Chapter 31

25.8K 556 31
                                    

Hindi ako nakatulog ng buong gabi dahil sa nangyari. Bumalik na din ako sa aking sariling kwarto. Matapos mabanggit ang pangalan ni Liana ay naging mailap si Mommy sa akin. Naramdaman ko iyon at masakit.

"Good morning po" alanganing bati ko sa kanilang dalawa kinaumagahan, tahimik silang nakaupo na sa may dinning. Mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Let's eat" si Daddy at kaagad na ibinaba ang hawak na newspaper. Hindi ba namin maguusapan ang kagabi? Mananatili lang ba silang parang walang nangyari? Nalaman ko lang naman na ampon ako.

Binati ko din si Mommy, ngunit tipid lang siyang tumango sa akin na hindi man lang nagtapon ng tingin. Sa kanyang pagkain nakatuon ang kanyang buong atensyon. Gusto kong maiyak ngunit pinigilan ko na lang ang aking emosyon.

"Pack your things, Elaine. Your passport and all the important documents" utos ni Daddy sa aking na ikinagulat ko.

"Po? Bakit po?"

"Babalik na tayo sa America. I think mas makabubuti kung duon muna tayo" sagot niya sa akin, kagaya ni Mommy ay hindi niya din ako tinapunan ng tingin.

Wala sa sarili kong naibagsak ang hawak na kubyertos dahilan para maglikha iyon ng malakas na tunog. Nakuha ko kaagad ang atensyon nilang dalawa.

"May problema?" tanong ni Dad.

"Ayoko pong umalis"

Nagulat ako ng makita ko ang pagkataranta ni Mommy. Mabilis na namula ang kanyang mga mata at nagaalalang tumgin kay Daddy. Tinawag pa niya ito na para bang humihingi siya ng tulong.

Tumalim ang tingin ni Daddy sa akin. "Ito ang desisyon ko. Aalis tayo" laban ni Daddy sa akin.

Hindi ako nagpatinag. Kung ano ano ang tanong na ibinato ko sa kanila. Bakit kailangang umalis? Wala na kami ni Kuya Axus. Ano pa ang problema sa pananatili dito?

"Sinasabi ko na nga ba!" sigaw ni Mommy na ikinagulat ko. Bigla siyang nagburst out ng masabi ko ang tungkol sa aking totoong pamilya. Gusto ko silang makilala.

"Mommy..." pagtawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinakinggan, mas lalo siyang nagwala. Panay ang tawag niya kay Daddy, tila mo'y gusto niyang patahimikin ako nito.

"Shh Eli, Calm down please" pagaalo ni Daddy sa kanya. Galit na galit din siya kay Tita Pia dahil siya ang nagsiwalat sa akin ng lahat ng ito.

"Daddy, ano po bang nangyayari?" naguguluhang tanong ko. Halos himatayin si Mommy dahil sa paghy-hysterical niya. Gusto kong lumapit pero natakot ako na baka mas magalit siya.

Nagsabi si Daddy na maguusap kami pag napakalam niya na si Mommy. Wala akong nagawa kundi ang tahimik na maghintay sa kanya. Gusto ko ding pagusapan namin ito, hindi ako matatahimik. Hindi ako isang Jimenez, kung ganuon sino ako? Gusto ko ding malaman ang buong pagkatao ko.

Hindi natuloy ang paguusap namin ni Daddy. Mukhang hindi sila natapos sa pagtatalo ni Mommy. Sa huli ay nagkulong na lamang ako sa aking kwarto. Hindi ko maiwasang isipin siya. Kamusta na kaya siya?

Isang message ang natanggap ko kay Lola. Gusto niyang magkita kami sa isang mall. Kaagad akong nagayos at nagtungo duon. Ni hindi na ako nagpaalam pa kina Daddy. Bahala na kung mapagalitan ako mamaya pag kauwi ko.

Nagulat ako ng makita kong hindi lang si Lola ang nanduon. Kasama niya ang aking mga pinsan. Nakita ko din si Carol, ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos ng nangyari sa kanya. Pansin ko ang agwat nila ni Kuya Sebastian, mukhang hindi pa sila nagkakaayos hanggang ngayon.

"Elaine..." nagaalinlangang tawag ni Marcus sa akin. Naiintindihan ko, hindi siya sigurado kung tama ngang iyon ang itawag niya sa akin. Tipid ko silang nginitiang lahat, gusto kong ipakita sa kanila na ayos lang ako, kahit ang totoo ay halos oras oras akong namamatay hanggang sa hindi ko malalaman ang totoo sa aking pagkatao.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now