Chapter 14- Allergy

8.7K 97 0
                                    

Sumabay na si ate Digna kila nanay Ofelia para mag-grocery kaya ako na ang nagluto para sa tanghalian namin.

Dinamihan ko na ang luto para makapagdala ako sa mansiyon. Maaga kasi na uuwi sina Royse at lolo Fred ngayon kaya sa mansiyon na kami kakain.

Chicken curry at nilaga ang niluto ko. I follow mom's recipe dahil iyon ang alam kong lutuin.

I'm getting used to our schedule. Nakasanayan ko na ang mga responsibilities ko hindi lang bilang asawa ni Royse kung hindi bilang ate na rin ng mga kapatid niya.

Mom also emphasized the importance of giving attention to the things and people surrounding Royse and me. I will never forget that. I cherish every reminder she gives and the lessons I'm learning from the people around us.

I have seen and witnessed my parents' relationship throughout the years. Marriage is not perfect. They argue, and my mom even left the house once. However, what I admire about their union is that despite the challenges and disagreements they faced in their married lives, they never grew weary of working on their relationship for the sake of our family.

Pinatatag sila ng mga pagsubok.

Bigla ko tuloy naisip ang parents ni Royse, siguro ang dami ko rin na matututunan kung kasama pa namin sila ngayon.

Nagawa nilang mapalaki ng maayos at may matatag na pananagutan si Royse. Alam ko na kahit papaano nangungulila rin si Royse at ang mga kapatid niya sa mga magulang nila.

Noong dumaan kami sa bahay kahapon si Royse pa ang nag-insist na bumili ng mga pasalubong para kina mom and dad.

Magaan ang pakikitungo niya sa parents ko at ramdam ko na pinapahalagahan niya sila at itinuturing bilang pangalawa niyang mga magulang.

I always feel a tingling sensation in my heart kapag nakikita ko ang reaksyon niya sa tuwing niyayakap siya ni mom at hinahalikan sa pisngi. Mama's boy siguro siya.

I was slicing the ingredients when I heard the doorbell ring.

Iniwan ko muna sandali ang ginagawa ko para tingnan kung sino ang nasa labas.

Lumawak ang ngiti ko nang makita ang kapitbahay namin.

"Mrs. Johnson, good morning. Tuloy po," nilakihan ko ang bukas ng pintuan para patuluyin siya.

May dala siyang halaman na sa palagay ko ay bonsai.

"Good morning, Samara hija. Hindi ba ang sabi ko lola Love nalang ang itawag mo sa akin," inalok ko siya ng maiinom but she refused.

"Oo nga po pala, pasensya na, lola Love," nasanay kasi ako na tawagin siya sa apelyido noong mga unang araw namin dito.

"Ayos lang, hija. Namili kasi ako ng mga halaman kahapon, alam mo naman na mahilig magtanim ang lola. Habang namimili nakita ko itong bonsai at naalala kayo ni Royse, since hindi ko pa kayo nabibigyan ng regalo sa kasal at paglipat niyo rito, I bought this for you," Inabot niya sa akin ang bonsai na nakalagay sa paso.

"Nag-abala pa po kayo, lola Love. Thank you po, ang ganda po." Pinagmasdan ko ang bonsai.

Itatabi ko siguro ito sa lavender namin na nasa kusina.

"Bonsai symbolizes new beginnings and deep understanding kaya iyan na rin ang napili ko. I pray for a happy and strong marriage for you and Royse." I'm thankful that we have a neighbor with care and tenderness.

Lola Love is in her 60s. She's been a widow for almost fifteen years. Nakapag-asawa siya ng isang Amerikano but she chooses to live here.

Biniyayaan sila ng apat na anak. Yung dalawa nasa America at yung dalawa pa ay kasama niya sa bahay.

Marrying The Salguero's Heir (Salguero Siblings Series #1)Where stories live. Discover now