Chapter 16

30.7K 621 22
                                    

"Daddy, please..." Paglalambing at pagmamakaawa ko.

"Baby. It's better kung ang Kuya Axus mo ang magtratrain sayo" malambing ding sagot niya sa akin habang nagbabasa ng diyaryo.

"Tama ang daddy at mga Kuya mo Elaine" dugtong pa ni Mommy habang nilalapag ang kape para kay Daddy. Hindi ko ako makakain ng maayos.

"Dapat po si Kuya Luke di ba? Hindi naman po kasi talaga ako para dito. Iba po ang gusto kong maging work, pinagbigyan ko lang ang training na ito" paliwanag ko. Naging vocal ako sa kanila ng sabihin kong gusto kong magkaroon ng sarili kong pastry shop.

Napabuntong hininga si Daddy habang mariing nakatingin sa akin habang sumisimsim ng kanyang kape.

"Ok, ganito na lang" yun pa lang ang sinasabi niya ng mabilis akong napatayo at napayakap sa kanya. Sabi ko na nga ba, hindi niya ako matitiis.

"Kung makayakap, Syempre may pabor" natatawang sabi ni Daddy kaya napabitiw ako.

"Ano po?" nakangusong tanong ko.

"I'll cut your cards. If gusto mo talagang magmanage ng isang pastry shop someday. Then you should train yourself now about bussiness, I'll talk to your Kuya Axus. May sahod ka while on your training" tumataas taas pa ang kilay nito na para bang napakaganda ng ideya niya.

"Eh, Daddy..." patuloy na himutok ko.

Humalakhak lang ito na para bang natutuwa siya dahil para akong batang nagtatantrums sa harap niya. "You should work for it, galante naman ang Kuya Axus mo"

Humaba ang nguso ko kasabay ng pagbagsak ng aking magkabilang balikat."Si Daddy kung utuin ako parang menor de edad pa ako" reklamo ko sa kanya na mas lalo niyang ikinahalakhak.

"Lambingin mo na lang ang Kuya Axus mo, hindi ka naman papahirapan non" nakangising sabi niya sa akin. Mas lalo akong napabusangot. Lamabingin? Never!

Lunes ng sumunod na linggo ay maaga akong gumising para sa unang araw ng aking training. Labag man sa loob ko ay wala na akong magagawa.

"Wow, I'm so proud" si Mommy ng makita akong pumasok sa dinning. Isang baby pink long sleeve at pencil cut skirt ang suot ko. Nakainitm na closed heels din ako.

"Hindi pwedeng jeans?" tanong ko dahil mas sanay ako sa ganuon. Ayoko naman magslacks dahil hindi din ako kumportable sa tela.

Marahang umiling si Mommy. "Anak, Bagay sayo, trust me..." paniniguro niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Tuwang tuwa din si Daddy sa ayos ko ngayon. Panay ang palala niya sa akin ng mga kailangan kong gawin para sa aking first day habang kumakain kami ng breakfast. Si Daddy din ang naghatid sa akin patungo sa companya.

"Take care and enjoy. I love you" paalam sa akin ni Daddy bago ako lumabas ng sasakyan.

"Bye Daddy...I love you too" sagot ko at humalik sa pisngi niya.

"Smile na, you can do it" pagpapalakas niya ng loob ko. Ngumiti ako sa kanya para ipakitang ok lang ako kahit hindi.

Tinanaw ko muna ang sasakyan ni Daddy makaalis bago pumasok sa companya nila kuya Alec. This is not part of the Jimenez Group of Company dahil kay kay Tito Austin ito. Bago pa man sila magkakilala ni Tita Pia, Bilyonaryo na talaga siya.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Kuya Alec, dalawan beses na akong nakapunta dito kaya kahit papaano ay alam ko na din kung saan, pero yung opisina ni Kuya Axus ang hindi ko pa sigurado.

"Sayo na lang kasi Kuya Alec..." paglalambing at pagmamakaawa ko dito ng makarating na ako sa loob ng kanyang opisina.

"Gusto ko man ang kaso ay may secretary na ako. Si Axus wala pa" paliwanag niya sa akin ang kanyang mga mata ay nasa hawak na mga documento.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now