Chapter 19

29.2K 696 33
                                    

"Ayoko pa nga sabi eh" mangiyak ngiyak na sigaw ko.

"Anong oras na Elaine, hindi ka pa din kumakain" maawtoridad na suway ni Kuya Axus sa akin.

Di ko siya pinakinggan mas lalo lang akong nagtalukbong ng unan sa aking mukha. Napakasakit ng aking ulo dahil sa hang over. Gusto ko pa sanang matulog ngunit hindi ako tinigilan ni Kuya Axus at kanina pa ako ginigising.

"Isa, Elaine" banta niya sa akin.

"Ikaw na lang ang kumain magisa. Ayoko pa nga eh" patuloy na reklamo ko sa kanya,

Matagal siyang hindi sumagot kaya naman buong akala ko ay tinigilan na niya ako. Umayos ako ng higa at magpapakain na sana ulit sa antok ng magulat ako ng hilahin niya ang kumot. Dahil sa ginawa niya ay naramdaman ko ang lamig ng buong kwarto.

"Bumangon ka na diyan" seryosong sabi pa niya. Gusto kong maiyak sa pagprotesta.

Kumunot ang aking noo. "Bakit ba kasi nandito sa amin, ang aga aga pa ah!"

Narinig ko ang kanyang pagngisi, marahas akong napakamot sa aking ulo. "Baka bahay niyo" pamanuyang sabi niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Hanggang sa makita ko ang hindi pamilyar na kisame. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis akong napaayos ng upo.

"Nasaan ako?" tanong ko sa kanya.

Napahalukipkip siya sa aking harapan. Wala siyang suot na pangitaas. "Sa condo ko, sa kwarto ko, nakahiga ka sa kama ko..." kalmadong sabi niya pero naghuhurumentado na ang aking buong kalooban.

Bumaba ang tingin ko sa aking katawan. Nakita kong kulay puting tshirt niya ang suot ko ngayon. Dahil sa laki nuon ay hindi ko na kailangan pang magsuot ng shorts.

"Sino ang nagpalit sa akin?" tanong ko. Nagtaas siya ng kilay. "Ako"

Halos lumuwa ang aking mga mata. "Bastos ka!" hiyaw ko

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Bakit, nakita ko naman na iyan ah" pangaasar niya sa akin.

Mas lalong uminit ang aking ulo. " Manyak ka!" hiyaw ko sa kanya, Hindi pa ako nakuntento ay inabot ko pa ang unan at pinagbabato siya. Ilang pagbato pa ang nagawa ko hanggang sa makita ko ang dugo sa may kama. Nanlaki ang aking mga mata. Oh fuck, did I gave up my virginity to him? To my cousin?

"Ano to" kinakabahang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. "Dugo..." simpleng sagot niya sa akin. Mas lalo akong naiyak.

"Napakawalang hiya mo!" asik ko sa kanya. "Pinagsamantalahan mo ako!" paghyhysterical ko pa.

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang kanyang blankong ekspresyon sa akin. "Rapist ka. Pinagsamantalahan mo ako" pagpaptuloy ko pa.

"Tigilina mo nga ako, Elaine" tamad na sabi niya sa akin. Natigilan ako dahil duon. "Labhan mo yang kumot ko na natagusan mo" dugtong pa niya na ikinalaglag ng panga ko.

Aalis na sana siya ng muli akong nagsalita. "Akala ko..."

Nakakunot ang kanyang noo ng tumingin siya sa akin. "Akala mo ano?" galit na tanong niya.

"Akala ko isinuko ko na sayo ang virginity ko. Hindi maaari, hindi pwede!" giit ko sa kanya.

Nagtiim bagang siya. "Kanino dapat kung ganon?" mapanghamong tanong pa niya sa akin.

Nilabanan ko ang kanyang titig sa akin. "My future husband, ofcourse" sagot ko sa kanya.

Mas lalong tumigas ang kanyang mukha. "I can be your future husband" may bahid ng lungkot ang pagkakasabi niya nuon.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now