Chapter 8

56.1K 736 58
                                    

"Tara na kasi!" yaya ni Yvonne sa akin.

"Ayoko nga. Tinatamad ako!" pagmamaktol ko. Kanina pa nila ako niyayayang lumabas. Kanina pa din ako tumatanggi sa kanila. Wala ako sa mood!

"Wala na nga kaming kasama ni Marcus. Wala na si Kuya Axus tapos nagiinarte ka pa diyan!" pangungunsensya niya.

Napairap ma lamang ako dahil duon. Halos isang buwan na din kasi simula ng umalis ito para sa kanyang mga tournament sa ibang bansa. Matapos ang mga kakaibang kinikilos niya nung nakaraang buwan ay tumuloy pa din siya ng alis kaya naman halos maiwan akong nakalambitin sa ere.

May parte sa akin na nagsasabing ayos lang iyon. Kinabahan din kasi ako dahil sa sinabi ni Marcus.

"Malapit na ang bridal shower ko. Baka naman pati duon ay di ka pumunta!"

"Pupunta ako Yvonne, tigilan mo nga yang pagiinarte mo at naiirita ako!" natatawang suway ko sa kanya.

Napanguso na lamang ito na ikinatawa ko. Ganuon lang ang ginawa namin buong araw sa bahay, tsismisan, manuod ng movie at kumain. Wala si Marcus ngayon, Ang alam ko kinakausap na siya ng Daddy nila na magumpisa na sa companya under ni Kuya Nathan.

"Eh pano ka? Ang daya mo kasi! ang aga aga mong mag asawa. Yan tuloy hindi mo na kailangang magtraining sa companya. Kaming dalawa na lang ni Marcus" rant ko. Masaya din sana kung sabay kaming tatlo na magtrain duon.

"Sus naman to. Edi dun ka kay Kuya Luke. Sigurado namang hindi ka pahihirapan nun. Ikaw pa! eh spoiled na spoiled ka nga nun!" pangaasar niya.

Kinahapunan ay sinundo na si Yvonne ni Cyrus para umuwi sa kanila. Naiwan nanaman akong magisa sa bahay. Past 7 na ng narinig ko ang pagdating nila mommy kaya naman dali dali akong bumaba.

"Hi, Mommy..." salubong ko dito tsaka siya niyakap.

"Namiss ko ang Baby ko!" sabi nito at hinalik halikan pa ako.

Napatawa na lamang ako dahil duon. "Si Mommy talaga!" suway ko sa kanya.

Natigil kami ng pumasok na din si Daddy. "Ako walang hug?" natatawang tanong nito at naglahad na din ng kamay.

Mahigpit kong niayakap si Daddy. Kahit nasa tamang edad na ako ay ganito pa din ang trato nia sa akin. Palibhasan ay wala pang mga apo. Kailangan na talagang magasawa ni Kuya Luke o kahit sino sa mga pinsan ko.

"Dalaga na ang bunso namin" sani niya na para bang nalungkot pa siya dahil matanda na ako.

"Kaya nga ang tanda tanda mo na Daddy" pangaasar ko sa kanya kaya naman napasimangot siya.

Nagtaas ako ng kilay. Hinawakan ko ang kanyang noo at inayos ang pagkakalukot nuon. "Oh. Ayan lalo ka po tuloy mukhang tumanda!" natatawang pangaasar ko.

Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "So, Hindi na ako gwapo?"

Sandali akong kunwaring nagisip pa. Natatawa na lang si Mommy habang nanunuod sa amin.

"Elaine" tawag ni Daddy sa akin ng matagalan ang sagot ko.

"Syempre naman po. Ikaw po ang pinaka-gwapong matandang Daddy sa balat ng lupa!" natatawang sabi ko na sinabayan din ni Mommy kaya lalong lumukot ang mukha ni daddy.

"Girl power huh?"

"I love you, Daddy!" masayang sabi ko at muli siyang niyakap.

Napuno ng asaran at tawanan ang aming dinner. "Be ready tomorrow, Dadating na ang mga Gazier..." paalala ni Mommy. Mas lalo akong natuwa ng maalalang bukas na ang dating ng aking bestfriend na si Samantha. Umuwi sila dito para sa kasal nila ni Kuya Luke.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now