Chapter 29

24.1K 576 34
                                    

Elaine Jimenez

Matapos ang pangyayaring iyon ay ganuon na lamang ang gulat ko ng biglang nawala ang mga pinsan at ang Tito at Tita ko. Napatingin ako kina Yvonne at Clark na hanggang nagyon ay masaya pa ding nakikipagkwentuhan sa iba pa nilang mga bisita.

Pinilit ko silang hinanap. Kung saan saan na nga din ako nagpunta, lumabas ako ng venue hanggang sa mapadpad ako sa malaking field. May kalayuan iyon sa hall kung nasaan ang reception.

Sigawan ang bumungad sa akin pagkarating ko duon. Napatakip ako sa aking bibig ng makita ko ang kaguluhan. Umiiyak na sigaw ni Tita Pia ang nangingibabaw. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang dahilan.

"Kuya Axus" walang pagaalinlangang tawag ko dito ng makita ko siyang nakaupo sa may sahig at dumudugo ang gilid ng kanyang labi.

"Shit, Elaine!" nanggagalaiting sigaw sa akin ni Daddy. Hindi ko siya pinansin. Kahit nakagown ay lumuhod na ako at nilapitan siya, umiiyak akong yumakap sa kanya. Alam na nilang lahat.

"Ano ba talaga ang nangyayari dito?" galit na tanong ni Tita Pia.

"Daddy tama na po, Please" umiiyak na baling ko kay Daddy.

Nakita ko ang mabilis na paghinga nito na para bang takot na takot siya sa mga nangyayari. Inilibot ko ang aking paningin at lahat sila ay nakakunot ang noong nakatingin sa amin ni Kuya Axus.

"Tumayo ka na diyan, Elaine. Uuwi na tayo" nahihirapang utos niya.

Marahan akong umiling iling at mas lalong yumakap na lamang kay Kuya Axus.

"Ano bang nanguayari dito?" nagtatakang tanong ni Kuya Nathan.

"Hoy Axus!" galit na sigaw ni kuya Sebastian.

"Sebastian" mahinang suway sa kanya ni Carol.

"What?" medyo naiinis na tanong nito sa asawa.

Natingin ako sa direction nila at nakita kong nakayuko lamang si Carol. Napansin ko din naman ang kakaibang itsura ni Kuya Sebastian habang nakatingin sa kanyang Asawa. Parang meron siyang naiisip na hindi maganda tungkol dito.

"May alam ka dito?" seryosong tanong niya sa asawa.

Lahat kami ay nakatingin na sa kanilang dalawa. Kahit ang mga Tita at Tito ko ay nasa kanila ang atensyon.

"Magsalita ka, Carol. May alam ka ba dito!?" galit na tanong muli ni Kuya Sebastian dito. Sasabat na sana ako para iligtas si Carol ng inunahan na ako ng aking katabi.

"Mahal ko po si Elaine" matapang na sabi ni Kuya Axus.

Natigilan silang lahat. Laglag ang panga ng mga pinsan namin. "It's normal anak, magpinsan kayo" nahihirapang pangungumbinsi ni Tita Pia.

"No Mom..."

"Axus please, Wag" pagpigil ni Kuya Alec sa kanya.

"No Alec. Mom has the right to know" matapang na sagot niya sa kapatid bago kami umayos ng tayo na dalawa.

"What is it Axus?" matapang na tanong ni Tita kahit ramdam kong may hint na siya.

Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan sa harap nilang lahat. Nakita ko kung paano sumunod ang tingin nila duon. Tumalim ang tingin ni Dadddy sa amin. Napailing na lamang si Kuya Alec. Alam niyang hindi na niya mapipigilan pa ang kapatid.

"Girlfriend ko po si Elaine, Mommy" diretsahang sabi niya kay Tita Pia.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Pia.

"Are you out of your mind Axus!?" galit na tanong ni Tito Austin at dinaluhan ang asawa.

"Mahal ko po siya. Mahal namin ang isa't isa"

A Sweet Mistake (HFS #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora