Chapter 3

83K 1.8K 90
                                    

Umalis din naman sila kaagad pagkatapos ng kainan at ilang kamustahan. Naiintindihan nilang pagod kami sa byahe at kailangan din naming magpahinga. Nangako naman silang babalik kinabukasan. Hindi ko na inaasahan iyon kaya naman hinayaan ko ang aking sarili ng gumising ng tanghali.

"Elaine. Nasa ibaba ang mga pinsan mo..." gising sa akin ni Mommy.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking unan. "Bakit daw po Ma?" inaantok na tanong ko pa, Grabe, pagod pa din ako dahil sa byahe.

Naramdaman ni Mommy na hindi ako bumangon kaya naman hindi pa din niya ako tinigilan. "Sige na at babain mo na ang mga iyon" natatawang sabi nito.

"Opo" sagot ko. Kahit wala pa din akong planong gumalaw.

Ilang minute pa at..."Baby"

Malambing na tawag ni Mommy, Kaya naman kahit nakapikit pa ay umupo na ako para ipakitang gising na ako.

Binuksan ko ang aking isang mata at tsaka tiningnan ang orasan sa aking bed side table. Past eleven na, kaya naman pala.

Wala sa sarili akong bumangon at hindi na inalintana ang magulo kong buhok. Naka suot lang din ako ng white spaghetti strap sando at pajama. Pagkabukas ko ng pintuan ay narinig ko na kaagad ang maingay na bunganga ni Marcus. Malapit na ako sa hagdan para makababa ng may humarang sa aking daraanan. Muntik pa nga akong mapasubsob sa matigas na dibdib nito. Hindi ko man nadama ay alam ko na kaagad na matigas, isang tingin pa lang.

"Ano ba yan..." iritadong daing ko habang pumupungay pungay pa din ang aking mga mata. Nakakainis! umagang umaga nakaharang!

"Shit..." rinig kong mumunting daing nito. Nang marinig ko ang boses niya ay kaagad akong napatingala at napaayos ng tayo.

"K...kuya Axus" nahihiyang sambit ko at lubos akong nagsisi dahil hindi man lang ako nagabalang magayos.

Matalim siyang tumingin sa akin. Ramdam ko ang kanyang pagkainis na para bang may nagawa akong hindi niya nagustuhan. Eh bakit parang ako pa ang may kasalana ngayon? Siya nga itong umagang umaga ay paharang harang sa daraanan ko.

"Damn it Elaine. What the hell are you thinking? Bababa ka talaga nay an lang ang suot a wala man lang bra?" mahina pero madiing singhal nito sa akin.

Kaagad nanlaki ang aking mga mata. Bumama ang tingin ko sa aking damit at nakumpirma nga iyon. Shocks! Wala nga! Agad kong itinakip ang dalawang braso ko dito.

"Bastos!" Singhal ko sa kanya at nagtatatakbo pabalik sa aking kwarto.

"Sino kaya ang bastos sa ating dalawa?" mapanuyang tanong niya na narinig ko bago pa malakas na sumara ang aking pintuan.

Halos bugbugin ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung makakaya ko pang humarap sa kanya pagkatapos nuon, bakit naman kasi sa dami ng pinsan ko ay siya pa ang nakakita? Nakakainis talaga! Dahil alam kong magtataka silang lahat kung bakit hindi ako bababa ay ginawa ko pa din kahit labag sa aking loob. Dahan dahan ang ginawa kong lakad. Shocks! para akong matutunaw sa kahihiyan. Pagkababa ko ng hagdan ay nadatnan ko sila sa may dinning, at kumakain na. Kaagad dumapo ang tingin ko kay Kuya Axus na todo ang pagaasikaso na natatanggap mula kay Mommy.

"Oh! andyan na ang ating Princess!" natatawang salubong sa akin ni Marcus.

Dahil sa ginawang paganunsyo ni Marcus sa aking pagdating ay nakuha ko ang tingin nilang lahat. Imbes na sa aking mukha tumingin si Kuya Axus ay mas naunang bumaba ang tingin niya sa aking bandang dibdib. Damn him!

"Better..." he mouthed. Bago siya tumingin sa aking mga mata at umirap pa.

Napanguso ako dahil sa kanyang ginawa. Nakakainis siya!

A Sweet Mistake (HFS #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora