napalingon siya sa akin.

"Oh sige, baby. Pero sa isang kondisyon," halos mapatalon si Cosette sa tuwa.

Bigla naman akong napa-ayos ng upo nang tumingin siya sa akin at ngumisi. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Ano na naman kaya ang pinaplano niya?

"Maglalaro rin dapat si Samara." Nanlaki ang mga mata ko.

Sinabi ko na nga ba at may plano siya!

I slowly turned to Cosette, who was giving me puppy eyes while looking at me now.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now