Chapter 9

44.3K 709 43
                                    

"Eh ano ngang magagawa ko? wrong send!" pagdidepensa ko.

"Wrong send? Mukha ba akong tanga Elaine at inakala mong bibilhin ko yang palusot mo!?" giit ni Marcus at parang puputok na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit.

Nilunok ko muna ng mabuti ang strawberry shake na iniinom ko bago ko siyang sinagot. "Unang sagot...Oo Marcus mukha kang tanga, at pangalawa anong bibilhin? Binibenta ko ba?" natatawang sagot ko sa kanya pero napatigil ako at nagulat ng hinampas nito ang lamesa.

"I'm dead serious Elaine. Hindi ka na bata! Grow up!" nakakatakot na sabi nito at agad nagwalkout.

Naramdaman ko ang paginit sa gilid ng aking mga mata. "Ano bang pinaglalaban nun!?"

Kinahapunan ay dinalaw ako ni Yvonne.

"Nagulat sina Kuya clark at kuya Nathan pati na din si kuya alec, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni yvonne.

Napakamot ako ng ulo dahil sa pagkainis. "Pwede ba Yvonne. Punong puno na ang tenga ko kanina dahil kay Marcus, wag mo ng dagdagan please..." pagmamakaawa ko.

"Eh nabigla lang kasi sina Kuya..." mahinang sagot niya,

"Hindi na ako bata, Yvonne. Pwede bang tigilan na nila ang pagba-baby sa akin, Nakakasakal na kasi..." tamad at iritadong sabi ko at itinuon na lamang ang lahat ng atensyon sa tv namin sa may sala.

"Ayaw mong bini-baby ka? nasasakal ka? Bakit Elaine?..." biglang singgit ni kuya Nathan na kararating lang.

Napabalikwas ako sa biglaan niyang... no scratch that. Biglaan nilang pagdating. si Kuya Nathan, Kuya Clark at Kuya Alec. Napayuko na lamang ako, anong drama to? Dahil sa isang fuck you lang?

Patay ang tv at nakaupo kaming lahat sa may sala. Walang may gustong magsalita. "Oh...Anong meron dito mga anak?" tanong ni Daddy pagkadating niya.

"Wala po Tito. Meeting lang para sa home coming ni Axus" sagot ni Kuya Clark.

"I heard a lot, about that Boy, Napakagaling na bata..." pagmamalaki Daddy.

"Bakit tahimik ang baby ko..." puna niya na lalong ikinanguso ko.

Agad akong tumayo at humalik sa kanya. "May problema ba?" tanong niya, na inilingan ko lang.

"Wala po, Daddy medyo napagod lang..." palusot na sabi ko.

"Kung gusto niyo dun kayo sa may veranda. Pahahatidan ko na lang kayo ng pagkain" suwestyon nito na sinang ayunan agad ng mga pinsan ko.

"Can we drink beer in your veranda, Tito?" natatawang pangaasar ni Kuya Alec dito.

"Can you drink milk instead?" balik na asar ni Daddy sa kanya.

Natawa ang mga pinsan ko na sinabayan din ni Daddy. "Ok, not too much!" paalala niya sa mga ito.

Pagkaakyat namin sa may veranda ay agad akong tinabihan ni Kuya Alec, inakbayan at hinalikan pa ako sa ulo. "Wag kang magalala, hindi ka namin pagagalitan. May iba kaming agenda" paniniguro niya at nakangisi pa.

Tumango tango na lamang ako at sumiksik sa may bandang dibdib niya. "Di pa tayo tapos Elaine..." singit naman ni Kuya Nathan.

Napatingala ako kay Kuya Alec. Akala ko ba may ibang agenda? eh mukhang mapapagalitan pa rin ata ako eh!."Tigilan mo na nga si Elaine,. Tinatakot mo eh!" suway ni Kuya Alec dito.

Napatawa na lamang si Kuya Nathan. "Nakaligtas ka ha!" natatawang turo niya sa akin, "Pero Elaine, Sorry pero ikaw pa din ang baby naming lahat, walang magbabago dun!" pangaasar niya.

"Pero grabe naman kasi kayong mag react Kuya...Parang simpleng fuck you lang. Tao din naman ako ah, mag karapatan din akong magmura pag di ko gusto yung nangyayari" pagpapaliwanag ko.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now