Chapter 15

35.8K 724 43
                                    

"Ano bang problema mo?" kunwaring natatawa tawang tanong ko sa kanya. sabay hampas pa sa braso niya.

"Nothing. I just wondering kung nagiisip ba ang gumawa sayo niyan" mapanuyang tanong niya sa akin. Bayolente akong napalunok.

Sandali akong nabato."Oh baka naman pati ikaw nasarapan din..." nandidiring tanong niya sa akin. Napakurap kurap ako dahil sa takot. Parang isinampal iyon ni Marcus sa akin.

"Marcus!" sabay na sigaw ni Carol at Kuya Axus na ngayon ay nagmartsa na palapit sa amin. Naginit ang magkabilang gilid ng aking mga mata, hindi ko alam ang aking gagawin. Bigla akong nilamon ng takot.

"Ano bang pinagsasabi mo!?" Galit pero mahinahong tanong ni kuya Axus dito.

Ngumisi si Marcus at tumitig sa galit na si Kuya Axus. "Bakit, may kasalanan ka ba dito?"

Tumalim ang tingin nilang dalawa sa isa't isa, nagigting ang pang nito bago siya humakbang palapit kay Marcus. "What the fuck are you talking about. Diretsahin mo ako!"

"Matalino ka naman ah...Alam kong alam mo na ang tinutukoy ko" seryosong sabi ni Marcus at mabilis na sinangga si Kuya Axus.

Lalagpasan na sana niya kami ng may iniwan pa itong mga salita. "Family first, don't let your stupid feeling ruin what we have now" madiin sabi niya hindi lang para dito kundi para sa akin din ng sandali niya akong sinulyapan.

Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Sinubukan akong aluin ni Kuya Axus ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng chance na mahawakan ako. Mabilis akong tumakbo paalis duon.

"Baby!"

"Elaine!"

Magkasabay na tawag nila sa akin ng hindi ko pinansin. Gusto kong umalis duon para hindi nila makita ang pagiyak ko. Tinakbo ko ang kung saang parte ng isla.

Tuluyan akong napaluhod sa buhangin ng manghina ako. Bumuhos ang aking mga luha dahil sa takot. Mahal ko siya, alam kong mali pero minahal ko siya. Tama si Marcus, masisisra ang pamilya namin sa oras na may iba pang makaalam nito. Gusto ko na siyang kalimutan, pero dahil sa mga ipinapakita niya ngayon at sinabi niya sa akin ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

Nagulat ako ng may yumakap sa akin. "Damn baby, don't cry" pagaalo niya sa akin. Mabilis akong kumawala sa kanyang yakap at lumayo sa kanya.

Gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata dahil sa aking ginawa. "Iwan mo muna ako, please" pakiusap ko sa kanya.

"No baby. Baka kung mapano ka" ramadam ko pa ang pagiging uneasy niya dahil sa kalasingan.

Marahan akong umuling para pigilan siya sa paglakad palapit sa akin. "Kaya ko ang sarili ko. Please iwan mo muna ako" pagmamakaawa ko sa kanya. Gusto kong mapagisa, gusto kong makapagisip. Hindi ko magagawa iyon kung nandito siya.

"No. Sasamahan kita..." matigas na sabi niya at walang pakundangang lumapit sa akin at agad akong niyakap.

"Just tell me, you love me too, baby...i'll fight for us" desididong sabi niya kasabay ng lalong paghigpit ng yakap niya sa akin na hindi ko magawang gantihan.

Dahan dahan ko siyang tiningala at nakita ang pamumula niya ng kanyang mga mata. Nagbunyi ang kalooban ko pero hindi pwede. May pamilya kami. May pamilyang masisira kung itutuloy namin ito. ,

"Hindi kita mahal. Magpinsan tayo!" giit ko kahit hindi naman talaga iyon ang nararamdaman ko. Napasinghap ako ng makita ko kung paano tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya, sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman,

"Baby" paos na tawag niya sa akin.

"Alam ko, Nararamdaman ko ding mahal mo ako. Please wag mo ng pahirapan ang sa ating dalawa..." pakiusap niya at hinila ako para pagdikitin ang aming mga noo.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now